Chapter 43: Barrio

Start from the beginning
                                    

"Nakakatakot pa din ang lugar na ito kahit ilang beses ko nang napuntahan" nagulat siya sa pagsalita ng nobyo niya. Nakadungaw ito sa bintana ng kotse at halatang natatakot

"Gising ka na pala"

"Masyado kasing malalim iniisip mo kaya di mo napansin" nangaasar ang itsura nito.

"Nababasa mo ba ang isip ko" hamon niya.

"Hindi. Pero nararamdaman ko ang puso mo" kumindat pa ito sa kanya.

Napahalpak siya ng tawa sa banat nito. "Pick up line ba yon?"

"Hindi. Yun yung totoo. Nararamdaman ko ang puso mo na malakas ang tibok mas lalo na kapag hinahalikan kita--" Nabato niya ng mineral water na naabot niya ang nobyo sa kalahayan nito.

Pareho silang napahalakhalk "Babe naman ? " kungwaring daing nito

"Umayos ka. Malapit na tayo"

Natanawan niya na ang bahay nila Mang Junnie

Parang napigil ang hininga niya. Ginapangan siya bigla ng kaba. Hindi niya alam kung ano magiging reaksyon ni Mang Junnie,antagal niyang hindi nagparamdam sa lugar na ito.

Naramdaman niya ang paghawak sa kamay niya ng nobyo. Tumingin siya sa kanya.
He's smiling knowingly. As if alam nito ang nasa isip niya at nararamdaman niya

"Huwag kang mag-alala. Hindi sila galit sayo. I know kasi ilang beses ko naman din silang nakausap dati nung nawala ka. Sobra pa nga silang nagalala sa bigla mong pagkawala. Matutuwa sila kapag makita ka nila" he reassures her.

Somehow, gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ng nobyo.

This place reminds her of young self. Yung lampa at hindi marunong lumaban.

She parked the car na hindi kalayuan sa bahay.

"ngayon lang ata ako nakalanghap ng sariwang hangin" nagunat unat ang nobyo nang makalabas. Siya naman ay seryosong nakatingin lang sa bahay at di makalabas ng kotse. Medyo nagdadalawang isip siya .

Napansin naman siya nito at agad na pinaglahadan ng kamay..

Natulala siya sa kamay nito.

You know, she'll never get used to the fact that her boyfriend is suddenly so sweet,a gentle man, and beyond all that very manly.

Parang dati lang ay tanggap niya na sa sarili niya ang pagkalamboy ng kilos nito kahit sila na.

He is so different now. He changed but she can't say she doesn't like it. In fact, she's starting to love it.

"Hindi nga sila magagalit. Wag ka nang magdalawang isip" natauhan siya ng magsalita ito. May bahid ng pang-aasar sa boses nito.

He seems to be enjoying seeing her girly-girly side. Kunway kinunot niya ang noo niya pero tinanggap ang nakalahad na kamay nito.

"Tara na" Nanguna siya sa paglalakad para ipakita na di siya naduduwag pero sa totoo lang sobrang bilis ng pintig ng puso niya ngayon sa kaba.

Tinawanan lang siya ng nobyo sa kungwaring pagtatapang tapangan niya.

Pisti. Hindi niya maiwasan na hindi maasar kasi parang bumabaliktad na ang sitwasyon ngayon at siya na parati ang inaasar. Dati siya parati ang nangtitrip.

Tatawa tawa siya nitong hinabol . Hinawakan pa ang braso niya para pigilan ang mabilis niya na paglalakad.

"Wag mo akong iwan" bakas pa sa mukha nito ang pagkatuwa sa kaniya. She glared daggers at him.

"You wanna die?"  seryoso niyang sabi.

Pinaningkitan lang siya nito  ng mata sabay ngisi bilang tugon "In your arms" Sinadya nitong. maging husky ang boses habang mataman siyang tinitigan sa mata.

My Handsome GirlWhere stories live. Discover now