Feelings(1/3)

27 7 8
                                        

"Pinapabigay ng manliligaw mo!"Bigla akong napatingin sa direksiyon nila Jaimee,hindi ko maiwasang hindi makinig kapag siya na ang pinag uusapan.

"Bakit ba ayaw mo kay Qullian?"Hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait.I just can't accept the fact that he's courting my bestfriend.

Matagal ko ng kilala si Prince,he's my childhood friend and no one knows about it.Hindi ko kinukwento kahit kanino na may ugnayan ako sa isang Qullian Prince Fuentebella,ang hinahangaan ng buong campus dahil sa kagwapuhan at katalinuhan niya.Why?Hindi ko hahayaan na pati sa eskwelahan ay pinapamukha sa akin na kaibigan niya lang ako.Mas mabuti pang wala akong ugnayan sa kaniya.That way,no one will witness how stupid I can be when I'm with him.

Yes I have feelings for him,feelings that are beyond friendship.He knows about my feelings,alam niya pero harap harapan niya akong sinasaktan.Why did I fell inlove with my jerk childhood bestfriend in the first place?

Hanggang ngayon ay hindi ko rin masagot ang tanong na iyan.

_

But when  Aziel chose Siglos for the first time,nakakita ako ng pag asa.Pag asa na baka puwedeng ako naman at hindi siya.

"Hindi ba si Siglos iyon?"I did that on purpose,alam ko ang nararamdaman ni Aziel kay Siglos.At harap harapan ko iyong ipapamukha sa manhid na nasa harap ko.

"Oo nga pala,sabi sa akin ni Ma'am Khites punta ka daw sa faculty.As in now na,walang patumpik tumpik."I know what Jaimee was trying to do.At alam kong alam din iyon ni Qullian.Palihim ko siyang nginisihan,sinigurado kong siya lang ang makakakita noon.

He just shook his head.Kung martyr ako sa kaniya,martyr din siya sa kaibigan ko.How ironic is that?

_

When Aziel already accepted Siglos' feelings,alam kong may pagkakataon na ako.Even if I knew what will happen.

Nakita ko siya noon,the day Siglos confessed his feelings.Natutuwa ba ang tadhana dahil nasasaktan rin ako habang pinapanuod ko siyang nasasaktan dahil hindi ako ang pinili niya?

"Janna pupunta ka sa Party ni Aziel sa Sabado ha?"Napasimangot ako at binaba ang cellphone na hawak.Natalo tuloy ako!

"Ano ba Jaimee!Oo na pupunta na ako sa Sabado!"

"Hoy huwag ka ng magalit?sinisigurado ko lang na mag gogown ka at hindi ka magpapants sa Sabado."Bigla naman akong nasamid kahit wala akong iniinom.

"K-kailangang mag gown?"

Napaikot ng mata si Jaimee."Malamang teh,alam mo naman ang angkan ng mga Monroid kapag nagpaparty.Expect mo na kailangan talaga na mag formal."Napangiwi ako dahil sa narinig.Hindi ko gustong magsuot ng gown o kahit dress,naiirita kasi ako kapag nagsusuot ako ng ganoon.

Pakiramdam ko ay bunyag na bunyag ang pagkatao ko.Hindi rin komportable kaya mas pinipili kong magpants kaysa sa dress.

Biglang nag ring ang cellphone ni Jaimee,kitang kita ko ang biglaan niyang pamumula nang mabasa niya ang mensaheng pinadala.

"Jannaaaa!!Payag daw si Cali na maging date ko siya sa Sabado.Basta hanapan ko daw ng date si Qullian."Bigla naman akong napaubo.

'Ano ba Janna?Binanggit lang iyong pangalan affected ka na?'

Bigla akong kinabahan ng tingnan niya akong mabuti.Mukhang alam ko na ang kakalabasan nito.

-

"Anak nasa labas na si Prince!"Narinig kong sigaw ni mama sa baba.

Julianna Marie(Unrequited Love)Stories to obsess over. Discover now