“Disturbo ka naman, e. Malalabasan na.”

“Unahin mo muna ako. Akin na ang bag mo,” utos pa nito.

Napakamot sa ulo si Grey at napilitang tumayo para ibigay ang bag niyang dala na may pangpadulas. Inilagay pa niya ito sa bote ng alcohol para hindi masita ng guard.

Kumuha na si Blue ng lubricant at nilagyan ang palad niya. Pagkatapos, nilaro na niya ang alaga niya. Tinaas-baba niya ang kanang kamay sa pagkalalaki niya. Minuto ang lumipas, nilabasan na siya. Hinugasan na niya ang pagkalalaki niya at lumabas na. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanyang harapan ang iritableng mukha ng kambal niya.

“B-bakit? Bakit ganyan ang mukha mo?” nakangusong tanong ni Blue.

“May babae ba riyan?”

“Pula, nag-all by myself lang po ako, okay? Ang sarap kasi ng mga kandidata sa Miss M kaya itong tuyot mong kambal, hindi na nakatiis.”

Lumabas na rin si Grey sa banyo at pawisan na ito. Naunahan pa pala siya ni Blue.

“Success,” masayang sabi ni Grey.

“Kayong dalawa talaga. Bumalik na tayo roon,” pag-aya ni Red.

“Okay.”

Pagbalik nilang tatlo sa gymnasium, ang panglimang kalahok na sa talent competition ang nagtanghal. Nakatanggap naman ang kambal ng mensahe mula sa ina nila na hurado sa patimpalak.

Binasa nila ito...

[Crezelda: Red, Blue, hali kayo rito. ASAP. Isama niyo sina Grey at Green.]

Nagtinginan ang dalawa. Magkasabay kasi silang nakatanggap nito.

“Bakit kaya?” tanong ni Blue. May pangamba sa boses nito. Natatakot siya na baka pagagalitan na naman siya.

Nagkibit-balikat si Red. “Hindi ko alam. Tara na?” Tiningnan niya ang dalawa kaibigan. “Green, Grey, pinatawag tayo ni Mommy.”

“R-really? Kinakabahan ako,” si Grey.

“Bakit ka kinabahan? Wala naman tayong ginawang masama? Baka may kailangan lang,” giit ni Green.

“Tama siya,” pangsang-ayon ni Red.

Pumunta na ang apat kung saan nakaupo si Crezelda. Pagdating nila roon, nagpakalayo nang kunti ang tatlo maliban kay Red na lumapit talaga sa ina niya.

“Mom, bakit po?” bungad ni Red.

May tiningnan si Crezelda sa paligid. “Ang kambal mo?”

“Nandoon sa gilid, Mom.” Pagturo ni Red sa kinatatayuan ni Blue. Mahigit sampung metros ang layo nito.

“Tawagin mo,” maawtoridad na utos ni Crezelda.

Tiningnan ito ni Red at senenyasan na lumapit. Nagmadali namang tumakbo si Blue.

Nang makarating ito. “Po?”

Tiningnan siya ng kanyang ina. “Before the announcement of top 4, you must serenade them.”

“W-what?! Ayaw ko po, nahihiya ako.” Inirapan ito ni Crezelda. “Sa scandal mo? Nahiya ka ba?”

Walang nagawa si Blue kung hindi ang tumango.

“Good. Then kayong apat ang mag-abot ng flowers sa winners, okay? Magbihis na kayo roon sa backstage, may inihanda na akong susuotin niyong apat,” tugon ni Crezelda.

Pinuntahan ng kambal ang mga kaibigan nila. Ipinaliwanag ni Red ang gustong gawin ng ina niya. Napangiti naman ang dalawa nang malaman ang gagawin nila.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now