Compiled Stories 23

Start bij het begin
                                    

Admin please hide my identity. Thank youuuu.

Aebcd

Matandang Babae

Hi, silent reader ako ng page na 'to. Matagal ko na kasi talagang gustong i-share ang nakakakilabot at di ko malilimutang experience. Sana po ay ma-post ito admin. Salamat ng marami!

2001, grade 1 ako ng mga panahon na yan, pang-umaga pa ang mga katulad ko. Bale, si Mama ginigising kami ng eldest brother ko ng 4am para di ma-late sa 6am class.

That time, nasa ilalim ng isang bahay ang place kung saan kami nakatira at katabi lang namin ang isang ilog. Kung ide-describe ay medyo liblib ang place ng bahay namin at kailangan mo talagang sadyain bago mo ito makita.

Around 4am non and kumakain na ako ng almusal ko sa may kusina kung saan din ang place ng nag-iisang door ng bahay. Habang nakain ako, normal lang naman kahit alam kong madilim pa sa labas at nakasanayan na itong buksan sa ganong kaagang oras. Until such time, na mayroon akong narinig na isang sitsit na nagmumula sa aking likuran na sigurado akong mula yun sa pintuan. Pero di ko pinansin dahil nga bata pa ako non at busy sa pagkain ng almusal. Ngunit sa ikatlong pagsitsit, tinapangan ko na yung loob at sinilip kung saan galing ang tunog.

Laking takot ko non nang makita ko ang isang babaeng nakabalabal, may kulubot na ang mukha na nakadungaw sa pintuan ng bahay namin. At sobrang weird ng looks niya kasi medyo nanlilisik ang mata niya na parang may intensyon na gulatin o takutin ka. Sa takot ko, naiwan ko ang pagkain ko at kumaripas ako ng takbo papunta kina mama. Iyak ako ng iyak sa mga magulang ko dahil sa takot ngunit agad kong nasabi na may matandang nakadungaw sa pintuan ng bahay namin ngunit walang nakita sila papa nang tignan muli nila ito. May mga bulung-bulungan na mayroon talagang matandang babae na gumagala-gala sa lugar namin na intensyon na paglaruan at takutin ka. Kaya simula noon, di na namin ginawa na magbukas ng pintuan nang mga ganong kaagang oras. At siyempre di na rin ako nagpapaiwan sa kusina mag-isa para mag-almusal.

Sana nagustuhan nyo ang kwento ko.

**ethan

Grade School Building

Magandang gabi admin and readers. Gamit ko ang aking tunay na account kaya paki hide nalang ng identity ko. Maraming salamat. Nangyari itong karanasan ko na ito kanina lang (January 10, 2020 10:22pm).

Konting intro muna. Mag-iisang taon na akong Housekeeper dito sa matandang paaralan na ito dito sa Manila. May ilang kwento na din akong naririnig mula sa mga batikang Housekeepers at Sekyu dito sa paaralan na ito. Pero syempre, di ako naniniwala sa kwentuhan nila. Iniisip ko lang kasi na paraan lang nila yon para libangin ang bawat isa gamit ang mga inaakala kong kwentong kabarberuhan lamang. Hanggang sa mangyari na nga itong kababalaghan na ito.

Naka-assign ako ngayon dito sa grade school building na ito. Dalawa talaga dapat kaming naglilinis dito pero yung kasama ko papetiks din. Palibhasa matagal na kaya matibay na ang mukha. May limang palapag ang grade school building na ito. Ang routine ng paglilinis dito e nagsisimula sa ground floor then papataas. Mula pagdating ko kaninang 2pm e una ko ng tinitira ang 1st at 2nd floors dahil mga opisina at kindergarten rooms lang ang nandito. Habang paakyat ang floor na nalilinis ko e paunti-unti na ding kumakagat ang dilim hanggang sa di ko na namalayang 10pm na pala. Tamang-tamang nasa 5th floor na ako kanina nun. Kung saan nangyayari yung mga "kwentong barbero" ng mga batikang Sekyu at Housekeepers. Nagsimula akong maglinis sa kabilang dulo ng corridor kung nasaan ung cr. Noong una ay wala lang sakin. Mag-iisang taon na ako dito, ngayon pa ba ako matatakot? Parang tanga lang diba. Habang nililinis ko ang cr e may naririnig akong tawanan ng mga bata. Iniisip ko na sa labas ng gate un. Yung GS Bldg kasi e malapit sa main gate. Ang pinagtataka ko lang e habang tumatagal parang lalong lumalakas yung tawanan. So sumilip na ako sa labas ng cr kasi curious na ako e. Nung lumabas ako nawala na yung tawanan. Tumingin muna ako sa paligid ng corridor kasi baka pinagtitripan ako e. Nung wala naman akong makita e bumalik na ako pra maglinis ng banyo. Nabwisit lang ako kasi pagpasok ko ng banyo, Nagtawanan na ulit ung mga bata. This time mas malakas na tawanan na, na para bang malapit nalang sila sa pinto. So nilabas ko ulit. Huminyo na naman ngayon itong mga tawanan. But this time, meron nang mga bakas ng sapatos na parang nagpalakad-lakad sa corridor. Nagtataka na ako and at the same time e kinakabahan na kasi siguradong-sigurado ako na ako na lang ang tao dito sa GS Bldg. Naka-lock na din ang mga pinto kung saan nanggaling ung bakas ng sapatos na para bang nanggaling sa loob ng classroom. Ninja cleaning nalang ang ginawa ko kasi kinakabahan na nga ako. Mamaya kung ano pa ang makita ko. Habang  gumigitna ako sa pagma-mop ng corridor e may mga naririnig naman akong footsteps. Dito na nanuot sa isipan ko yung kwento nila na may mga estudyante daw na ginamit for experimentation ng foreign scientists and doctors daw. Isang buong klase daw ang naging sample para doon at ni isa sa mga yun ay walang nakaligtas sa lupit ng experimentation na ginawa sa kanila. Mabalik ako sa kwento ko, backwards ang mopping na ginagawa ko kaya naririnig ko lang ang mga hakbang. Nung malapit na ako sa hagdan e napalingon ako. Pinagsisihan ko talagang lumingon pa ako nun kasi mayroong kulay puti at itim na figure na mabilis na bumaba sa hagdan. Syempre hinabol ko at inisip ko e baka mga katrabaho ko na pinagtitripan ako. Pagsilip ko sa hagdan ay nanindig na ang mga balahibo ko. Yung puti at itim na figure na nakita ko ay dahan-dahan nang bumababa ng hagdan. Naka-off na ang ilaw sa hagdan kaya di sila masyadong maaninag. Ang tanging nasisigurado ko lang ay hindi tao ang nakita ko kanina. Nakatayo lang ako sa bandang hagdan. Kunwaring nagma-mop pero binabantayan ko talaga ung mga nakita kong figure. Nanginginig at kumakalabog na ang dibdib ko sa takot pero wala akong pinapakitang reaksyon kasi baka kung mapaano pa ako. Nung nawala na sa hagdan ung mga "multo" ay mabilis kong binaba ito. Wala na ung mga nakita ko. Sabi ko sa sarili ko, napasobra yata ang hataw ko sa linis at kung anu-ano na ang nakikita ko. Kinakabahan pa rin ako ng mga oras na yon kasi pakiramdam ko, hindi pa tapos. Nasa 4th floor ako nito nang tumingin ako sa taas at ayun na nga. May nakita akong batang nakadungaw. Tisoy ung bata. Binati ko pa yun ng magandang gabi saka ko inakyat. Pagtapak ko sa 5th floor e nasa harap ko na ung bata. Para bang inaabangan ako. Syempre wala pa rin akong reaksyon kahit takot na takot na ako. Gabi na kako utoy ah, bakit nandito ka pa? Nakatingin lang sakin yung bata. Hanggang sa dahan-dahang nanlaki ang mga mata nito at may itinuro sa likuran ko. Ayokong lingunin talaga putek pero napalingon pa rin ako na di ko din alam kung bakit. Alam ko din namang wala akong maaaninag kasi nakapatay nga ang ilaw sa hagdan e. Nilingon ko lang ng mabilis ung likuran ko at humarap sa bata. Sa pagharap ko naman e dun na ako napatakbo kasi wala na yung bata sa harap ko. Hindi ko na tinapos ung pagma-mop ko sa corridor at di ko na din napatay ung mga ilaw na nakasindi pa sa 5th floor. Tumakbo  ako hanggang dito sa may mini chapel dito sa ground floor pra tumambay. Nasa isip ko din na mas protektado ako sa mga ganung elemento kung nandito ako. Nagulat na lang ako ng may tumawag sa pangalan ko. Yung kasama ko pala na papetiks. Ano daw ang ginagawa ko sa chapel. Hindi ko na nasagot ang tanong nya. Ang sinabi ko nalang e pakipatay yung ilaw sa magkabilang dulo at gitna ng 5th floor. Nakalimutan ko na kako sa sobrang pagod ko. Nanindig nalang ulit ang balahibo ko nang sinabi nya na nakapatay na ang ilaw sa 5th floor. Sinilip ko pa para makasigurado. Nakapatay na nga. Napansin nalang nya siguro na para akong hindi mapakali. Saka nya binanggit na, "Ano ang nakita mo?" Hindi na muna ako sumagot at nagmeryenda nalang muna ako bago mag-out.

PS. Kung di nyo man nagustuhan ang kwento ko ay walang problema. Kailangan ko lang mailabas ito kasi pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait kapag sinarili ko lang. At sa mga magtatanong din kung bakit may oras pa akong nailagay kahit na ganun na ang mga nangyari, naging habit ko na bilang Housekeeper na tumingin sa oras every time na hihinto ako sa galaw ko.

O siya uuwi na ako at mag-11pm na. Magandang gabi ulit.

TheHouseKeeper

Marcos Highway Baguio Benguet

Ise-share ko sa inyo ang experience ko habang tinayahak ang daang Marcos Highway ng madaling araw. Hindi ito gaanong nakakatakot pero sa katulad kong di pa nakakaranas ng kababalaghan ay talagang nakakapangilabot. Di ako magaling magkwento pero sana maintindihan nyo. February 14, mga nasa bandang 1am pauwi na kami ng boyfriend ko ng Pampanga. Di kami pamilyar sa Baguio kaya naka-waze lang kami. Sakay kami ng isang civic na dina-drive ng boyfriend ko. Dumaan kaming Kennon Road pauwi pero sa kasamaang palad ay sarado pala ito hanggang Friday daw kaya napilitan kaming bumalik ayaw kasi naming mag-tplex, mahal yung toll fee need magtipid, magastos sa Baguio haha. Well back to the story, napilitan kaming dumaan ng Marcos Highway. Nung una smooth ang biyahe, nothing weird happened puro truck na malalaki lang ang nakakasabay namin. Hanggang sa may van sa unahan namin makikita mong luma na sya madumi at tinted eh di nag-overtake si bf kasi para may makasabay kami sa napakadilim na daan na yon. Nanahimik ako kasi iba na pakiramdam ko sa van pag kasi may daraan na sasakyan ay bibilisan nya at pag kami na lang ay babagal sya na parang nakuha ng tyempo paulit-ulit ganon hanggang sa nag-overtake na ung boyfriend ko at binatak nya na ung civic nya. After non sinabi na nya na iba na ang kutob nya. Nagulat ako parehas pala kami ng iniisip pero di yan ang nakakatakot kong naramdaman dahil nga nag-overteak kami mga isang oras at kalahati na kaming paikot-ikot. Tantiya ko ay mga 2am na dahil mga mag-a-alas tres na kami nakarating ng Tarlac. Dahil nga nag-overtake yung bf ko wala na kaming kasabay na sasakyan di na namin matanaw yung van. Sobrang tahimik, sounds lang namin ang ingay biglang nag-init yung tenga ko pati mata ko at tumaas yung balahibo ko di ako makatingin sa likod pero nakasarado ung bintana at may malamig akong nararamdaman sa likod ko na parang dumampi sa ulo ko naiiyak ako at di ako makapagsalita. Ang bigat-bigat ng pakiramdam namin sa lugar na yon dumaan din naman kami ng Kennon Road ng 3am nung February 13 pero di mabigat ang pakiramdam namin.

Wala man ako nakita ngunit ramdam kong may kasama kami. Di ako matatakutin dahil di pa ako nakaka-experience. Sinabi ko sa bf ko yun pero di sya naniwala pero kita ko din sa mukha nya yung takot, ayaw nya lang sguro na matakot kami parehas. After nun niyaya ko munang maglugaw yung bf ko sa Mabalacat para magpagpag kami. Yun lang po salamat sa pagbabasa.

Thea.

Scary Stories 5Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu