"Malay nyo dumating sya ngayon diba?!" sabi ng ama ni Angela.

"Sana nga po!" malungkot na sabi ng apat.

"Cheer up girls, hinihintay na kayo ng mga bisita so be ready!" sabi ng ina ni Aj na ikinatango ng apat. Inalalayan sila ng magulang nila sa paglalakad hanggang sa pag-akyat ng stage.

Nagsi palakpakan ang lahat na tumayo at masaya nang makita ang apat.

"Good evening ladies at gentlemen, now let's listen for the speech of our four debutants!" masayang sabi ng mc at binigayan ng mic ang apat.

"Ahm good evening everyone?! Thank you for coming tonight! Sa parents and friends ko, thank you sa pag-intindi, pagmamahal, advice, sacrifice at sa lahat-lahat! At sa isang taong wala dito ngayon... Sana... Sana dumating ka!... Bumalik kana please?!" sabi ni Angela na muntik nang maluha sa huling sinabi.

"Tulad nga po ng sabi ni Angela, thank you and hope you enjoy!" sabi lang ni Lj

"Thank you po sa pagpunta ngayon... Pero mas masaya sana kung nandito sila Jk!" sabi ni Aj

"Wala na po akong sasabihin pa dahil na sabi na nila pero... Please kung sino man po ang nakakaalam kung nasaan sila Jk ngayon sabihin nyo na! Yun lang po ang hiling namin!" desperadang sabi ni Aless na naluha na pati ang tatlo. Naawa ang lahat lalo na ang pamilya at mga kaibigan nila dahil sa sinabi ng apat at nakikita sa kanila.

"Happy 18th birthday sa apat naming prinsesa, sorry kung ngayon lang kami!" biglang napatingin ang lahat sa entrance ng may malakas na tinig ng lalaki ang nagsalita.

"Z-Zayn!" usal ng apat ng makita si Zayn na msy hawak na mic at sa likod nito ay ang DSG.

"Kami nga!" sabi ni Cj at napatayo ang lahat ng makompirmang sila Zayn nga ang dumating.

"Asan si Jk?" tanong ni Lj gamit ang mic para magkarinigan sila.

"Pinapasabi nyang happy birthday at pasensya na dahil hindi sya makakapunta!" sabi ni Zayn na mapait na ngumiti.

"A-ah let's start the party,  guys!" awkward na sabi ng mc. Nagsimula na nga ang party ng apat habang ang DSG at si Zayn ay lumapit sa mga kaibigan.

Nasa iisang table lang sila pero hindi sila nag-uusap. Samantalang excited ang apat na matapos ang part para makausap na ang mga kaibigan na kadadating lang.




CJ'S POV

Nandito na kami ngayon sa mansyon nila Jk kasama ang mga Kings. Nakaupo kami sa sofa at magkaharap-harap pero walang may nagsasalita.

"Kailan pa kayo dumating?" basag ni Jace sa katahimikan.

"Kanina lang din, saktong papagabi na! Pero dumeretso kaagad kami sa venue ng debut ng apat!" sabi ni Zayn

"Anong ginawa nyo nung malaman nyo na umalis kami?" tanong ni Froi

"Hinanap kayo syempre... Marami kaming naghanap sa inyo pero hindi namin kayo mahagilap! Itong sina Jace, at ang kambal halos patayin ang mga taong inutusan na mag-imbestiga sa ibang bansa ng walang malaman tungkol sa inyo!" sabi ni Althea

"Bakit nga ba ngayon lang kayo? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Jack

"Pwede bang bukas nalang tayo mag-usap? Inaantok na kasi kami eh, wala pa kaming tulog simula kanina!" sabi ko at humikab

"Sige, gabi na din kasi eh!" sang-ayon ni Angela

"Dito nalang kayo matulog lahat, maraming kwarto ang bakante... Kayo nalang bahala kung sa'n nyo gusto!" sabi ni Lj at nagsipagtayuan na kami at naghanap ng kwarto.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITWhere stories live. Discover now