CHAPTER 23

2.2K 93 2
                                    

KHY'S POV

Nandito kami ngayon sa room at nakikinig sa prof namin. Magkakaklase ulit kami at kasama si Lyra at ang apat pa nyang kaibigan. Ang sabi nina Angela ka klase din namin ulit sila Jk pero wala sila ngayon. Hindi din nila alam kung nasan sila dahil agad daw umalis ang mga ito matapos magpaalam na aalis.

Habang nag di-discuss ang prof, bigla nalang may kumatok kaya nahinto ang prof at napatingin kaming lahat sa pinto. Lumapit ang prof sa pinto at binuksan. Na curious kaming lahat sa paglawak ng ngiti ni prof at sinubukan naming sumilip pero wala kaming nakita dahil nakaharang ang prof.

"Hindi pa ba papasok sila Jk?" rinig kong tanong ni Lyra na nasa harapan namin kaya napatingin kami sa kanilang magkakaibigan.

"Papasok daw sila, may pinuntahan lang sila" sagot ni Angela

"Kasama nya sina Zayn?" tanong ni Chris na tinanguan ni Angela.

"Masyadong nagiging close ang mga yun kay Jk" naka busangot na sabi ni Jake.

"Gan'on talaga sila, dati pa" nakangiting sabi ni Aj.

"Parang mag boyfriend at mag girlfriend si Jk at Zayn kung titignan" sabi ni Mark na ikina sama ng tingin ko sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin.

"Kulang na ngalang ipakasal silang dalawa eh" gatong ni Reymond kaya mas sumama pa ang tingin ko.

"Wala bang gusto si Zayn kay Jk?" tanong ni Reymark

"Iwan, wala namang sinasabi si Zayn eh" sabi ni Aless

"Eh si Jk kaya?" sabi ni Christian

"Stop talking nonsense" sabat ni Vince kaya tumahimik sila.

"Listen, class" agaw ni prof ng atensyon na nagawa naman nya. "I'm sure na matutuwa kayo sa sasabihin ko lalo kana, master Vlad" naka ngiting sabi ng prof na tumingin kay Vlad pero hindi sya pinansin ng isa.

"Ok, class, let us all welcome back... Ms.DianaFord" masayang sabi ng prof kasabay ng pagpasok nila Claire at ang babaeng matagal na naming kinalimutan.

Naging masaya ang mga kaklase namin pati sina Lyra habang sila Angela ay nakatingin lang kay Diana.

"Hi everyone, I'm Diana Ford,18 years of age... I'm glad to see you all again... And I came back because I want to get the man that I loved" sabi ni Diana na tumingin kay Vlad sa huling sinabi nya pero tinignan lang sya ni Vlad nang malamig.

"She's back" malamig na sabi ni Lance at Vince na kaming magkakaibigan lang ang nakakarinig.

"You may sit now, Ms.Ford" nakangiting sabi ng prof na sinuklian din ng ngiti ni Diana at magkakasama silang naglakad papunta sa dereksyon namin. Nakatingin si Diana kay Vlad pero nasa harap lang ang tingin ng isa.

"Can I sit here?" nakangiting tanong ni Diana kay Vlad pero hindi sya sinagot nito.

"Yes, you may" sabi ni Lance na tumayo kaya tumayo din kami ni Vince at Mark at lumipat sa likod.

Pagkaupo nila Diana ay nagsimula ulit mag discuss ang prof. Hindi ako makapag focus dahil sa presensya ni Diana at ang katotohanang magkatabi sila ni Vlad pero parang wala sya. Panay ang sulyap nya kay Vlad pero balewala lang sya sa isa.

"Class dismiss" sabi ng huling prof namin para mag lunch at lumabas.

Agad na umalis ang mga kaklase namin habang kami eh nakaupo parin at nakikipag pakiramdaman. Ilang minuto kaming naging tahimik at nakikipagpakiramdaman sa isa't-isa ng basagin ni Vlad ito.

"Let's go" sabi nya na tumayo kaya napatayo din kami pati sina Diana.

"Ahm hindi muna kami makakasabay sa inyo ah. Aantayin pa namin sina Jk" sabi ni Aj

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITDär berättelser lever. Upptäck nu