CHAPTER 42: Hatred

Start from the beginning
                                    

“Well, congratulations. Magsaya ka na hangga’t makakapagsaya ka pa.” – sabi ni Matthew at saka itinaas ang baso na hawak niya bilang pakita ng pagbati sa Daddy niya.

Ngumiti lang ang Daddy niya sakanya at pumasok na ito sa loob, narinig niya pang tinawag nito ang Mommy niya.

*RINGGGG*

 


Tj Calling..

“Anong balita?” – halata sa tono ng pananalita ni Matthew ang sakit, galit at lungkot.

[Matthew naipakita ko na sa Attorney namin, ngayong araw na ‘to huhulihin ang Daddy mo.]

“Good. Nandito siya sa bahay, masayang masaya, nararamdaman niya sigurong makukulong siya..” – sabi ni Matthew.

Huminga naman ng malalim si Tj.

[Ipapaalala ko lang, kapag dumating na jan si Mr.Cruz at ang mga pulis, there’s no turning back.]

“Ha.ha. nagpapatawa ka ba Tj?.. Turning back? Ako ang magiging pinakamasaya kapag nakulong siya..Hindi na ko makapag hintay.” – sabi ni Matthew.

[Okay.  Maya maya nanjan na sila Attorney.] – sabi ni Tj, at saka pinatay ang cellphone.

-------  

“Kuyaaa!! Tara! Nagluto si Mommy! Sabay sabay na daw tayo kumain sabi ni Daddy.” – sabi ni Myx at saka nagmadaling bumalik sa kitchen.

Napangiti si Matthew.

“Celebration for his imprisonment? Masaya ‘to.” – sabi ni Matthew sa sarili niya, at agad pumunta sa dining area nila. Nandun na ang Mommy, Daddy at kapatid niya nakaupo na sa hapag kainan. Umupo siya sa tabi ng kapatid niya.

“So, ngayon lang ulit tayo nagkasabay sabay kumain. Kaya naman nagluto ako ng paborito niyong tatlo, Manang pakilabas nga yung adobo.” – nakangiting sabi ng Mommy ni Matthew.

 


Masaya si Mommy ngayon, too bad I will ruin it. – sabi ni Matthew sa sarili niya.

“Wow! For sure masarap yan Mommy!!” – sigaw ni Myx.

 Habang kumakain sila ay may nag door bell.

Numb is inWhere stories live. Discover now