CHAPTER 3:

42.6K 807 54
                                    

CHAPTER 3:

February 13 na ganun parin kami ni TJ walang pagbabago.. hindi ko parin alam kung bakit biglang naging ganito kami.. :( at yung babaeng kasama niya nung araw ng monthsary namin, nalaman ko kay Matthew na girlfriend siya ng kapatid ni Tj na si Darryl.. at nagkakalabuan daw yung dalawa.. Siguro kinocomfort lang siya ni Tj.. pero kahit na bakit ganun..

Uwian na.. lumabas na lahat ng kaklase ko, si TJ inaayos pa yung mga gamit niya.. Napansin ko rin na hindi na siya masyado sumasama kela Kim.. Nilapitan ko siya..Kaming dalawa nalang dito sa room na ‘to at nabibingi ako sa katahimikan dito sa loob..

“Tj..” – ako.

Patuloy pa din siya pag aayos ng gamit niya..

“TJ!”

Humarap siya sakin.. tinignan niya ko sa mata.. Iba siya ngayon.. ibang iba..

“May kailangan ka ba?” – siya. Ang sakit naman marinig nun..

“Ano.. kase.. Tj bakit ganito tayo?”

“Okay naman tayo diba.” – siya.

“TJ hindi eh.. nagbago ka.. nagbago tayo..” – pinipigilan ko yung luha ko..

“Alex.. ayaw kitang saktan.”

“Pero nasasaktan na ko..” – ayan na pumatak na yung luha ko.. kainis...

“Alam ko.” – malamig na sagot niya..

Napatulala ko sa sinabi niya.. alam niyang nasasaktan ako pero pinagpapatuloy niya pa rin..

“Kung wala ka ng sasabihin uuwi na ko.. umuwi ka na rin.”

Yun lang at lumabas na siya ng room.. ang gulo.. hindi ko talaga siya maintindihan.. hindi ko alam kung bakit ang dami dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawang sabihin pag kausap at kaharap ko na siya.. ano bang nangyari? May nagawa ba ko?

*February 14

Tapos na ang klase..

“Hey Alex! Mauna na ko ah! Niyaya ako ni Ivan mag date!” – masayang sabi ni Lian..

“Go. Enjoy your date!” – me.

“Kayo? Hindi ba kayo aalis?” – tanong ni Lian.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon