Chapter 12

16 5 2
                                    

Habang nasa higaan, iniisip ko ulit yung mga nangyari kanina.

Simula doon sa buong pangalan ni Shaun hanggang doon sa sinabi ni Mr. Ventura na picture.

Kung si Lester si Shaun, ibig sabihin hindi na ako makakapag-aksaya ng panahon na hanapin pa siya dahil nandito na din siya. Yun nga lang ay hindi pa ako sigurado kung siya nga talaga si Lester.

Naaalala ko pa noon kung paano sinabi sa akin ni Keli na may gusto siya kay Lester kaya nalungkot ako. Dahil maski ako ay may gusto din kay Lester noon. Pero hindi ko inamin dahil alam kong masisira kami ni Keli.

Kung si Lester ay si Shaun, hindi ako magdadalawang-isip na pakasalan na talaga siya. Kasi matagal na kaming hindi nagkikita. At matagal ko na din siyang hinihintay.

Siya lang naman ang tanging dahilan kaya hindi ako makapag-asawa eh. Umaasa ako na sana hinihintay niya din ako.

Hindi niya alam ang nararamdaman ni Keli noon para sa kaniya. Ang turing niya lang sa amin noon ay parang kami ang mga kapatid niya.

Nag-iisang anak lang kasi si Lester kaya ganoon nalang ang tuwa niya nang maging kaibigan niya kami ni Keli.

Naaalala ko pa, kapag may umaaway sa amin ni Keli, tinatakot niya na ipapakulong nya o ipapadampot niya sa pulis. Kaya mula noon, napalapit yung loob ko kay Lester. Masyado niya kasing ipinapakita na hindi lang kami ibang tao sa kaniya kundi mahalaga na kami sa kaniya.

Pero, nung araw na magkikita na kami ni Lester noon sa parke, nagkasakit siya. Kaya ang ginawa ko, umuwi nalang ako. Hindi ko naman alam na yun na pala ang huli kong punta sa parke na iyon dahil pag-uwi ko ng bahay, sinabi sa akin ni Mommy na lilipat na kami.

Hindi ko na nagawang magpaalam noon kina Keli at Lester dahil biglaan.

Ang huling balita ko nalang ay ang kay Keli. Umalis na din daw sila noon ilang linggo ang nakalipas mula ng umalis kami.

Nakakalungkot dahil wala kaming maayos na pamamaalam sa isa't isa. Ni hindi namin nalaman ang totoong pangalan ng isa't isa. Tanging mga pinaikling pangalan lang kasi ang ipinakilala nila kaya ganun din ako.

Siguro, nalungkot si Lester. Hindi na din kami nakabalik pa doon sa dati naming tirahan dahil masyado nang maraming ginagawa si Mommy sa kumpanya. Pero kung may pagkakataon man, sana magkita-kita kaming tatlo. Namimiss ko na sila.

Hindi ko namalayan na inabot na ako ng madaling araw sa pag-iisip kaya minabuti kong matulog nalang. Baka kasi sabog ako kapag humarap ako kila Mommy.

Pagdating ng alas kuwatro, gising na kami ni Shaun. Nag-almusal lang kami ng kape at  ichineck ang mga gamit kung may naiwan. Naalala ko naman ang bracelet na ibinigay sa akin ni Lester kaya isinuot ko ito. Nang masiguro namin na wala nang nakalimutan ay siya na ang naglock ng pinto at umalis na kami sa bahay.

"Baka makalimutan mo, susunduin natin si Raquel." sabi ko

"Hindi ko makakalimutan yan syempre." sagot niya at tinignan ko naman siya ng masama. "B-bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya pero hindi ko siya kinausap.

May naalala ako bigla

"Bakit mo pa pina-sketch ang mukha nung kababata mo kung may picture naman kayo na nakatago pala?"

"Actually, yung sinasabi ni Papa kahapon, hindi siya yun. Ibang batang babae yung tinutukoy nya. Ang litrato naman ni Kel, naisama ni Yaya Linda sa mga susunugin niya."

Hindi ko nalang siya ulit kinausap at tumahimik nalang.

Nang marating namin ang unit ni Raquel, tinulungan na namin siya sa gamit niya.

Pagdating sa harap ng kotse, ako ay dumiretsyo sa likod ng kotse dahil ilalagay ko ang gamit ni Raquel. Para naman hindi siya mahirapan na umupo sa likod.

Nang maisara ko ang trunk, napataas naman ang kilay ko sa inis dahil inunahan ako ni Raquel. Siya ang umupo doon sa harapan.

"Rachielle tara naaa!" yaya niya pa sa akin.

Wow ha! Baguio trip namin to. Naisama ka lang. Ewan ko. Ayokong maging masama pero kasi, singkapal ng libro yung mukha niya.

Dahil sa naunahan ako sa pwesto ko kanina, labag man sa kalooban ko ay sa likod nalang ako umupo.

Hindi ko alam kung tatagal ako sa biyahe kasama ang babaeng kinaiinisan ko.

Oo na! Nagseselos na ako!

Habang nasa biyahe, kwento lang ng kwento si Raquel. Yung iba, tungkol sa mga lugar sa Aklan. Yung iba naman, tungkol sa mga nanligaw sa kaniya noon pero walang pumasa. May hinihintay daw kasi siya.

Dahil sa hindi naman ako interesado, nagsalpak nalang ako ng earphones sa tainga at nilakasan ang volume ng cellphone ko para hindi ko marinig ang mga kalandian nila.

Tumingin nalang ako sa bintana habang nakikinig ng kanta.

Kasalukuyan akong nakikinig nang biglang humina ito, siguro ay may notification ako.

Bubuksan ko na sana ito pero naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Raquel. Humina kasi ang volume kaya narinig ko. Pasimple ko namang hininaan at nakinig sa kanila.

"Pero alam mo ba, solid kami dati. Yung halos kami- kami yung magkakasama kasi kami-kami lang din yung magkakaibigan noon. Masaya kami non. Pero biglang umalis yung isa. Tapos ilang linggo lang ata nun or araw, umalis na din kami doon. Kaya naiwan siya."

Parang tumigil ang mundo ko.

Kamukhang-kamukha nya ang istorya ng pagkakaibigan namin ni Keli at Lester.

Raquel... Keli..Kel..






Seul L'amourHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin