Chapter 3

35 6 2
                                    


Ngayong araw ay kailangan naming pumunta sa bahay. Sa totoong bahay namin nina Mommy. Ngayon ko nga lang naalala dahil sa pesteng Shaun na to. Nag-away kami sa bahay kaya nawala sa isip ko na bibisitahin namin si Mommy.

"Oh basta, yung plano, wag mong kakalimutan. Baka naman dahil sayo ay mabuko pa tayo." paalala ko habang nasa sasakyan kami.

"Alam mo ikaw, parang wala kang tiwala sa akin. At saka may kapalit 'to kaya gagalingan ko. Wag kang mag-alala, hindi tayo mahuhuli."

Dami-daming sinabi. Pinaalala ko lang naman.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana. Iniisip ko yung mga mangyayari mamaya. Sana sa plano na 'to, tumigil na sila sa mga iniisip nilang pagpapakasal.

Mahaba-haba ang biyahe dahil malayo ang pinatayo kong bahay sa bahay ni Mommy. Ako ang nagdesisyon nun para naman hindi nila ako guluhin. At saka, 26 years old na ako. Matanda na ako. Hindi na ako baby na kailangan ng bantay.

Balak pa nga nila akong bigyan ng guwardiya noong lumipat ako pero ang sabi ko, hindi na ako bata. Hindi ko kailangan ng guwardiya kasi kaya ko namang depensahan ang sarili ko.

Pinagbuksan kami ng gate ng mga guwardiya nang makarating kami sa bahay.

Pagpasok namin sa bahay, nakita ko na nandoon din pala si Mr. Ventura.

"We're here." anunsyo ko at tumingin naman sila sa amin.

Tumingin ako kay Shaun at sinenyasan siya na akbayan ako para naman kapani-paniwala. Mabilis naman niyang inilagay ang kamay niya sa bewang ko.

"Di'ba sabi ko walang hawakan sa bewang?" pabulong kong sabi pero nakangiti para hindi kami mahalata.

"Hayaan mo na. Choosy ka pa." natatawang aniya at hinila na ako palapit kina Mommy.

Para mas makatotohanan, ngumiti nalang ako at inilagay ang kamay ko sa bewang niya.

Nakakasuka. Pero para din sa amin 'to.

"Oh, kamusta naman ang pagtira mo Shaun sa bahay ng anak ko?" Nakangiting tanong ni Mommy kay Shaun. Tumingin naman siya sa akin. Aba! Gusto mo akong ilaglag?

Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian siya.

"Ah... Okay naman po. Nakakakain naman po ako 3 times a day doon. Nakakapag relax. At saka, binabato rin po niya ako." dire-diretsong sabi niya na ikinagulat ko.

Ilalaglag nga ako!

"Ah.. Binabato?" tanong niya at tumingin sa akin na parang nagtatanong.

Ikinawit ko ang kamay ko sa bewang niya at pasimple siyang kinurot.

"Sira ka ba? Ilalaglag mo ba ako?" bulong ko pero siya lang ang nakarinig.

"Rachielle?" tawag sa akin ni Mommy kaya hinarap ko siya.

"A-ah.. Mali po kayo ng iniisip Tita." biglang sabat ni Shaun. "B-binabato niya po ako ng pa-pagmamahal." pagsisinungaling niya at kunwaring tumawa.

Natawa naman si Mommy at Mr. Ventura kaya nakitawa nalang din ako.

Nabato ko kasi siya ng sandok kanina dahil nga dun sa pag-aaway namin. Paano kaya, nagising ako na nasa tabi ko siya. Malay ko bang pati 'yon, gagawin niya. Nasigawan ko siya at nabato ng sandok habang nagluluto ako.

"Sweet naman po itong si Rachielle. Sa akin nga lang." parang sarkastikong aniya pero mukhang hindi iyon nahalata ni Mommy.

"Ganun ba. Mabuti at hindi kayo nagsisigawan kahit na planado lang itong kasal niyo." natatawang sabi ni Mommy.

Kung alam mo lang yung kalokohan niya Mommy. Masisigawan mo talaga siya.

"Ah, Shaun, Rachielle ."biglang sali ni Mr. Ventura kaya napatingin kami sa kaniya." Napag-usapan namin na kayo nalang ang tanungin tungkol sa kasal. Kailan nyo balak? "tanong ni Mr. Ventura.

Nagtitigan naman kami ni Shaun dahil hindi namin maisip kung kailan at kung itutuloy pa ba. O kung paano makakatakas sa ganitong usapan.

Rachielle, ikaw ang pinakamaganda at pinakamatalinong nakilala ko kaya mag-isip ka.

" Ah. Sa ngayon, gusto muna po naming i-enjoy ni Rachielle kung anong status meron kami." sagot ni Shaun.

Bumaling naman sa akin si Mommy. "Ikaw, anak? Kanina ka pa hindi nagsasalita. Ano ang naiisip mo?" tanong sa akin ni Mommy.

"A-ah.. S-sa ngayon Mommy.. A-agree muna a-ako kay Shaun. Para naman m-makilala namin y-yung isa't isa." nauutal na sabi ko.

"Mmm. Tama ka. Pero, bakit nauutal ka? May masakit ba sayo anak?" tanong sa akin ni Mommy.

Meron Mommy. Yung ulo ko masakit na.

"A-ah, medyo m-masakit lang po yung ulo ko." sabi ko.

"Ah ganun ba? Shaun, iakyat mo muna si Rachielle sa kwarto niya. Ipapaakyat ko nalang yung pagkain niyo at yung gamot niya. Magpahinga na muna kayong dalawa. Mukhang pagod kayo sa biyahe." sabi ni Mommy. Hay sa wakas.

Inalalayan naman ako ni Shaun. Itinuro ko nalang sa kaniya ang kwarto ko.

Pagpasok ay hiniga niya ako sa kama at kinumutan.

" Ang galing mo umarte ah. "papuri sa akin ni Shaun.

" Sira ka ba? Anong umaarte, masakit talaga yung ulo ko. Sumakit dahil doon sa sinagot mo kay Mommy kanina. Akala ko ay ibubuko mo na ako. "mahinang sabi ko dahil masakit talaga ang ulo ko.

" Ganon ba. Edi sorry. Sige na, magpahinga ka muna diyaan. Ako nalang maghihintay doon sa pagkain. Gigisingin nalang kita. "aniya at pumunta sa sofa.

Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil talagang sumasakit. Parang may nagmamartilyo.

Seul L'amourWhere stories live. Discover now