"I'm just being optimistic, you know? And I'm only thinking the positive ones." - mayabang na sagot naman niya

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Kaso sa paglingon ko, muntik na kaming magbanggaan ng mga katawan dahil sa sobrang lapit niya. Nakasunod pala siya sakin.

Itinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay. "Lumayo ka nga sakin!" - naiinis kong sabi sa kanya

Hindi nakaligtas sakin nang maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa kamay ko nang madaiti ang aking kamay sa matipunong dibdib niya.

"Feeling mo naman nilalapitan kita. Ikaw diyan ang basta na lang tumigil sa paglalakad eh." - depensa niya

"Tse! Tantanan mo ko, Nic ha? Huwag ka na uling lalapit sakin." - pagbabanta ko

"Why?" (.~~)?? - kunot-noong tanong niya

"Because I don't want you near me!"

"Ayoko nga. Lalapitan at kakausapin pa rin kita kung kelan ko gusto."

"And why?" (^___-) - taas ang isang kilay na tanong ko

"Because I said so. No one can stop me, even YOU." - seryoso niyang sabi

Tiningnan ko siya ng masama at sinalubong naman niya iyon.

(.~~)>>><<<(~~,) 

ako               Nic

"Ano na naman iyan, Nicanor? Inaaway mo na naman yang kinakapatid mo. Ngayon na nga lang niya ulit ako dinalaw, aawayin mo pa."

Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. At kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Nic nang balingan nito ng tingin si Ninang Nica.

"Ma! Talagang kailangan nyo pang banggitin ang buo kong pangalan sa harap ng babaeng ito?!" - naiinis na sabi nito

"Bakit? May angal ka, Nicanor? Pinagsamang pangalan namin yun ng Papa mo kaya dapat mong ipagmalaki ang pangalan mo." - Mama ni Nic

"Iyon na nga eh! Bakit naisipan nyo pang pagsamahin ang pangalang Nica at Norman? Pwede namang simpleng Nic lang, diba? Pssshhhh!" - nakapout na reklamo niya

"Aba! Ikinahihiya mo ba ang pangalan mong 'yan, Nicanor? Pasalamat ka nga at marami pa ring mga babae ang nahuhumaling sayo kahit ganyan ang pangalan mo."

"It's because they only know me as Nic! The Chicboy Nic! Kayo lang, relatives at ang mga kaibigan ko lang ang nakakalam ng tunay kong pangalan. And now, alam na rin ng babaeng ito." - frustrated na sabi niya sabay tingin sakin

At di ko na napigilan pa ang pagtawa ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! Nic pala, ha? NICANOR lang naman pala ang tunay mong pangalan. BWAHAHAHAHA!" - pang-iinis ko sa kanya na sinamahan ko pa ng pangkontrabidang tawa

"Magtigil ka diyan. Lukaret ka naman." (=___=)

BOOOGGGGSSSSHHHHH! *

Suntukin ko nga siya. Gago eh. (-______-)

-----------------------------------------------

Ayan na! May preview na kayo kung bakit galit si Vanessa Lou kay Nicanor! Wahahaha!

 

ANG GANDA NG PANGALAN NI NIC, ANO? ANG MANLAIT, IPAPAHALIK AT IPAPAYAKAP KO SA BLUE ORIONS! HAHAHAHA! :p

 

Ano pa nga kaya ang ginawa ni Nic dahilan para masaktan si Lou noon? Hmmmmm.... Malalaman din natin yan sa mga susunod na mangyayari. Hahaha!

 

For now, please vote, comment and be a fan na rin kung gusto!

 

Thank you, guys! ^______________^


BO Story ✅ (Available on DREAME)Where stories live. Discover now