"Lou....."

Alam ko. Si NIC KO ang tumatawag sakin.

Slow motion akong lumingon sa likuran ko at ngumiti ng pagkaganda-ganda at pagkatamis-tamis.

(^_______^) - ako

"Lukaret ka! Hahahaha!"

BOOOGGGGSSSSHHHHH! *

Sinalubong ko siya ng suntok ko. Napaatras siya at napahawak sa gwapo niyang panga.

Gago eh. Sabihin ba namang lukaret ako with matching nakakalokong tawa? Sinong babae sa tingin nyo ang matutuwa, diba? Akala ko pa naman tinatawag niya ko sa second name ko. Arrrrgggghhhh! (~______~)

I walked out and left him with wide eyes and shocked on his face.

And that same day, nawala ang paghanga ko sa gagong yun. Biglang napalitan ng inis ang nararamdaman ko sa tuwing lalapit at kakausapin niya ko.

Tapos lagi pa niya kong aasarin kapag nasa bahay na kami. At palagi na ring lukaret ang tawag niya sakin.

- END OF FLASHBACK -

Diyan po nagsimula ang inis ko sa gagong yan. Mas lalo akong nainis nung magsimula siyang maging babaero noon.

At mas lalo akong nagalit sa kanya nang may marinig ako mula sa kanya na talaga namang nagpasakit at nagpasugat sa puso ko. At iyon din ang dahilan kung bakit nagdesisyon akong umalis sa bahay nila at sa school na pinapasukan namin. Kinumbinsi ko ang parents ko na sa Amerika na manirahan at magtapos ng pag-aaral.

Yeah. He broke my young heart 7 years ago. At ayaw ko ng alalahanin pa ang araw na sinaktan niya ko.

Di na niya ulit ako masasaktan pa. I'm over with him. I don't want another heartache from the same person.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Talagang di ka makaget over sa kagwapuhan ko at binabalik-balikan mo, ano?"

Kung hindi lang naman dahil kay Ninang, hindi ako babalik dito sa Pilipinas eh. Pssshhhh!

"Hindi ko alam na bukod sa pagiging babaero, assumero at feelingero ka na rin pala, Nic."

Pagkasabi ko nun ay naglakad na ko papasok ng restaurant at nilagpasan siya.

BO Story ✅ (Available on DREAME)Where stories live. Discover now