I can't stand his deep stares. Tinanggal ko nlng ang stiletto ko para mag palit ng pambahay.

"May inasikaso lang ako." He chuckled sarcastically. Matagal na kaming hindi nag aaway. Kung minsan ay nag tatalo kami pero sa mga mabababaw na dahilan lamang. Hindi para tignan niya ko ng masama.

"Oh let me guess. Nakipag date ka? Mas inuna mo pang lumandi kesa sa anak mo." And there he finally caught my attention. Kung minsan ay nag tataka ako kung bakit nila mabilis nahuhulaan ang mga tumatakbo sa isip ko.

"Can you please cut that crap Caleb! Hindi naman kita pinapakielaman sa mga lakad mo diba?!"

Hindi ko maiwasan na tumaas ang boses ko nang mag panting ang tenga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa galit. Binuksan ko ang pintuan ng balcony and step my way out para makalanghap ng sariwang hangin.

And as expected sinundan parin niya ko. I knew it.

 He doesn't want to stop.




"Hindi mo ba talaga kayang makuntento sa isa? Tell me, Is he a better lover?"




PAAAAAK!!!

Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya. Ang sakit putangina. So the reality finally hits me. Oo nga pala, I am only his mistress. Paano nga ba siya magkakaroon ng kahit konting respeto para sakin. That's the fact, Ganyan lang kababa ang tingin niya.

I am nothing to his life.

"Look who's talking? After all Caleb, Sino ba sa ating dalawa ang nangangaliwa sa asawa niya!?"

Matapang ko siyang sinagot at pinigilan ang sarili ko sa pagiyak. I look away para hindi niya makita ang mga namumuong luha sa mata ko. Napaka gaga ko talaga. Bakit ko nga ba kailangan mag expect na kahit konti ay mapapamahal siya sa akin? Na kahit konti ay may pakielam siya sakin.

"Hindi pa ba sapat na araw-araw akong umuuwi na sa inyo?.. Sayo! Kaya ka ba umiinom ng pills, dahil hindi mo kayang iwanan si Vixen? Because you don't want to bear my child? You're making me regret this Sidney! " He shook his head in disbelief.

Hindi niya alam kung gaano kasakit sa akin ang pinag daanan ko sa araw na ito. Parang gusto kong masuka sa sinabi niya! Oo I started taking my pills after being sexually active with him. Ayokong madagdagan pa ang mga pagkakamali na ginagawa namin. Pero para ang kwestyonin niya yon?! He's unbelievable. He is selfish

"Naririnig mo ba ang sarili mo Caleb? Will you stop acting like you are my husband! "

Tinalikuran ko ito at tinungo ang kabilang direksyon ng balkonahe. Ito na ba ang karma ko? Pagkatapos ba ng gabing ito ay dalawang tao ang mawawala sa buhay ko? Ang kaibigan ko..

At ang pinaka mamahal ko. 

Again he gripped my arm and forced me to face him. Aaminin kong napangiwi ako sakit at sa sobrang higpit. Sinubukan kong pumiglas, But he is not letting go.

"Oo humiwalay na ko sa asawa ko. Kaya sakin ka lang Sidney!"

Siguro ay dapat harapin ko na ang katotohanan. Gisingin ko na ang sarili ko sa reyalidad. Para isang sakit na lang, Matapos na kung matapos toh. Kahit pag baliktadin naman natin ang mundo, may asawa parin siya.

"Tell me Caleb, ano ba talaga ako sa buhay mo?!"

And there he cannot compose himself. He look away at hindi ito makasagot. My tears slowly starts to fall on my cheeks. Kahit alam ko ang sagot, gusto kong marinig sa kanya.

"The mother of your son?! Your ex fiancee?  Your mistress?! Yung totoo Caleb, ginawa mo ba to para gumanti lang sa akin?! Or for you to get even with your wife!?"

Prison of Lies (Partners in Crime Book 2)Where stories live. Discover now