CHAPTER 7

118 3 1
                                    



"Oh chocolate cake saka milk shake mo"-Sabi ni Bal sabay lapag into,saka na siya naupo sa silyang nasa harap ko


Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa bahay,pinuntahan niya kasi ako sa bahay,e nung pumunta ako sa kwarto ni husband ko wala naman siya dun,may pinuntahan ata,kaya ayun sumama na lang ako,boring sa bahay e *pout*


"Nginunguso nguso mo jan? Mukha kang pato"

"Grabe ka sakin Bal,may iniisip lang e"-naka nguso pa ding ani ko


"Ay may isip ka pala?"sarcastic na sabi nito


"Woaah ambad mo hmp!"-Nagtatampo namang sagot ko


"Ahno bha khasing iniiship mho?"-Tanong nitong busy sa pag subo ng cake,napailing na lang ako


"Iniisip ko lang kung nasan kaya si Husband ko? Di ko kasi siya nakita sa bahay kanina"-Nanlulumong bigkas ko


"Aba malay ko,bakit ako----"-Sa di malamang dahilan bigla na lang siyang natahimik habang nakatingin sa pinto,nasa pinaka dulo kasi kami,naka talikod ako sa pinto,habang naka harap naman siya dito


Gulat yung expression niya,parang nakakita ng multo e,dahil na curious ako,tumungin na din ako sa pinto


"Husband?"-Mahinang bigkas ko habang pinagmamasdan siyang pumasok sa loob ng cafe habang may kasakasama itong magandang babae


Teka? Yan din yung kasama niya dati ah


"Ok ka lang?"-nagaalalang tanong ni bal

"H-huh?"-Gulat pang tanong ko

"*Sigh*Tara umuwi na tayo"-Tumango na lang ako saka kami tumayo


Habang naglalakad kami patungong pinto,nanlulumong napatingin ako sa table namin,sayang yung sweets,dapat nitake out ko na lang yun


==============================


Nakaupo lang ako dito sa sala,nakatulala sa kawalan habang may yakap yakap na unan


*Click*


Mukhang nandito na siya


Narinig ko ang mga yapak nitong papalapit sa sala,siya nga


Dali-dali akong tumayo saka lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit


"San ka ba pumunta? "-Nakangusong sabi ko dito


"Ah business matter"-Sagot naman nito


"Talaga? Sinong kasama mo?"-Nakayakap pading tanong ko


"I'm with Ethan"-Sagot nito saka siya yumakap pabalik


'Sinungaling'-Sabi ng isip ko kasabay ng pag patak ng luha ko


"Hey are you ok? Why are you crying"-Natatarantang tanong nito sabay angat sa mukha ko


Di ko namalayang humihikbi na pala ako


"I-I'm ok,hihihi namiss lang kita"-Sagot ko na lang dito sabay punas sa luha ko saka kumalas sa yakap


Pilit akong ngumiti dito habang nagtataka naman itong nakatingin sakin


"What----"


"Punta lang muna 'ko sa kwarto ko ah? Hihihi"-Sabi ko na lang sabay takbo sa kwarto ko


"Wait---"-Habol pa nito,pero di ko na ito pinagtuonan ng pansin at nagtatakbo na papuntang kwarto ko


Pagkapasok na pagkapasok ko agad kong sinara ang pinto at nilock ito saka humilata sa kama,inabot ng kamay ko ang unan saka ito niyakap at dun umiyak ng umiyak


'Sinungalang ka Jarell,sinungaling ka!'


Dahil na din siguro sa pagod at kakaiyak,naka tulog ako ng di namamalayan

My Childish WifeWhere stories live. Discover now