Rivals to Lovers: 36

Start from the beginning
                                    

(end of Flashback)

"Oh iho, mukhang malalim ang iniisip mo ah?" pagpukaw ni Mrs. Zandoval kay Kier habang ito'y nasa cottage.

"Hindi naman po tita. Marami lang akong naaalala." simpleng sagot ni Kier.

"Tungkol nanaman ba ito kay Kaizzer?" panghuhula ng ginang.

"Hindi naman po. Naaalala ko lang sila lolo't lola. Bigla ko silang namiss ngayon," medyo malungkot na sabi ni Kier sa ginang.

"Huwag ka ng malungkot Kier, alam ko naman na ginagabayan ka lagi ng lolo't lola mo pati ng mommy mo. Kaya kailangan mo ipakita sa kanila na matatag ka para matuwa sila sayo," pangungumbinse ng ginang sa binata.

Halos tatlong araw na ang lumipas simula noong gabi na magkausap sina Kier at Kaizzer. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay walang nagbago sa pakikitungo nila sa isat-isa. Casual lang lahat. They treated each other like strangers, not even a good stranger na pwede mong kausapin o di kaya ay ngitian manlang. They are acting like they never met before. It's because they are hiding their true feelings, they are wrapped with hate, instead of love. Sadyang mahirap nga magpanggap na kunwari' y wala kang pakialam sa isang taong kaparte ng nakaraan mo. Lalong mahirap kung araw-araw mo rin lang nakikita ang taong ito, dahil araw-araw mo rin lang na maaalala ang nakaraan ninyo. Sa puntong ito, paano ka pa makakalimot kung ang taong gusto mong kalimutan ay lagi mong napagmamasdan. This is really hard for the both of them. Pero kanilang pilit na kinakaya. Habang patuloy na ginagawa nila Kaizzer at Kier ang ganitong klaseng pakikitungo sa isat-isa, patuloy lang din silang nagdurusa.

"Ah tita, may tatanungin po sana ako." biglang sabi ni Kier sa mommy ni Kaizzer.

"Ano ba yun iho?" simpleng tanong nito.

"Kilala niyo po ba yung totoo kung tatay?" seryosong tanong ni Kier sa ginang.

"Yes iho. But, it was many years ago noong mga college pa kami ng mommy mo. Wala na akong balita sa kanya simula noong iniwan niya yung mommy mo." medyo kabadong sagot ni Mrs. Zandoval sa binata.

"Ganun po ba. Sana po tita buhay pa sina lolo't lola para in times like this I can just go to them to seek for some advice," pangungulila ni Kier sa kanila.

"Okay lang yan iho. I'm hear naman, your ever loving tita. Isa pa good thing is before sila nawala napatawad mo na sila at nagkaroon kayo ng mga happy moments. You might not have enjoyed more time together pero ang mahalaga alam nila na pinatawad mo na sila at aalis sila sa mundo ng magaan ang kalooban at ouno ng pagmamahal."

"Oo nga po eh. Buti kahit sa maikling panahon lang noon ay nakasama ko pa sila." nanabik na pagsang-ayon ni Kier.

"Tita, siya nga po pala, tungkol po sa mga tunay na magulang ni Kaizzer, hindi po ba niya hinanap?" Muling tanong ni Kier.

"Hindi na iho. Masyadong mahirap tukuyin kung sinong walang awang mga tao ang nagiwan sa kanya noon." sagot ni Mrs. Zandoval na may halong pagkainis.

"Kawawa din po pala si Kaizzer no. Buti po at natanggap niya na ang mga katotohanang iyon sa pagkatao niya."

"Tama ka iho. Noong una rin hindi madali para sa kanya na intindihin iyon dahil sadyang masakit nga naman na malaman ang katotohanan pero naunawaan niya naman agad. Kaya mahal na mahal ko yan si Kaizzer iho. Isa siya sa biggest blessing ng aming pamilya. Hindi na kasi ako pwedeng manganak pa  dahil sa mga complications na nangyari saakin when I first gave birth sa unika iha ko. Eh gustong gusto namin ng asawa ko ng anak na lalake, eh hindi nga pwede, kaya noong nakita namin si Kaizzer noon sobrang saya namin ng asawa ko. Ibinuhos namin ang pagmamahal na higit pa sa tunay na mga magulang. Mabait na bata naman din yan si Kaizzer, kagaya mo kaya wala akong naging problema sa kanya simula noon, kahit iniiwan namin siya dito sa Pilipinas." mahabang pagsasalaysay ng ginang.

Rivals to Lovers Where stories live. Discover now