"Nag-away na naman kayo ng step mom mo?" she asked worriedly over the phone. Sa kanya ko lang nasasabi lahat ng hinanaing ko sa buhay. I don't know what I'd do without this girl beside me. Huhu.

"Obviously," I answered, rolling my eyes. "Konti na lang talaga ang pasensya ko at baka mapatay ko na siya nang 'di oras."

"Kalma," tumatawa niyang sagot. "Ayokong magkaro'n ng kaibigang murderer." dagdag pa niya.

After I shared my sentiment with her, I decided to just go alone. Nagdala agad ako ng isang bote ng gold label sa couch ko. Kailangan kong tamaan ng konti para ma-enjoy ko ang pagsayaw ko sa dance floor! Madaming manyak do'n at kung nagkataon na binastos ako at wala akong tama ng alak, magugulo ang buong club na 'to.

I was on my 7th glass when I saw my crush having fun! Oh god. How could he have fun without his future wife with him?! Char! 

But he must see me! Kailangan niyang masilayan ang itsura ng babaeng nakatadhana para sa kanya.

Mabilis kong nilagok ang laman ng baso ko at ibinagsak ito sa lamesa. Confident akong tumayo nang may malapad na ngiti sa labi. Inayos ko ang suot kong top para sa easy access kong cleavage. 

I smirked.

You'll be mine tonight, Atty. Sam Spencer Smith.

Pinanood ko siyang tumawa habang nakikipag-inuman sa tatlong kasama niya. Napapaawang ang labi ko sa bawat pag-ngisi niya sa kanyang mga kaibigan. 

God! How I'd love to suck those fucking lips! Binasa ko agad ang nanunuyo kong mga labi. Ang landi ko, shit.

I went to the dance floor already and started dancing. Isinunod ko ang katawan ko sa pagkabog ng tugtugan habang nananatili ang mga mata ko sa kanya. Isinayaw ko lahat ng stress ko sa buhay at para akong lumulutang sa dance floor. Ugh. Sobrang refreshing talaga sa 'kin ng pag-inom at pagsayaw! Dahil sa nakakabinging tugtog ay panandalian kong nalilimutan ang nakakairitang boses ni Allyson.

Nakita kong tumayo si Attorney at naglakad papuntang restroom. Mabilis akong umexit ng dance floor para sundan ang love of my life ko! Here I come, baby!

Kusang sumasayaw pa rin ang katawan ko habang sinusundan siya. I remembered how he reacted when I first approached him during the annual party of the Smith Corporation. Sinayawan ko rin siya no'n dahil medyo nakainom na rin ako that time at sobrang gulat na gulat yata siya sa ginawa ko! 

His reaction was so innocent that I could die just to see it again! Parang unang beses lang niyang masayawan ng babae! Kaso natakot ko yata siya no'n kaya bigla na lang niya akong nilayasan at hindi ko na siya nahanap pa. So, this time kailangan mild lang.

Sumandal ako sa pader sa may pasilyo habang hinihintay siyang lumabas. Someone tried to flirt with me, but I shooed him away dahil baka magselos pa yung bebe ko 'pag nakita siya.

"Baby, wait!" tarantang sigaw ko nang lagpasan niya 'ko bigla. Hindi niya 'ko pinansin! Or baka hindi lang niya 'ko narinig.

Binilisan ko ang takbo ko at hinigit ang palapulsuan niya.

Nakakunot noo siyang humarap sa 'kin at tinignan ang kamay kong nakahawak sa kanya. I gave him my most attractive smile when our eyes finally met.

Haay. Kelan ko kaya masisilayan ang mga matang iyan sa paggising ko sa umaga? Tomorrow morning kaya? Pfft.. I chuckled.

"Would you mind letting me go?"

No, baby. I won't let you go.

"O-Oh..." pakunwaring gulat ko. Dahan dahan ko siyang binitawan kahit labag sa loob ko. "Hi, Baby!"

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now