Natigilan lamang ako sa pag iisip ng ibigay niya ang bayad sa akin.

"oh Heather ayus kalang ba?" bakas sa kanyang itsura ang pagalala,kaya ngumiti ako upang hindi na siya magalala at nag tagumpay naman ako, ngumiti rin siya sa akin.

"ayus lang po ako aling ceny" bigay todong sagot ko sa kanya.

"kung ganon ay ma uuna nako, may kailangan pa kasi akong asikasuhin sa bahay" pagmamadali niya pa.

"sige po ingat" naka ngiti paring tugon ko sa kanya kahit naka talikod na ito.

Umuwi ako sa bahay na masaya, dahil na pa ubos ko nanaman ang aking tinda, last week ngayon ng april kaya wala pa akong pasok dahil ang inanunsiyong pasokan ay sa first of june palang. May isang araw pako para mag pahinga.

Pagka pasok ko sa pinto ay agad na kong sinalubong ng yakap ni mama joy. Ang buong pangalan niya ay heathlyn joy zane...masipag si mama sa kahit anong bagay basta kaya niya ay gagawin niya don ako humanga kay mama may kumpiyansa siya sa sarili.

"anak kamusta naman ang paglalako mo? Mukhang pagod kana, sabi ko naman sayo ay hayaan mo nako sa gawaing ito, ipag ubaya mo na ito sa akin anak ako ang iyong ina kaya dapat ay ako ang gumagawa niyan" malungkot na sabi ni mama habang pinupunas ang aking nuo.ngumiti at sabay iling naman ang aking ginawa.

"ma kaya ko, atsaka ayaw kong napapagod kayo dahil baka mawala ang inyong ganda hahaha" natawa naman siya sa sinabi ko kaya lalo akong tumawa.

"napaka bait mo talagang anak Heather" biglang sinserong sabi niya kaya natigilan naman ako sa pag tawa at ngumiti naman ako ng todo sa kanya.

"mama naman saan po ba ako mag mamana kung hindi sa inyo?"natatawa ulit na usisa ko sakanya.

" aba kung sa kanya mo namana ang kabaitan! Ano naman ang namana mo sa akin aber? Ang kakulitan? Ahhaha"

dO___Ob?????

dO_Ob

"pa??... Oh my ghadd si papa nga!!!" patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng napaka higpit yung bang hindi na siya makaka hinga hahaha... ^_^

"anak naman hahah, hindi na maka hinga si papa niyan eh hahah" natatawang sabi niya habang hinahagod niya ang likod ng ulo ko.

"papa na miss kita"ngumiti naman siya sa akin.

"na miss din kita anak, pero nag tatampo parin ako sayo" naka nguso pang sabi niya kaya natawa ako sa itsura ni papa.

"hahahahah! Papa wag na po kayong mag tampo, dahil sa inyo ko po namana ang itsura ko" pag lalambing kong pa sa kanya.

"tsk! Ikaw talagang bata ka hahaha"
Kinurot niya pa ang kanang pisngi ko.

"heather!!!! Si kuya ba di mo na miss?!" naka nguso pang tanong niya sa akin at nagulat naman ako sa itsura niya.

"hindi!!!" na gulat siya sa sinabi ko kaya nanlalaki nanaman ang kanyang mga mata at umuusok na ang butas ng ilong niya.

"anong sabi mo?!!"mas malakas pang tanong niya sa akin habang ang kanyang kaliwang kamay ay inilapit niya pa sa kanyang tenga na nag kukunwari pang hindi niya na rinig ang sinabi ko.

"ang sabi ko hindi kita na miss!"pag uulit ko pa habang natatawa sa kanyang itsura.

" ang lakas mo! Inulit mo pa!" papalapit na siya sa akin kaya napapa atras nako.

"pina ulit mo eh! Kuya naman eh, wag kanang lalapit,sisipain kita sige! "
Naka nguso pang sabi ko pero imbis na huminto siya ay lalo niya pang binilisan ang paglalakad papunta sa gawi ko at hindi ko na namalayan ay kinikiliti niya na pala ako sa tagiliran at kilili.

" hindi pala na miss ah!"hindi parin siya tumitigil sa pag kikiliti sa akin habang ako ay umiikot na kung saan saan.

" hahahahahahah!!!k-kuya tama na, na m-miss n-na kita!"nahihirapan pang sabi ko habang natatawa.

" mga anak tama na yan,tara na at pumunta na tayo sa kusina upang maka kain na"pag sabat ni mama sa amin kaya tumigil na si kuya at tumayo naman ako habang hinihingal pa.

Inayos ni mama ang kakainin namin at ako naman ay inayos na ang mga platong gagamitin namin,ng matapos Kaming mag handa ng hapunan ay umupo na kami at ako naman ang nag guide sa prayer namin, walang na mumutawing salita sa aming lahat dahil sanay kami na walang nag sasalita kapag kaharap nanamin ang pag kain.pag katapos kumain ay naki pag kwentuhan lang ako ng saglit kina papa at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo.

Pero bago pa man ako maka pasok sa banyo ay bumukas ang pinto at nakita ko si papa na naka ngiti sa akin.

"Pwedi ba kitang makausap anak?" naka ngiti paring tanong ni papa sa akin habang sinasara niya ang pinto ng kwarto ko.

"ano po yon papa?" umupo ako sa kama para mag katabi kami.

"kamusta naman ang scholarship mo anak? Sigurado naba iyon?" tanong niya pa sa akin habang seryosong naka ngiti sa akin.

"opo pa sure na po yon, naka usap ko na po ang dean ng school at pasukan na po sa monday ang sabi niya sa akin"excited ko pang usisa kay papa at lalo naman siyang napa ngiti sa akin.

"gusto mo ba ang school na iyong papasukan sa lunes? Malaking skwelahan iyon" tumingin ako sa mata ni papa.

"opo naman papa, at paghihigian ko pong mag aral ng mabuti para po pag naka pag tapos ako ay maka hanap ako ng magandang trabaho ay may maipagawa ko kayo na bahay at bibili ko kayo ng mamahaling kotse" nag iimagine pa ko habang naka tingin sa labas ng bintana ng aking kwarto.

"ikaw talaga napaka laki ng pangarap mo, mana ka talaga sa mama mo pero nakaka lungkot lang na hindi natupad ang kanyang pangarap" makikita mo talaga ang lungkot sa mata ni papa kaya hinawakan ko ang kanyang balikat.

"pa kung hindi man natupad ang pangarap niyong dalawa ni mama ay pwedi namang ako nalang po ang mag patuloy non, na kahit po hindi niyo nakuha yung pangarap niyo ay ako naman ang nakakuha nito" litaw pa ang ngipin na sabi ko kay papa kaya napa ngiti rin ito sa akin.

"na paka buti mo talagang bata anak, wag niyo sanang kakalimutan ng kuya mo na mahal na mahal namin kayo ng mama niyo at lagi lang kaming nandito para sa inyo" sabay hagod niya pa sa aking likurang buhok.

"salamat pa, mahal na mahal rin po namin kayo ni kuya" yakap ko pa sa kanya at ng mag ka hiwalay kami ay naka ngiti na siya ng sobrang laki sa akin.

"oh sige anak ako ay mag papahinga narin, mag pahinga kana rin matulog ng maaga Heather" utos niya pa sa akin habang dahan dahan niyang sinasara ang pinto.

Pag ka labas ni papa ay dumaretso nako sa banyo upang maligo, mabilis lang akong naligo dahil inaantok na rin ako. Pagka labas ko ng banyo ay tinuyo ko lang ang aking buhok sa gamit kong twalya at nahiga na ako pagka tapos.

Author's Note

Eto yung unang storya na ginawa ko, sana soportahan ninyo guys!!

Don't forget to vote, comment, follow, and spread the story. Thanks a lot!!! ^_^

Please follow my social media accounts.

Facebook:Edel bautista
Twitter:@edelbautista3
IG:bautista.edel

I Love You Even If It's WrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora