WHERE IT ALL STARTED AND END

7 2 0
                                        

"Jade sigurado ka na ba dyan?"tanong sakin ng kaibigan

"O-oo, gusto ko lang talaga mapag-isa"sagot ko naman.

Bumuntong hininga ako at iginala ang paningin ko sa condo, mamimiss ko 'to. Hinawakan ko pa ang ilang picture frames na nakapatong sa mini table at tinitigan.

Naramdaman ko ang mga nag babadyang luha kaya mabilis kong tinalikudan ang frames at ibinalik ang tingin sa kaibigan ko.

"Anong oras ba ang flight mo?"tanong nya.

tiningnan ko ang relo ko bago muling bumaling sa kanya. "1pm, aalis na ako baka malate pa ako sa flight ko. Ikaw na munang bahala sa condo namin ha?"

"Oo, mamimiss kita Jade"maiiyak na ata sya habang sinasabi nya yan sakin kaya naman niyakap ko sya at hinagod ang likod.

"Sana maintindihan mo ako, hindi ko lang talaga maatim na mag stay dito dahil maraming bagay na nakakapag paalala sakin sa kanya dito"

"Oo na! Basta tatawagan mo ako palagi ha?"

"Oo, babalik rin naman ako agad kailangan ko lang ng fresh air"

"Oo nga, masu-suffocate ka lang kase dito sa condo nyo" biro nya pa pero pilit na ngiti lang ang naiganti ko sa kanya.

Sumakay na ako ng taxi at mahaba haba rin ang naging byahe ko papunta sa Airport, nag-antay pa rin naman ako ng flight ko pag dating sa airport.

At finally! After ng mahabang byahe ay nakarating na rin ako sa Korea. Nilanghap ko kaagad ang sariwang hangin ng paligid pag kalabas ko ng Airport nila. Ganitong hangin ang gusto ko.

Pumara kaagad ako ng taxi at binati naman ako agad nung driver.

"Annyeonghaseyo! Wichi eomma?"

(Hello! Locaton ma'am?)

"Gajang gakkaun hotello"ngiting sagot ko.

(To the nearest hotel)

Tinanguan ako nung driver at tinulungan pa nya akong mag pasok ng mga dala ko sa compartment bago kami sumakay ulit sa loob ng taxi.

Pagkadating ko sa hotel ay nag check-in ako agad at dumiretso sa hotel room ko. Pag kapasok ay nahiga agad ako sa kama at pumikit, huminga pa ako ng malalim at tsaka pinilit ang sariling ngumiti.

Hindi ako dapat nalulungkot, andito na ako sa Korea kaya dapat ay nag sasaya na lang ako. Kailangan ko ng mapaglilibangan.

Kinuha ko ang wallet at phone ko tapos ay lumabas ako ng hotel, nag lakad lakad ako at nag tingin tingin sa paligid. Ganon pa din ang Korea, maganda pa din. Pero sa tingin ko mas gumanda na ito ngayon at mas dumami na rin kasi ang turista dito ngayon.

Lakad lang ako ng lakad at nag titingin tingin, pagabi na rin at medyo dumidilim dilim na din pero ayos lang dahil ito naman ang gusto ko. Hanggang sa matigil ako dahil narating ko ang 'Gilgeori eumsik' o ang Korean street food.

Dumiretso ako at nag tingin tingin ng mga pagkain, nakakatakam dahil ang babango talaga ng mga pagkain dito. Bumili ako ng kung ano ano na nakikita kong mukhang masarap, hindi ko alam yung tawag sa iba ang alam ko lang ay Fishcake at tsaka Kimchi. Sikat 'to sa Korea eh.

Naghanap ako ng malapit na bench at naupo doon, pinatong ko muna yung iba kong hawak at tsaka nag simulang kumain. Ang sarap talaga ng mga pagkain nila dito, pero syempre hindi ko pa rin ipag papalit ang pagkaing pinoy.

"Yeogi jali issseubnikka?"nagulat ako nung may lalaking lumapit sa akin at itinuro ang upuan sa tabi ko.

(Can I sit here?)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Missing Piece (ONE SHOT)Where stories live. Discover now