Kabanata Labing-siyam

38 5 0
                                    

"Let me fall."

Setyembre 26, 1887

      "Mahal na ata kita, Praxedes."  Sa pagkakataong binitawan ni Berting ang mga katagang iyon tila'y umangat ang katawan ng dalaga nang marinig iyon. Ang kanyang puso'y walang ginawa kundi tumibok ng napakabilis na parang kabayong nangangarera.

Kakaiba sa pakiramdam. Parang hindi totoo.

Parang isang napakagandang panaginip na mahirap na paniwalaan, mahirap tumbasan ang anumang damdamin na patuloy sa pagbugso. Ibubuka na sana ni Praxedes ang kanyang mga labi ngunit biglang may pumatak sa kanyang balat dahilan para mapatingala siya.

Madilim na ang kalangitan.

"Kailangan ko nang bumalik, Lamang Lupa. Hindi pupwede—" hindi na natapos ni Praxedes ang kanyang sasabihin nang biglang hawakan ni Berting ang kamay nito. Ang kanilang mga puso'y sabay na tumitibok ng sobrang lakas.

"Bilisan natin, aabutan tayo ng malakas na ulan!" Nakangiting sabi ng lalaki. Kakaibang awra ang dinadala ng kanilang mga mundo, tila unti-unti itong nagiging iisa. Anong tadhana ang dala ng magkasalungat na mga mundo?

Nang makarating sila sa kweba ay biglang nagpapalit na ang anyo ng mga paa ni Praxedes kaya nahihirapan na itong tumakbo. Kaya tumigil si Berting saka binuhat ito sa kanyang mga bisig.

"Konting tiis na lang." Bulong ni Berting nang magtama ang kanilang mga mata. Nakapulupot ang mga braso ni Praxedes sa leeg ng lalaki habang nakapilig ang kanyang ulo sa dibdib nito. Nagulat ng palihim ang sirena nang marinig niya ang malakas ng pagkalabog ang malakas na pagkalabog ng puso ni Berting.

"Ang lakas ng tibok ng kanyang puso, naririnig din niya ba ang akin?" Sa isip-isip nito habang pinagmamasdan niya ang lalaki na bumubuhat sa kanya ngayon. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng taong ito.

"Mahal na ata kita, Praxedes." Parang sirang plaka na paulit-ulit na binubulong ng kanyang isipan ang sinabi ng lalaki. Panibagong emosyon. Sa ilang dekada ng kanyang buhay, ngayong lang niya ito napagtanto, ano nga bang tawag sa pakiramdam na iyon?

Ah, pag-ibig.

Ngunit mayroon bang karapatan na magmahal ang isang sirena na katulad niya? Walang sukat, o kaya limitadong nilalang ang makakapagsabing ang pag-ibig ay para lamang sa tao. Hindi ba?

Pagmamahal at pag-ibig.

Bugso ng damdamin, at tibok ng puso. Napakaganda. Tanging larawan ni Berting lamang ang bumubuo sa kaisipan ng sirena. Kakaibang imahinasyon na naglalaro sa kanyang isipan.

Posible bang tuluyang magkrus ang landas ng tao at ng mga sirena? O isa na naman itong dahilan upang sila ay maghiwalay ng tadhana?

Setyembre 29, 2023

"Lola, sa tingin niyo po ba, kung magkakatuluyan yung sirena at yung tao? Para po kasing ang labo dahil sa mundong ginagalawan nila." Biglang tanong ko sa kalagitnaan ng kanyang pagkukwento.

"Walang sukat ang perpektong mundo sa pag-ibig tulad ng pagkakakwento ko sa'yo kanina. Hija, totoo iyon. Ang pag-ibig ay para sa lahat, dahil kapag naramdaman mo, hindi mo ito makokontrol. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib." Sagot naman ni Lola sa tanong ko at ako naman ay napaisip. Para kasing ang hirap ng kanilang sitwasyon, kahit na kwento lang ito, parang nararamdaman ko pa din ang panlulumo sa kanilang kwento. Ano nga ba talaga ang tadhanang magdadala sa kanila sa isang magandang katapusan?

Before You Disappear Onde histórias criam vida. Descubra agora