Kabanata Siyam

60 6 1
                                    

"Let's have this dance?"

---

Setyembre 10, 2023


Natapos agad namin yung paghahanda para sa anibersaryo ng isla, kaya lahat naman ay nag-aayos ng kani-kanilang susuotin. Ang tema kasi ng event ay old era, baro't saya sa babae at barong tagalog sa lalaki. Suhestiyon iyon ng mga iilang mga matatanda sa bayan kaya pinagbigyan naman sila.

Kung tutuusin, payag din naman ang medyo mga bata pa ang edad, mas magugustuhan nila ang makalumang panahon dahil sa ganda ng mga kasuotan nito at mga tradisyon.

Si Marielle ang nag-ayos ng buhok ko, kaya maganda at simple lang ang pagkakatali nito.

Lumabas si Nana mula sa kanyang kwarto at mayroong dala-dalang dalawang damit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas si Nana mula sa kanyang kwarto at mayroong dala-dalang dalawang damit. Inabot niya ang isa kay Marielle at bumaling ito sa akin at ngumiti.

"Apo, ito yung damit ng mommy mo nung highschool pa lamang siya. Inalagaan ko ng mabuti ang damit na ito kung sakaling kakailanganin mo." Bulalas ni Lola. Tinanggap ko ang damit. Ang ganda nito, hindi masyadong mahaba ang saya at hindi rin naman maiksi, sakto lang siya sa gusto ko.

Nagbihis na ako at tinignan ang aking kabuoan sa salamin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagbihis na ako at tinignan ang aking kabuoan sa salamin. "Ate, infairness it really suit you." Puri ni Marielle at tumabi sa akin sa salamin.

Napatingin ako sa aking repleksyon, parang nag-iiba ang tingin ko sa aking sarili. Isinuot ng kapatid ko sa aking leeg ang pearl necklace ni Mommy, mayroon pa kasing mga gamit na nakatago lang sa kanyang wardrobe kaya nanghiram muna kami.

"Ayan, okay na." sabi ni Marielle at lumabas na ng kwarto namin. Hindi ko pa rin maalis ang aking tingin sa salamin. Ipinatong ko ang aking isang kamay sa aking dibdib, at humingang malalim.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Inhale, exhale. Kalma, Pri. Kalma.

"Ate, tara na." Umangkla na si Marielle sa aking braso. Ilang sandali, hindi ko namalayan na nakarating na kami sa harapan ng function hall. Nakaapak na kami sa red carpet at mukhang maraming tao ang dadalo.

Before You Disappear Where stories live. Discover now