Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko habang nasa byahe papunta sa school.

"Manong, ito po 'yong bayad and keep the change,"masayang sabi ko pa sa tricycle driver.

Ilang malalim na hininga pa ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob ng cafeteria. Sa eksaktong pwesto kung saan kami umuupo ni Troye noong ilang beses kaming sabay na magbreakfast ay dito ako umupo. Walang kasiguraduhan kung babalik na ba si Troye ngayon pero ginawa ko na lang na sign ang naging panaginip ko. Sa panaginip ko ay umalis si Zaivier at nagbalik siya para sa akin.

30 minutes na akong nakaupo dito, dumadami na rin ang mga estudyante.

I took a sigh. It's okay, I'll wait until 20 minutes before my first subject.

I've waited for another 30 minutes and when I'm about to lose hope, a familiar figure entered the cafeteria.

Napasinghap ako at agad na tumayo. Pakiramdam ko ay nagsasayaw ang puso ko. It's him!

Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ako pero halos magunaw ang mundo ko nang hindi niya ako pinansin. Lumingon siya sa likod niya, pumasok ang ngiting ngiti na si Shaneya. Parang may dumagan sa dibdib ko.

Hindi ba talaga kami magiging pwede ni Troye?

Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago muling umupo. I smiled bitterly.

Maybe we're not really meant for each other.

Tumayo ako at derederechong lumabas na sa cafeteria. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay walang luhang lalabas sa mga mata ko.

"Ano? Susuko ka na lang basta basta?"

Naikwento ko kay Queen ang nangyari kanina sa cafeteria.

Ngumuso ako.

"Oh, My God! Hindi ganyang Zira ang kilala ko. Ano ba? Baka naman kasi ang alam ni Troye ay kayo pa rin ni Gio, remember noong huli niyo pang pagkikita ni Troye ay 'yong sa perya sa Montecarlos?"

"Mukha silang masaya ni Shaneya kanina," mapait na sabi ko. "Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin."

Queen rolled her eyes. "Wag ka ngang basta sumuko na lang jan! Baka mamaya ay hindi ka lang niya nakilala dahil sa buhok mo!"

I rolled my eyes. "Queen, buhok ang pinabago ko hindi mukha."

"Basta wag ka sumuko agad!" Ngumuso pa siya.

"Bahala na."

Nawawalan ng pag-asa na sabi ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong malapit na magvacant. Mariin pa akong napapikit.

I took a deep breath before entering the cafeteria. Sa partikular na pwesto ay naabutan namin sila Troye na tumatawa. He seems different now, mukha siyang masyadong masayahin.

Saan kaya siya nanggaling?

"Zira? Wow! Nice hair mas lalo kang gumanda," pagpuri sa akin ni Josh.

I smiled. "Thanks."

"Bakit new look?"

May nakakalokong tingin si Eiron.

Umiling naman ako. "Wala lang. Masyado na kasing mahaba ang buhok ko."

"Nakabalik ka na pala Troye?" sabi ni Queen.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon