Bumukas ang pinto ng kuwarto nila Blue at iniluwa roon si Red. Napangiti naman si Red nang mahuling nagtago ang kambal sa kumot nito.

“I know you're still awake kaya bumangon ka riyan, may ibibigay ako sa iyo.”

“Ayaw ko. Wala akong gana.”

“Bitbit ko ang paborito mo.”

Napataas ang kilay ni Blue. “Ano 'yan? Pempem o chuckie?”

Napatawa naman si Red. “Pero sabi mo, wala kang gana?”

Agad bumangon si Blue. “May gana na pala ako, naalala ko na.”

Hindi matikom ni Red ang bibig sa kangingiti habang inabot sa kambal niya ang tatlong chuckie nang dumating sa kanilang kama.

“I know you're strong. Malalagpasan natin ito, pero ang gagawin mo muna sa ngayon, ang humingi ng kapatawaran sa magulang natin,” si Red.

Tumango si Blue. “Okay po, pero inumin ko muna ito.”

“Sige, I love you, Asul.”

“Mas mahal kita na higit pa sa sarili ko, tandaan mo ’yan.” Tinitigan ni Blue ang kapatid habang iniinom ang chuckie. “Hindi mo ba ako ikinahihiya, Pula?”

“Bakit naman kita ikahihiya? Dahil lang doon? Isang pagkakamali lang iyon at lahat ng pagkakamali ay puwede pang maitama.”

“Pero natatakot ako kay dad.”

“Nandito naman ako. I will protect you, no matter what happen.”

Inubos na muna lahat ni Blue ang chuckie na ibinigay ng kambal niya bago sila lumabas. Minuto ang lumipas, nasa sala na ang dalawa. Nang makita ni Red ang panginginig ng paa ni Blue, inakbayan niya ito para kumalma. Napalingon si Blue sa kapatid niya at nginitian ito.

“Salamat,” si Blue.

“Walang anuman. Lapitan na natin sila,” ani Red.

Nasa harapan na ang dalawa sa mga magulang nila...

“Mom, dad, sorry po sa nagawa ko. Pasensya na po kung pinapahiya ko kayo. Pangako ko po, magpapakabait na ako,” si Blue.

“Sana mom, dad, bigyan niyo po ng pagkakataon si Blue. Ginagawa niya naman ang best niya para maging proud kayo. Sana makita niyo iyon,” ani Red.

Napalingon si Blue sa kambal niya at nginitian ito. “Kaya nga po, Mom. Totoo rin po na malaki ang grades ko.”

“Matulog na kayo,” walang ganang sambit ni Crezelda.

“Naiintindihan ko po na galit pa rin kayo sa nagawa ko. Pero ipapakita ko sa inyo na magbabago na po ako.” Tiningnan ni Blue isa-isa ang magulang niya. “Mauna na kami sa itaas. Sorry po ulit.”

Bumalik na ang dalawa sa kanilang kuwarto. Hindi naman mapigilan ni Blue magpagulong-gulong sa kama dahil sa sobrang saya.

“Sa palagay mo, Pula? Mapapatawad pa kaya nila ako?”

“Syempree. But it takes time. Basta gawin mo lang ang best mo. Make them proud.”

“Okay. Matulog na tayo.”

•••

Bumisita sina Red at Blue sa mansion ni Rosa. Humingi naman ng patawad si Blue sa nagawa niya at pinatawad naman siya nito. Basta ang bilin sa kanya ni Rosa, 'wag na iyon uulitin. Ipinangako naman ni Blue na aasahan ni Rosa ang mga salita niya. Habang nag-uusap ang mag-lola, napatigil sila nang dumating si Belinda na nanlisik ang mga matang tinititigan ang pamangkin niya.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now