Wasted love [ONE SHOT]

17 4 0
                                    

Andito ako ngayon sa mall at hinihintay si Spade. Kahit kailan talaga laging siyang late. Baka naman pati sa kasal namin late siya. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 20 minutes na siyang late.

Naramdaman kong may papalapit sa akin sa likod ko. Pabango palang niya alam na alam ko ng malapit na siya. Bago pa niya matakpan ang mga mata ko, hinuli ko agad ang mga kamay niya at pinalipit.

"Ouch! Ouch! Babe ano ba!"

"Babe mo mukha mo! Kelan ka pa ba sumipot ng hindi late sa pinag-usapan ha?"Hawak ko padin ang kamay niya at mas pinalipit pa.

"Sorry na," tsaka siya nag pout. Akala naman niya madadala ako sa pout na yon."e kasi naman traffic!" Namimilipit parin siya sa sakit.

"Tss!" Binitawan ko na ang kamay niya at agad naman niyang hinilot 'yon.

"Tara na nga" pinagsiklop niya ang mga daliri namin at hinila na ako papuntang sine. Pagkatpos naming manood, dumiretso kami sa park ng mall, our favorite spot. Nakaupo kami sa bench sa harap ng fountain at pinagmasdan  namin ang mga batang naghahabulan at naglalaro.

"Babe, alam mo kung ilan gusto kong maging anak?" napatingin ako sa kaniya.

"Ilan?"

"Isa-" tinignan niya rin ako "isangdaan" ngumisi siya at napahalakhak. Sinapak ko naman yung braso niya dahil sa kamanyakan niya.

"Baboy ba 'ko ha?!"

Pinaglandas niya ang tingin niya pababa at pataas sa katawan ko.

"Malapit na" humalakhak ulit siya. Inirapan ko nalang siya. Baka kapag di ako nakapag timpi, iiwan ko to.

"Pero seryoso, gusto ko kapag ikakasal tayo, sa beach tsaka dapat mabilis lang para makapag honeymoon agad tayo." Tinignan ko siya ng masama. "Tapos magaanak tayo ng madami. Sayo ko lang gusto gawin lahat ng iyan. Sayo lang." Papalapit na ang mukha niya sa mukha ko. Nagkakatama na din mga ilong namin, tsaka siya dahan-dahang pumipikit.

"Sana true" Bumukas ang mata niya at dali-daling lumayo. Tumawa naman ako sa sobrang kabiguan niya. Ang harot kasi.

"Alam mo, napakapanira mo" sabi niya at sininghalan ako. Hinila niya na ako patayo para makauwi na kami.

 Nasa byahe na kami para maihatid na niya ako. Madilim narin kasi. 

"Bukas ha, magd-date ulit tayo. 1st Anniversary natin. Don't be late, okay?" sabi niya.

"Excuse me? Ako pa talaga sinabihan mong wag malate?" Tinawanan niya lang ako. Malapit na maubos pasensya ko, nako.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nag-ayos para sa date namin. Tinignan ko ang orasan at malapit na akong malate sa usapan. For sure, mas mauuna pakong makarating doon kesa sakaniya. Sa sobrang pagmamadali ko natamaan ko yung picture frame ni Spade na malapit sa higaan ko.

Basag na basag ang salamin ng frame. Bago ako umalis, niligpit ko muna yung mga salamin na nagkalat sa sahig.

Habang nasa byahe, hindi ko maintindihan pero sobra ang kaba ko. Hanggang sa nakadating na ako sa meeting place namin, hindi parin ako mapakali, oras na pero wala parin si Spade. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumagot. Lagi nalang siyang huli.

Lumipas ang oras, wala parin siya, Ring lang ng ring ang number niya. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kaniya. How come na nakalimutan niya ang anniversary namin? Uuwi na sana ako ng may tumatawag sa akin. Akala ko si Spade na, nakahanda na pa naman amg mga sermon ko sa kaniya. Pero hindi, hindi siya ang tumatawag kundi si tita Janice , Spade's mom. Mas kinabahan ako ng nakita ko iyon. Masama ang kutob ko. Sinagot ko ito

"H-hello po" nanginginig na ang boses ko sa kaba.

No...

Andito ako ngayon sa tabi niya."Kahit kailan ka talaga, Spade, lagi kang late. Kung gusto mo palang matulog, bakit dito pa sa hospital?" Hindi ko na napigilang mapahikbi. "Hoy, gumising kana diyan! Anniversary natin ngayon tapos ikaw matutulog lang? Ang duga-duga mo , nakakainis ka! Gising na d'yan magpapakasal pa tayo, magaanak pa tayo ng madami. Please, gising kana." Iyak lang ako ng iyak . Hindi ko na mapigilan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dahil sa aksidente na 'yon nacomatose siya, Kaya sa araw na dapat nagsasaya kami, eto siya nakahiga... sa hospital. "Kung katulad ka lang sana ni sleeping beauty, nirape na kita para lang magising ka na."

Sa sobrang pagod ko, nakatulog ako. Nagising ako ng may marahang tumatapik sa balikat ko. Napaupo ako ng maayos at agad tinignan si Spade, pero ganoon padin, tulog parin siya. Nilingon ko si tita Janice.

"Pwede ba kitang makausap, Kath?" tumango lang ako at sinundan siya palabas ng kwarto.

"Didiretsuhin na kita, napagdesisyunan namin ng papa niya na dalhin si Spade sa america kasama namin. Mas matututukan namin siya dahil doon kami nagtatrabaho at mas mapapabilis din ang paggaling niya. Hija, hindi ako tutol sa relasyon niyo, alam mo yan. Pero kung mahal mo talaga si Spade gagawin mo ang mas makakabuti sa kaniya, hahayaan mo siyang isama namin siya at doon magpagaling. Maintindihan mo sana kami, Kath."

Nakatanga lang akong pumasok sa kwarto ni Spade. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

"Spade, pano ba yan, magkakalayo na tayo. Hindi ko gusto na magkalayo tayo, pero... pero para sayo, para sa ikabubuti mo, titiisin ko. Gusto ko na pagkamulat na pagkamulat ng mata mo ako agad ang makikita mo pero alam kong malabo nang mangyari iyon ." Kinalkal ko ang bag ko at kinuha ang silver na singsing na dapat ibibigay ko sa kaniya sa anniversary namin. Nahirapan akong hanapin iyon dahil sa nanlalabo kong paningin dulot ng pagiyak ko. Isinuot ko iyon sa daliri niya at pinagmasdan siya."Basta magpapagaling ka doon ha. Maghihintay ako. Ikaw padin pagbalik mo. Mahal na mahal kita." Hinalikan ko siya sa labi at pinagmasdan ko din ang mukha niya, sinigurado ko na memorize ko lahat ng bawat sulok ng gwapo niyang mukha dahil ngayon ko nalang siya ulit makikita. Umuwi ako at hindi na muling bumalik pa doon.

~

Limang taon. Limang taon na akong umaasang babalik siya at sa wakas magkikita na ulit kami. Nalaman ko na nasa mall siya kung saan kami laging nagkikita noon. Malamang hinihintay niya na ako. Sigurado akong katulad ko, sabik na din siyang magkita ulit kami at ipagpatuloy ang pag-iibigan namin. Sabik na sabik na din ako kaya nagmadali ako at umalis na. Habang nasa byahe palang, naiisip ko na kung anong magiging reaksyon niya sa pagkikita namin.

Nang nakarating na ako sa mall, dumiretso na agad ako sa park. Simula sa kinatatayuan ko kitang kita ko siya... ang lalaking mahal ko. Matagal kong hinintay ang araw na ito na sa wakas magkikita na ulit kami.

Papalapit na ako, pero gumuho ang mundo ko sa nakita ko. Parang bumagal ang ikot ng mundo at tanging sila lang ang nakikita ko. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko dahil sa mga luhang naguunahang lumabas. Parang gusto ko nalang maglaho. Gusto ko siyang lapitan at angkinin ang labi niya palayo sa babaeng kahalikan niya ngayon ngunit wala akong lakas para gawin iyon. Hindi ko na kayang humakbang pa palapit sa kaniya. May batang babae na patakbong lumapit sa kanila. Para silang masayang pamilya... pamilyang hinangad ko.

For the first time, ako ang nahuli ngayon. Hindi sa oras, kundi sa puso niya. May nauna na sa akin. Ang tagal kong naghintay pero eto ako, pinagmamasdan ang taong mahal ko na masaya na sa piling ng pamilya niya. Yung plano namin, sa iba niya tinupad. Yung pamilyang gusto niya, sa iba niya binuo. At ako ngayon, bigong umasa sa bagay na walang kasiguraduhan, sumugal ako sa bagay na walang kasiguraduhan na ako ang mananalo. Huling- huli na ako.

Wasted Love [ONE SHOT]Where stories live. Discover now