A thread

220 2 0
                                        


Nakakamiss din pala kabahan
habang nag bubunot
ng index card
yung teacher nyo


-Dahil Pandemic ngayon, nakakamiss din yung panahong magkasama kayo ng mga kaibigan mong tumawa, gumala, matakot lalo na pag mabubunot ang pangalan nyo sa index para sa recitation.

-One time, Math subject namin iyon. Pagpasok ng teacher sa room namin ay nag labas ito ng mga naka pack na index.

-Shempre may singilan na magaganap, alertong treasurer taga kuha at singil ng pera.

-Pina sulat sa amin ang buong pangalan, address, at contact number. Para saan pa nga ba ang address at contact number kung mag bubunot lang naman pala ng pangalan para sa mag recite. isip ko noon.

-Hindi pa namin alam noon na para sa recitation. In short Surprise recitation. Pina review niya muna kami mga 15 mins. Kami naman ito nag review pero karamihan may sariling buhay, kwentuhan at hindi nag re-review.

-Sa inis ng teacher namin saamin dahil paingay kami ng paingay at hindi nag re-review ay sinabi na niya na mag recitation kami kaya niya kami pina index at review, kaya ayun nag review na halos lahat.

- Alam ninyo ba yung kaba at halos magdasal ka na na wag muna pangalan mo ang mabunot? Tapos may iba naman na hinuhulaan ang pangalang nabunot ng teacher? Ganun kami.

-Pag na tawag naman ang pangalan mo tutulakin kapa ng katabi mo na ikaw na daw. May iba naman na nagsusulat sa papel para gawing kodigo minsan naman sa palad. Pilit na pinagkakasya ang mga sinulat mo.



______________________________________

Please read, vote, and comment ❤️

Fb: Guilrose Cabugos Ferrer
Twitter: Guilrose_12
Ig: Guilrose_12

Follow po, follow back ko kayo

A ThreadsWhere stories live. Discover now