"Totoo ba iyong sinabi mo na matagal mo na akong gusto?" pagkukumpirma ko. 

Naramdaman ko ang paggalaw niya sa akin, apektado sa tanong ko. 

"Jancell." malambing kong tawag. Hindi ko makilala ang sariling boses dahil doon.

"Hindi ko naman kasi alam na mas lalalim pa doon, may itsura ka kaya tuwing nagsasama sama ang mga kaibigan ni Helli, ikaw ang lagi kong napapansin." nahuli ko ang pagnguso niya sa pag-amin. 

Hindi ko na tuloy napigilan ang pagngiti dahil sa kwento niya. Sinabi ko na rin naman sa kaniya na siya lang din ang madalas kong pagmasdan tuwing nagkakaroon ng pagsasama sama ang mga kaibigan ngunit ngayon ko lang talaga nakumpirma na ganoon din siya sa akin. Nagtaka tuloy ako kung bakit ni minsan hindi nagtama ang paningin namin kung pareho naming tinatanaw ang isa't isa?

"Kung ganoon hindi totoong nabuburyo ka lang noong pumunta ka sa kaarawan ko?" ngisi ko.

Namula ang malaman niyang pisngi at nag-iwas muli ng tingin.

"Wala naman akong sinabing naburyo ako kaya ako pumunta sa inyo, ah?" pagtataka niya. 

Bumuntong hininga nalang ako dahil sa isang taong naisip. "Sabi ni Helli." pagkikibit balikat ko. Napagtanto ko na noon pa man gumagawa na pala talaga siya ng paraan para hindi kami magkakilanlan ni Jancell. Hindi ko magawang isipin kung ano na kaya kami noong mga nakaraan araw kung walang Helli na nagpapapansin?

Ngumuso na naman siya sa pangalawang pagkakataon.

"Wag mo ngang gawin 'yan." naiirita kong utos. Nagulat ang ekspresyon niya sa sinabi ko at awtomatiko na namang ngumuso ang sariling labi.

Hinapit ko siya sa kaniyang bewang at marahang idiniin sa akin. Banayad kong hinalikan ang mapupula niyang labi. Kanina pa ako nagtitimping gawin ito at hindi ko talaga napigilan pa. Ramdam ko ang gulat sa kaniya dahil sa paninigas ng kaniyang katawan.

"Inaakit ako niyang nguso mo." usal ko habang may mapanlarong ngiti sa labi.

Nang makabawi siya sa ginawa ko ay agad niya akong sinuntok sa braso. Nagpipigil ngumiti ang kaniyang labi at nagsusumigaw sa pula ang pisngi.

"Fernand!" natatawang tawag niya.

"Bakit? isa pa?" pang-aasar ko dito na mas lalong kinapula ng pisngi niya.

Tumawa siya habang sinusubukang abutin ang leeg ko. "Unang halik ko iyon." nahihiyang usal niya. Dinampian ko ulit siya ng halik sa kaniyang labi.

"Ako din ang pangalawa, pangatlo, pang-apat hanggang dulo." sabi ko.



August 29, 1989

Tarlac


                                Ala sais nang umaga dilat na agad ang mata ko. Katabi ko sa pagtulog ang aking dalawang kapatid na halos masakop na ang buong espasyo ng kama. Ika dalawangpu't anim ng agosto noong tumulak kami dito sa Tarlac. Inatake sa puso ang lolo ko na ama ni tatay kaya agad kaming umuwi dito. Gustuhin ko mang huwag sumama sa kanila, nag-aalala pa rin ako ng husto sa nangyari kaya kailangan kong lumiban sa klase hanggang sa makalawa. 

Walang tulog si nanay at tatay kahapon sa pagbabantay sa ospital at di kalaunan binalita niya sa amin na wala na si lolo. Hindi ko siya masyadong nakakasama at nakakahalubilo ngunit malungkot pa rin ako't nawala siya. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon makilala pa siya ng lubusan. 

Emosyong Ilusyon (COMPLETED)Where stories live. Discover now