"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Helli? Hindi mo ba kayang maging masaya para sa kaibigan mo?" mariin kong sabi. Pinipigilan ang masigawan siya.
"Hindi." matigas niyang sabi kasabay ng pagpunas sa tumulo niyang luha.
"Para sa'kin?" tanong ko.
"Mahal kita, Fernand." desperado na siya.
"Hindi ako kailan man magmamahal ng katulad mo." sinadya ko ang pandidiri sa boses ko para matauhan siya. Kita ko ang biglang pag-aalab ng apoy sa kaniyang mga mata.
Sapo sapo ko si Jancell sa aking bisig habang nararamdam ko ang panginginig niya dahil sa paghikbi. Paulit ulit niya akong pinapahinto ngunit hindi iyon pumapasok sa utak ko para sundin dahil sa matinding pagkamuhi at awang nararamdaman sa babaeng kaharap namin.
"Kung ganoon, hindi ko kayo hahayaang maging masaya." iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang umalis at iwan kami.
August 17, 1989
Laguna
Isang buwan. Mabilis na lumubog ang araw kasabay ng pagkawala ng matingkad na sinag nito na nag-iwan ng kulay kahel at dilaw sa kalangitan. Sa bilis ng oras, alam kong mayamaya lang ay babalutin na naman ng dilim ang paligid na siyang paliliwanagin ng buwan. Paulit ulit ang senaryo sa araw araw na nagaganap. Hindi ko namalayan na isang buwan na rin simula noong opisyal na naging kasintahan ko si Jancell. Hindi man perpekto ang relasyon namin, masasabi ko pa ring kontento ako at masaya.
Kung minsan malaki ang pag-aalala ni Jancell sa kaibigan. Pakonti konti kong natutuklasan ang kagandahan sa puso niya at wala siyang ibang hiniling kundi ang kapayapaan ng kaibigan niyang si Hellina. Parati akong nasa tabi niya sa lahat ng pagkakataon dahil ayokong mapahamak ulit siya. Kagaya noong muntikan na siyang mahulog sa hagdanan ng palapag nila dahil bigla daw may natapon na tubig na may sabon sa dinaraanan niya. Mabuti nalang nakahawak siya at hindi natuluyan. May iba pang pagkakataon na nawawala ang mga pagsusulit niya sa ibang asignatura kaya madalas ay bumababa ang marka niya.
Ayaw man niyang aminin at sabihin sa akin, alam kong si Helli lang ang makakagawa nito sa kaniya. Ang ipinangako ko lang kay Jancell na kapag nakapagtapos kami ngayong huling taon dito hinding hindi ko na siya hahayaang malapitan pa ng itinuturing niyang kaibigan.
"Ang ganda." magnining-ning sa kaniyang leeg ang kwintas na isinuot ko sa kaniya.
"Sana magtagal pa tayo." nakangiti akong niyakap siya mula sa likuran niya.
Ang gaan gaan sa pakiramdam na kasama ko siyang muli. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti dahilan kung bakit gustong gusto ko siya laging nakikitang ganiyan. May humahaplos sa puso ko tuwing nakikita siyang masaya.
"Sa tingin mo ba..." may ibinulong siya sa akin pero hindi siya tinapos.
"Hmm?" hinaplos ko ang buhok niya habang hinihintay siyang magsalita. Ilang segundo ang hinintay ko ngunit hindi niya pa sinundan iyon.
"Sige na sabihin mo sa'kin."
"Iniisip ko lang kung magtatagal kaya tayo?" nag-aalinlangang tanong niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya naman hinarap ko siya sa akin. Inilebel ko ang mukha ko sa kaniya bago siya nagawang titigan.
"Kung gugustuhin natin, mangyayari 'yan." ani ko.
"Paano kung m-magsawa ka-"
"Hindi kailan man." nakangiti kong sagot para maging panatag ang loob niya. Nangilid ang luha sa mata niya na kaya agad siyang yumakap sa akin muli para maitago iyon. Halata naman na kaya hindi na niya kailangang gawin pa.
YOU ARE READING
Emosyong Ilusyon (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIkaw at ako pero walang tayo. Naranasan mo na bang maniwala? Maniwala sa mga akala. Maniwala sa mga bagay na kailanman hindi magiging totoo. Kailanman hindi magiging sa'yo. Ito'y isang kwento ng lalaking unang beses nagmahal. Unang beses naniwala...
LABING LIMA
Start from the beginning
