At biglang may bumulaga na mga hunyango sa kanila saka bigla silang sinugod.

ALENA:Tanakreshna!

DANAYA:Tanakreshna nga!

Saka nilabanan nila ang mga hungyango gamit ang kanilang mga sandata kalmutin pa sana ng isa si Danaya mabuti nalang na nakita ito ni Alena saka ginamig niya ang kanyang brilyante upang mapuksa ito.

DANAYA:Avisala eshma Alena.

ALENA:Walang anuman iyon Danaya.

Saka may nakita silang liwanag mula sa brilyante ni Pirena na mayroong mensahe para sa kanilang dalawa.

SAMANTALA...

Kasulukuyang nasa Hilagang parte sina Amihan at Pirena at nilalaban nila ang mga Ravenang nakapalibot sa kanilang dalawa.

AMIHAN :Hindi ko akalain na ganito pala kadami ang mga alagad ni Tuka!(Usal niya habang nakipaglaban)

PIRENA:Kaya nga!, mabuti pang gamitin na natin ang ating mga brilyante!

Tumango naman si Amihan bilang pagsangayon at napuksa ang mga kalaban nilibot nila ang iba pang parte sa hilaga ngunit wala si Jigs kaya naisipan na nilang magtungo sa Kanluran.

Sa Kanlurang bahagi ay napapalaban na na naman ang dalawang Hara ngunit napadali ito sapagkat sa umpisa pa lang ay ginamit na nila ang kanilang mga brilyante saka nagtungo sila sa isang silid kung saan nanggaling ang boses na sumisigaw ng tulong.

AMIHAN:Natitiyak akong si Ninong Jigs iyon.

PIRENA:Sigurado ka ba Amihan?batid naman natin na maraming mapaglinlang na mga nilalang dito.

AMIHAN:Oo Pirena kaya puntahan na natin siya.

Gawa sa bakal ang silid kaya ginamit ni Pirena ang kanyang brilyante upang matunaw ito nang saganon ay makapasok sila.

Pagdating nila sa silid na iyon ay nakita nila si Jigs na nakatali ang mga kamay at paa.

JIGS:Salamat na dumating kayo akala ko mamamatay na ako dito.

AMIHAN:Walang anuman iyon Ninong!kailangan ko gumamit ng kapangyarihan upang matangal ang mga kadena kaya ihanda niyo po ang iyong sarili!

Napalunok si Jigs na tila kinakabahan sa plano ni Amihan

JIGS:S-sige..

PIRENA:Habang ginagawa mo iyan ay magpapadala ako ng mensahe sa ating mga kapatid.

AMIHAN:Sige Pirena.

Saka sinasamo ng Hara ng Hathoria ang kanyang brilyante upang magpadala ng mensahe nila Alena at Danaya upang ipaalam sa kanila na natagpuan na nila si Jigs ilang sandali lang ay nasa harapan na nila si Alena at Danaya.

ALENA:Avisala eshma na ligtas ka Kuya Jigs!

DANAYA:Oo,nga mabuti pa ay umalis na tayo dito!

Papaalis na sana sila nang biglang dumating si Tuka.

TUKA:Sa wakas ay natagpuan ko rin kayo!

PIRENA:Tama nga ang aking sapantaha na ikaw ang nagpadala ng mga Ravena upang sugurin kami!

TUKA:Huwag mainit ang iyong ulo Pirena,hindi na ka ba natutuwa na nagkita tayong muli?

DANAYA:Wala kaming panahon makipaglaro sa iyo Tuka kaya mabuti pang tapusin na natin ito!

TUKA:Kay lakas ng loob mong manghamon Danaya tunay ka ngang matapang ngayon tingnan natin kung hanggang saan ang tapang niyo!Mga kawal ubusin ang mga diwata!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora