Kabanata 5

2.4K 50 10
                                    

Kabanata 5


Yacht


Mabilis na namang lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayan na kailangan ko nang pumunta sa Manila bukas dahil pasukan na sa Lunes.


Tinupad naman kasi ni Daddy ang sinabi niya. His secretary fixed my papers, and enrolled me to an elite school, but I still have a minor problem. Hindi ko pa naitatanong sa tatay ko kung may titirhan na ba ako sa Maynila.


Mamaya ko na lang siguro siya tatawagan dahil walang signal ang cellphone ko dito sa gitna ng dagat.


Bigla na lang kasi akong sinundo ni Kuya Azriel at ng apat niyang pinsan sa bahay kanina. Inaya nila akong mag-yate. Hindi na ako nakatanggi dahil naipagpaalam na nila ako kaagad kay Lolo. Isasama dapat namin si Linsey kaso ay nasa palengke siya kasama ni Lola kaya't nag-iisang babae lang ako ngayon dito kasama ang limang binatang Montegrande.


"What are you doing here?" tanong naman bigla ng isang boses kaya't naputol ang pag-iisip ko.


Sasagot na sana ako pero naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin mula sa likod kaya't natigilan ako saglit bago ako tuluyang nakapagsalita.


"I'm just thinking about something, Kuya Azriel," I replied.


"Do you mind sharing it with me?" seryoso niyang tanong pero bahagya lamang akong napailing.


"It's nothing, Kuya. Hinahanap na ba nila ako?" pag-iiba ko na lang sa usapan.


"Oo, akala mo nga ay ikaw ang pinsan nila," nagmamaktol niyang sagot na ikinangisi ko naman.


Matapos kasi ng unang beses namin ni Linsey sa mansyon nila ay araw-araw na ring sumasama ang mga pinsan niya sa kaniya tuwing bibisita siya sa bahay kaya naging malapit na rin ako sa mga 'yon.


"Should I change my surname into Montegrande then? Para ako na talaga ang pinsan nila?" nanunuya ko namang tanong.


"Gusto mo ba?" naghahamon niya namang tanong at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.


Habang nakikilala ko lalo si Kuya Azriel ay nasanay na akong niyayakap niya ako ng ganito. Everytime that he's hugging me, I felt safe, but at the same time, he's making my heart beats like crazy.


"Pumasok na nga lang tayo sa cabin," aya ko na lang tuloy sa kaniya dahil kung ano-ano na naman ang naiisip ko.


"Aalis na tayo bukas kaya dapat ay sinusulit na natin 'to," dagdag ko pa bago ako kumawala sa yakap niya at nauna na akong pumunta sa cabin.


Pagkapasok ko sa loob ay inabutan ko yung apat na umiinom ng alak. Napansin ako ni Kuya Levi kaya ibinaba niya kaagad ang kaniyang baso.


"Anong gusto mong kainin?" tanong niya kaagad sa akin kaya't napatingin na rin sa akin yung tatlo.

Waiting for You (Surigao Series #2)Where stories live. Discover now