Prologue

133 2 0
                                        

Sa isang mabahong imbakan ng basura,  nabulabog ang mga residente roon ng nakarinig sila ng malakas na sigaw galing sa isang pulubing baliw. Nagkumpulan ang maraming tao, humahalo sa hangin na ka nilang hinihinga ang masangsang na amoy na nangagaling sa isang naaagnas na bangkay ng isang lalaking hindi pa matukoy ang identidad. Dumating ang mga imbestigador,rescue team,  at kapulisan at sa kanilang pag-iimbestiga ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ay ang pagkakabasag ng bungo nito na umabot sa may utak. Ang malaking katanungan para sa mga imbestigador ay kung anong bagay ang ginamit ng killer para makalikha ng maliit ngunit malalim na butas na kayang bumasag sa bungo ng biktima at aabot sa utak nito. Habang nag-iimbestiga ang kapulisan ay tahimik sa isang sulok ang pulubing baliw na nakasaksi sa katawan biktima. Nanginginig ito at pawang hindi mapakali. Ang kanyang aksyon ay hindi binigyang pansin ng mga tao doon dahil sa may natural na kapansanan ito. Ngunit hindi, may nakatitig sa kanya,  mga matang kasing tulis ng mga mata ng isang liyon, binilang nya,  isa...dalawa... higit sa lima.  Nilapitan sya ng mga imbestigador para sa ilang katanungan, ngunit inunahan na nya ang mga ito ng mga katagang tila bugtong ang kung iisipin
.
.
.
"Tapos na. "

Tipid nyang sabi habang hindi parin inaalis ang tingin sa madilim na bahagi ng kagubatan katabi ng imbikan ng mga basura. Mga matang sya lang ang nakakakita.

Totoo man ang  mga ito o imahinasyon nya lang . Ang mysteryo ay kailanma'y hindi matutuklasan ninuman.

Asesina Inocente Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora