Chapter Two

842 27 0
                                    

"STOP IT, Angela. I told you I don't have time for that."

"Sige na naman, Eijiro. Pagbigyan mo na ko. Wala na talaga akong maisip na puwedeng tumulong sa problema ni Anika eh. Lumalala siya nang lumalala." pakiusap ni Angela kay Eiji. Pinagsalikop pa nito ang dalawang palad na animo ay nagmamakaawa.

Nahilot ni Eiji ang kanyang sentido at pabagsak na umupo sa sofa. Nasa bahay nila sa Makati ang matalik niyang kaibigan at kinukulit siya tungkol sa kaibigan nito. Ayon dito ay kailangan raw niyang i-date si Anika at makipag-lapit dito. Sa paraang iyon ay baka mabago daw niya ang ugali ng kaibigan nitong sa paniniwala nito ay hopeless case na.

He hardly doubt it though. Kilala niya si Anika Therese dahil palagi itong kinukuwento sa kanya ni Angela. Matagal na siyang nakakarinig ng kung ano-anong kuwento tungkol dito ngunit hindi pa niya ito nakikita ng personal maliban sa mga litrato nito kasama ang best friend niya. Hindi rin lingid sa kanya na kaya siya ang nilapitan ng best friend niya para tumulong kay Anika ay dahil nirereto nito ang kaibigan sa kanya.

"The answer is still no, Angel. And that's final." matatag na sagot niya at tumayo na. Nagtungo siya sa kusina upang maghanda ng tanghalian. Wala ang mommy niya kaya wala siyang kasama sa bahay nang mga oras na 'yon.

Napasimangot na lang siya nang marinig ang mga yabag ni Angela. Just as he thought, hindi siya titigilan nito hangga't hindi nito nakukuha ang gusto mula sa kanya. Masyado kasi niyang sinanay ito na pinagbibigyan ang mga kapritso kaya hindi niya alam kung paano ito basta-basta tatanggihan ngayon.

"Wala ka namang girlfriend ngayon kaya sige na. 'Tsaka sabi mo nagsasawa ka na rin sa pakikipag-date sa mga babaeng parang higad kung makakapit sa'yo na nire-reto ng mommy mo 'di ba? Pagbigyan mo na ko ngayon. Wala ka namang gusto sa kanya di ba?" she scoffed. "Alam ko naman na iisang babae pa din ang nagmamay-ari ng puso mo kaya siguradong safe si Anika sa'yo. Wala ka namang gagawin kundi tulungan lang siyang mabago 'yong hindi magagandang ugali niya pati na din ang paraan ng pagkilos niya. Sa tingin ko, sa'yo lang siya makikinig eh. Kahit naman gano'n si Anika, mabait naman 'yon 'tsaka palakaibigan kaya hindi ka mahihirapan na pakisamahan siya." patuloy na pangungumbinsi sa kanya ng matalik na kaibigan.

"Hindi ka talaga basta-basta susuko 'no?" tanong niya, hindi na niya itinama pa ang sinabi nito. Hindi pa naman kasi niya nasasabi sa matalik na kaibigan na naka-move on na siya sa heartbreak na kinasuungan niya nitong nakalipas na linggo.

Natawa ito. "Syempre hindi. Nag-aalala ako sa kanya, Eiji. Sa puso ko kasi, alam kong may pag-asa pa siya kaya tinutulungan ko siya ngayon. Madami na rin naman siyang nagawa para sa'kin. Gusto ko lang ibalik 'yon sa kanya." umupo ito sa harap ng dining table at nangalumbaba. "Kung bakit ba naman kasi naging gano'n ka-nega ang babaeng 'yon eh. May kaya naman sila at nakukuha naman niya ang mga gusto niya pero gano'n pa rin ang ugali niya."

"Ano namang kapalit ng pagiging good samaritan ko kung sakaling pumayag man ako?" kaswal na tanong niya. Pinag-iisipan na niyang tanggapin ang inaalok nito dahil nakita niya ang matinding pag-aalala nito para sa kaibigan. Alam rin naman niya sa kanyang sarili na hindi niya ito matitiis. Wala namang masama kung tumulong siya sa mga ito. Tama si Angela, wala naman siyang gusto kay Anika kaya wala siyang dapat na ikabahala.

Nag-angat ito ng tingin. "Eh ano ba ang gusto mong kapalit?" balik-tanong nito.

Humarap na siya nang tuluyan dito at sumandal sa kitchen counter. Humalukipkip siya at nag-isip. Ano nga ba ang puwede niyang hinging kapalit dito para sa gagawin niya? Pagkatapos ng ilang saglit na pag-iisip ay nagkibit-balikat siya. "Wala akong maisip eh. Tsaka ko na sasabihin sa'yo kung anong gusto ko." sa wakas ay sagot niya.

Nang wala siyang marinig na sagot mula dito ay nagkibit-balikat na lang siya at naghain na sa mesa. Sana lang ay makatulong siya sa kaibigan ng best friend niya.

I love you, Mr. Right [Published under Lifebooks] (Complete)Where stories live. Discover now