Ni hindi nga pumasok sa kukote niya kahit minsan na may emotional attachment sila sa isa't-isa. She knew that she's an ignorant when it comes to relationships but she just tried and failed. No harm done at hindi na sila nagkita o nag-usap man lang nito. Ngunit nitong nakaraang buwan lang ay muli itong nagparamdam sa kanya. Hindi na nga lang sa Friendster dahil Facebook na ang uso ngayon sa mga tao. Simula no'n ay madalas na silang mag-usap hanggang sa manligaw itong muli sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon ay pormal na itong nanligaw sa kanya na labis niyang ikinamangha. Dahil sa excitement ay sinagot niya ito kahit na dalawang araw lang itong nanligaw. Nangako naman ito na sa pagkakataong iyon ay aayusin na nito ang kanilang relasyon.

Kung iisipin ay hindi naman talaga niya minahal ang binata kaya niya ito sinagot sa pagkakataong 'yon. Pure excitement lang ang naramdaman niya at wala nang iba dahil kung minahal niya ito, sana ay nagngangangawa na siya ng mga sandaling 'yon.

Masyado lang talagang nilulumot ang lovelife niya kaya may lalaki lang na makapansin sa kanya ay pinapansin na rin niya. Gano'n siya katanga. Kaya ngayon ay nanggagalaiti siya sa inis dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan nito ang kanyang pride bilang isang babae.

"Tama! At ang mga lowlife na katulad niya ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Palilipasin ko lang 'to at sisiguruhin kong makaka-move on agad ako sa sakit ng ulong dinala niya sa buhay ko." determinadong pahayag niya at inagaw mula kay Jade ang tinidor. Hinarap niya ito at dinuro gamit ang tinidor niya. "Ikaw, ikaw na nga ang may-ari nito nambu-buraot ka pa ng pakgain ng iba." sita niya sa kaibigan at pinanlakihan pa ito ng mga mata..

She snorted. "Masarap eh. Anong magagawa ko?" tumayo na ito at bago tuluyang lumayo ay nginisihan pa sila nito. "Inom tayo mamaya?" yaya nito.

Agad naman silang nagsipag-tanguan. And with that, the issue of her broken pride ended. Kung ano-anong walang saysay na bagay na ang pinag-usapan nilang magkakaibigan.


KINAGABIHAN ay nagtungo sina Anika at ang mga kaibigan niya sa isang bar sa Eastwood, Malate upang mag-relax at magsaya na rin.

Maraming tao sa loob ng bar dahil biyernes ng gabi. Karamihan sa mga nando'n ay mga yuppies. Minsan kasi sa isang buwan ay lumalabas silang magkakaibigan para mag-enjoy sa iba't-ibang bar sa Manila. Palagi naman siyang problema ng mga ito dahil siya ang may pinaka-mababa ang alcohol tolerance at madalas ay halos kaladkarin siya ng mga ito maiuwi lang sa kanilang bahay.

"'Wag kang iinom ng marami kundi iiwan ka namin dito." banta ni Jamaica. Pinapapak nito ang mani na in-order nila.

"Oo nga. Baka mamaya sermunan na naman kami ni Tito Jess kapag umuwi kang hindi na halos makatayo." sang-ayon naman ni Abigail. Abala naman ito sa pagte-text habang pangiti-ngiti na parang isang babaeng nawawala sa sarili.

Sinimangutan niya ang mga ito. "Oo na. Sige na hindi na ako masyadong iinom." napipilitang pagpayag niya. Kung minsan talaga ay may pagka-KJ ang mga ito ngunit alam naman niyang ginagawa lang ng mga ito 'yon dala ng pag-aalala sa kanya. Masyado kasing 'malakas' ang resistensya niya kaya sa tuwina ay nakakarinig siya ng kung ano-anong sermon mula sa mga ito. Isa pa, bawal na talaga sa kanya ang masyadong uminom dahil naoperahan siya sa apdo may dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi nagtagal ay nagkasiyahan na rin sila. Nagsayawan sila sa dance floor at nag-kuwentuhan ng kung ano-anong walang katuturang bagay. Isa 'yon sa mga gusto niya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Hindi nauubusan ng kuwento at hindi nagkakapikunan kahit na below the belt na ang tirahan. Wala ring KJ kapag may mga lakad silang katulad niyon.

Ang palagi ngang banat sa kanila ni Abigail ay 'Ang totoong kaibigan ay nagsasabi ng totoo.' Kaya hinahayaan na lang nila ang isa't-isa. Isa pa, maaasahan naman sila sa lahat ng bagay. Para bang wala sa bokabularyo nila ang salitang iwanan sa ere. May isa nga lang silang rule sa barkada, hindi puwedeng magsama ng manliligaw o nobyo kapag lalabas silang magkakaibigan dahil mawawala ang atensiyon nila sa isa't-isa. Sinang-ayunan naman nilang lahat iyon dahil pare-pareho silang naniniwala na dapat ay hinihiwalay ang lakad ng magkasintahan sa lakad ng magkakaibigan.

I love you, Mr. Right [Published under Lifebooks] (Complete)Where stories live. Discover now