Tinignan ko ng mabuti ang mukha ng babaeng ito at muntikan na akong mabulunan sa sobrang gulat. Wait, what the heck? "Marga? Bakit— bakit ganyan ang itsura mo?"



Tinignan niya naman ako na parang natatawa pa siya. Kumunot ang noo ko. Siya nga, si Marga nga! Ang nakakapanibago lang sa itsura niya ay ang kanyang suot at ang buhok niya na naging sobrang haba.





"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Itago mo ang iyong dibdib, Izela. Bakit ka ba kasi lumabas ka nang ganiyan ang suot mo? Nakakapanibago."





Kumunot naman lalo ang noo ko dahil sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Izela? What the heck?



"Oh, siya. Bumalik na tayo sa Santa Luna at ikaw nalang ang wala doon." Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Sandali nga, naguguluhan na ako sa mga nangyayari ha.




"W-wait, anong meron? Where are we going?" Nauutal kong tanong at iwinakli ang kamay ko sa pagkahawak niya.


Nagtataka naman siyang lumingon sa akin. "Anong lenggwahe iyan? Sandali— itinuro ba sayo iyan ni Francia?"




"Francia?!" Nagtatakha kong tanong. Si Francine ba ang tinutukoy niya?




"Ang aking kapatid, Izele." Napahawak siya sa ulo niya na para bang nai-stress na. "Tayo na't humayo. Baka hindi pa tayo makaabot sa tanghalian."



Naglakad siya papunta sa isang kalesa. Sandali, wala ang kalesang iyan kanina ah? Weird. Sinundan ko nalang si Marga.





Okay. I'll just go with the flow, I guess. Tska hindi na nga dapat akong magtaka pa, eh. Sa sobrang gulo at hindi kapani-paniwalang nangyayari ngayon? Hindi na dapat akong magtaka kung bakit ako nandito. Kahit pa nga ba bumisita ang alien ay hindi na ako magugulat pa.




Sumakay ako sa kalesa at umandar na ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagugustuhan ko ang lugar na ito. Parang napakagaan din sa pakiramdam. At parang may tumutulak sa akin na makisabay sa mga nangyayari ngayon.




I hope I'll get answers during this situation, I guess..






-


"Nandito na tayo." Masayang sambit ni Marga at naunang bumaba sa kalesa.


Nang makababa naman ako ay bumungad sa akin ang ingay ng mga masasayang tao. Mukhang mayroong pista na nagaganap. Sobrang kulay din ng paligid at may mga lamesa na punong-puno ng pagkain. May mga nagsasayawan din. Ang saya-saya nila.





"Anong meron?" Tanong ko kay Marga. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.


"Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang libing ng ina ni Francia pagkatapos nitong maikling kainan." Sagot niya dahilan para magulat ako.



What?! May namatay pala, pero bakit nagcecelebrate pa sila? Gosh, these people are weird. Oh, naaalala ko, namatay din pala ang mommy ni Francine last last week.



Wait a minute.. Namatay ang mommy ni Francine last week..


Naudlot ang pag-iisip ko nang hinila ako ni Marga papunta sa grupo ng babaeng nag-uusap-usap. Nagulat naman ako nang nakilala ko agad ang mga hitsura nila. Sila Joudee, Xzan, Aliah, Miranda at Nicole ito. Damn, nakakapanibago ang mga itsura nila pati na rin ang kanilang suot.



Fearing The Unknown Where stories live. Discover now