Chapter 6 - the one i loved

Start from the beginning
                                    

Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko. Sa bandang huli ko nalang gagamitin ang hellium ko mukhang dehado ako.

Ilang lap nalang at malapit na kami sa finishline hindi maaring matalo ako not now!! At hindi ko alam kung bakit ngayon pa sya nagpakita at bakit dito pa??

Tanaw ko na ang finishline pinihit ko ang hellium sa mga ilang sigundong malapit nako pero nagulat ako dahil magkapantay parin kami!

Ibig sabhin di nya pa din nagagamit ang kanya.

And just by that finally natapos then. Pro lahat ng tao tulala walang sumisigaw walang gumagalaw misko ako nandoon lang nakaupo ang tahimik walang ingay nakikiramdam kang sa tunog ng puso ko at sa paghingal.

Natapos ang race ng walang nanalo.

" IT'S A TIE!" sigaw ng host.


Bigla namang bumusina ang kabilang sasakyan saka umandar kaya sinundan ko naman ito hindi ako bumaba. Hanggang sa napunta kasi sa isang part ng bundok na yon walang tao kundi kami lang. Walang bumababa saamin naghihintay kung sino ang mauuna.

.

Pero hindi ko natiis kaya ako na ang umuna pero sa saktong pagbukas ko ng pinto ay sya ring pag bukas ng kanya. Nakatitig lang kmi sa isa't isa wala parin syang ipinagbago makalipas ang mahigit isang taon.

"B-bat nandito ka? " yun ang unang lumabas sa bibig ko.

"Nalaman ko kasing nagbalik kana kaya siguro panahon na rin para bumalik ako"  lumapit ito saakin makalipas ang isang taon masasabi ko na rin na wala nakong galit saknya pareho kaming naghirap at nangulila.

"Its nice to see you again nadia" napalingon ako saknya sya lang ang tanging tumatawag saakin ng ganyan na hindi galit.

" it's been a year Claud pero wala paring nagbago pati sa paglalaro naten"

Kaharap ko ngayon ang lalaking nakasama ko dati ang syang lalaking naging kaibigan namin ni kuya. Ang lalaking maliban kay kuya ay minahal ako. Ang lalaking minsan ay naging laman ng puso ko.

" so how are you?" Putol nito sa katahimikan sa pagitan namin.

"Ok naman may sarili nakong apartment may trabaho rin ako sa bar ni nic at eto balik sa race ikaw kamusta ang pag stay mo sa new york?"

Matapos ang nangyare saaming tatlo hindi na ulit kmi nagkita ni claud kahit manlang sa libing ni kuya umalis na sya ng bansa dahil sinisisi nya ang sarili nya sa nangyare.

Noong gabing iyon kasi ay magkaasama kami. At naiisip ni kuya na maglaro kami at dahil nga sa nasa iisang group kami hindi kami naglalaban. Pare pareho kaming champion sa ibat ibang sinasalihan namin.

Naisip ni kuya na hiramin ang kotse ni claud dahil inaayos pa ang saknya.

Nakipag karera saakin si kuya. Pero bago matapos ang race biglang nagloko ang sasakyan nya at nahulog ito sa bangin. Gulat na gulat ako at nakatayo lang ako ng mga oras na yon hindi ko magawang sumigaw oh humingi ng tulong. Pero ng mapansin siguro nila na may biglang pagsabog doon na nagtakbuhan ang lahat santalang ako parang naging slowmotion saakin ang nangyayare.

Ilang beses akong kinakausap ni claud pero wala. Pag dating sa ospital dead on arrival na si kuya. Ng dumating ang parents ko nasampal ako ng mama ko at sinigawan ni papa. Ganon din si claud sya lang ang nasa tabi ko noong mga panahong iyon.

"You're reminizing right?" Tumango ako

"Dito sa mismong lugar na to nawala ang lahat" sabi ko saknya yes nandoon kami ngayon sa lugar na yon kung saan natapos ang lahat.

"But this is a new life nadia and i'm happy seeing you again doing this, kung nasaan man si francis alam ko proud sya sayo" sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak muli lalo na sa harapan nya.

"Now that i'm back kailangan kong tuparin ang pangako ko kay francis"

Nagulat ako hindi ko akalaing yan ang sasabihin nya.

I remember noong buhay pa si kuya at ipinaalam na namin saknya na kami na ni claud tuwang tuwa sya dahil bestfriend nya ang makakatuluyan ko.

Ang sinabi nito kay claud na kahit anong mangyare kahit na anong pagsubok ay hindi dapat kami maghihiwalay at dapat sa huli kami parin at wala ng iba.

Pero nawala na rin ang pag asa ko sa pangakong iyon noong umalis sya. Umalis sya ng walang dahilan. Nakatanggap ako ng email noon galing saknya. Na hindi nya tanggap ang nangyare at nahihiya sya saakin. Nalaman ko rin na may nagtatangka pala sa buhay nya. Yung sasakyan na ginamit ni kuya ay para dapat sakanya pinutol pala ang wire ng break nito. Nahuli na ang gumawa nito at nakakulong na.

Perp siguro sadyang masakit lang talaga lahat.

"Alam mo ba gusto kitang sumbatan, kung bakit bigla mo nalang akong iniwan kung kailan kailangan kita, kung kailan wala akong kakampi" pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko.

Hindi sya nagsalita at hinihintay pa ang sasabihin ko.

" ... Pero naisip ko kung hindi ka umalis sa tabi ko hindi ko kayang mabuhay ng tulad ngayon, hindi ako magiging malakas at responsable hindi ako magiging independent...

        Siguro nga kailangan talaga ng space para makapag simula ulit. Salamat claud.. "

Nilingon ko sya pero nakatingin sya sa langit na para bang may kung anong hinihintay doon

" kung alam mo lang kung gaano kasakit na mawala ka saakin, kung paano ko nasusurvive araw araw ng wala ka.. Pero siguro nga tama ka time can heal a broken heart "

Napangiti ako iba na sya ngayon mas masense na syang maisip dati kasi hindi kami ganyan.

" so san ka tumutuloy?" Tanong ko.

" ah nakakuha ako ng isang condo malapit lang dito doon na muna ako, at nag open na rin ako ng sarili kong companya alam mo naman ayoko ng umasa pa kay papa lalo na't may iba naman na syang pamilya "

Anak si claud ng may ari din ng isang car company pero diko natanong kung ano yon wala naman kasi kaming pakialam sa mga ganyan ganyan basta ang samin nagagawa namin gusto namin.

" umalis ka sa inyo? "May bakas ng pag aaala ang tinig nito. Nayoko ako.

"Oo hindi na rin naman ako nararapat tumira doon dahik wala namang may gusto na manatili ako "

"I'm sorry candice" nilingon ko sya hindi na nya ako tinawag na nadia.

"I'm sorry for being so weak, na nagawa kitang iwan mag isa at harapin ito ng mag isa" hinawakan nito ang kamay ko.

" it's ok claud its ok.. "

Then the next thing i knew nakayakap na sya saakin ng mahigpit na para bang ano mang oras ay tatangayin ako ng hangin palayo saknya.

I missed this pero ang tanong may kailangan paba kaming balikan? Kung ang areho ning puso ay nakahanap na ng kapayapaan.

------------------------------

Wiiii!!! Super sorry po kung ngayon lang nakapag update sobrang busy kasi talaga e! Pero for sure po tuloy tuloy na tong pag uupdate ko HAPPY VALENTINE'S DAY!!!!

Love Marion_girl

SHE WILL REIGNWhere stories live. Discover now