Napapikit ako ng may tumalsik na tubig saamin. Nagsitalunan pala ang mga gago.

“ Fuck! ” Ziel cursed saka ko naramdaman na binuhat niya ako para makaahon kami.

“ Damn! Ang init ng tubig. May umihi! ” sigaw ni Tyler.

Nanlaki ang mata ko. Binigyan ako ni Aziel ng tinapay kaya kinuha ko ito at kinain habang siya naman ay nasa tabi ko na nakaupo at umiinom ng tubig.

“ Baka umihi ka Brooks ha! Mapapatay na talaga kita! ” naiinis na saad ni Tyler.

“ Fuck! Hindi ako. Grabe ko namang umihi at talagang mukhang pinakuluan tayo rito. Palamigin mo kaya. Ice kapangyarihan mo diba? ” naiinis na sagot naman ni Flynn.

“ Naman! Bakit ang ginaw na naman ng tubig. Mamatay ako sa ginaw! ” reklamo ni Summer.

“ Ibalik mo na ulit sa mainit Ty. ” sigaw ni Stormie.

I looked at my husband. May kakaiba sa mata niya. I cupped his face dahilan para mapunta sakin ang tingin niya.

“ Hay salamat! Normal na ulit ang temperatura ng tubig. ” malakas na sigaw ni Flynn.

I smirked. “ Wicked huh. ”

Natawa siya. “ Yeah. ”

***

“ Normal na ulit ang dagat Hm. Wala ng dapat ipag-alala. ” saad ni Fern habang narito na kami sa Hm’s office.

Tumango si Hm. “ Kagaya ng inaasahan ko sainyo. Wala naman kayong misyon na hindi niyo nailulutas. Kagaya rin kayo ng mga magulang niyo. Magagaling. ”

Hindi ako umimik. Kausap lang naman kasi ni Hm ang mga maharlika. Hindi naman ako kasali roon.

“ Maari na kayong magpahinga. Maraming salamat. ”

Agad na dumeritso kami sa dorm ko. Napahiga agad ako sa kama. Grabe namiss ko ang kama ko. Napahaplos-haplos ako sa mga unan. Ang lambot. Ang sarap ng matulog.

Nakarinig ako ng mahinang tawa pero hindi ko ito pinansin.

Ilang minuto lang nakarinig ako ng agos ng tubig. Mukhang naligo si Aziel ulit.

Agad na kumuha nalang ako ng damit at nagpalit sa komportable na damit.

Lumundag ako sa kama at agad na kinuha ang unan ni Ziel at yinakap. Bahala siya. Ligo-ligo pang nalalaman antok na antok ako. Baka bumalik siya sa kwarto niya.

Napaungol ako ng makaramdam ako ng pag-angat. Pero naging komportable na naman ako kaunlanan. Mas sumiksik ako rito at dinantay ang paa ng makaramdam ako ng ginaw.

Maaga akong nagising napangiti ako ng makitang mahimbing pang natutulog si Ziel.

Naligo muna ako bago ako nagtungo sa kusina para kusina para magluto ng makakain namin. Agad ko itong hinanda sa mesa saka ako naglakad patungo sa kwarto ko para gisingin si Ziel. Natutulog parin siya.

Agad na naglakad ako patungo sa gilid niya at hinaplos ang mukha niya. Sa hindi inaasahan mabilis niyang hinuli ang kamay ko at agad na hinila ako para mayakap.

Napatawa ako ng mahina. “ Hmm? You woke up so early. ” mahinang saad niya.

Akmang kakalas ako ng mas hinigpitan pa niya ang yakap. Kaya tinapik ko siya. “ Bangon ka na. Kakain na tayo. ” bulong ko.

He cupped my face kaya napatitig ako sa magaganda niyang mata. “ Ang sarap pala sa pakiramdam ng may asawa no? Kapag sobrang ganda ng asawa mo, maalaga, siga siga pa. ”

Tinampal ko siya sa balikat. “ Ako? Siga-siga? Di kaya.” nakangusong saad ko.

Ngumisi siya. “ Hindi ba? Palagi mo nga akong inaaway eh. ” mabilis akong bumangon at sinamaan siya ng tingin.

“ Ikaw kaya ang laging umaaway sakin. Grabe ka. Ang sakit mo pa ngang magsalita eh. Kung hindi kita hinalikan noong nasa misyon tayo tatahimik ka kaya? First kiss ko pa naman iyun. ” naiinis na talaga ako. Naaalala ko na naman ang first kiss ko. Psh. Buti nalang siya ang hinalikan ko.

“ Are you sure it's our first kiss? ”

“ Oo! Bakit? May iba pa ba? Alam ko sa sarili ko first kiss ko yun. Nakakababa ng pride. Ako pa talaga ang humalik sayo no? ” sarkastiko kung saad.

“ My, my. That was not your first kiss actually. It's your 30th kiss to me already. It's 30 I think? ”

Nanlaki ang mata ko at halos umusok na ang ilong ko sa narinig. “ Anong ibig mong sabihin? ”

Ngumisi siya sakin. “ What do you think? ”

“ Aziel Cree! ”

Agad na pumasok siya sa banyo at malakas na napatawa. Gigil na gigil ako. Aba, tinatawag pa akong malandi eh siya lang naman itong magnanakaw ng halik sakin.

Okay sana kung isa o dalawa lang. Pero syete, 30? At hindi pa siya sigurado ha. Lagot siya sakin.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now