Dominant 6

5.9K 225 20
                                    

KATHERINE DENVER

Halos hindi ako makabangon kaumagahan pero pinilit ko talaga ang sarili ko dahil pupunta pa kami sa Enchanted Kingdom ngayon.

Nakasleeveless ako na itim saka pinatungan ko ng black leather na jacket atsaka naka leggings lang ako ng itim saka itim na rubber shoes. I did not even bother to comb my hair dahil kahit i-angat ang mga braso ko ay masakit.

Mabilis kong tinungo ang kusina at kumuha ng tinapay saka fresh milk. Ilang sandali pa ay agad ko ng tinungo ang daan papunta sa Headmaster's office.

Agad na pumasok ako rito at ganoon nalang ang pagkagulat ko ng makita ko si Aziel.

“Oh, Katherine iha, mabuti naman at andito kana.” nakangiting bungad ni Hm.

Tinanguan ko nalang siya at agad na umupo sa harapang upuan ni Aziel.

Tumikhim si Hm at pinagdaop ang kamay. “So, the both of you need to go to Enchanted Kingdom for today. You can now go cause I assume the both of them are waiting for you.” saad ni Hm.

“Are we gonna ride the carriage together?” The Great asked.

Hm nodded as a smile plastered on his lips. “Of course, the both of you have the same destination so yes.” saad niya at ngumiti ng malaki.

Hindi na ako nagsalita pa at sabay nalang kaming naglalakad papunta sa school gate. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante rito kung bakit kami magkasabay.

Bulong-bulungan pa nila kung bakit nakaterno daw kami. Aba malay ko bang naka black rin pala ang The Great na 'to.

We rode the carriage together. And as usual kaharap ko si Aziel. Then ngayon ko lang napagtanto ang sunog niyang pisngi.

“Quit staring witch..” malamig nitong saad sakin.

Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin. We arrived at the castle peacefully. Kaya heto na naman kami naglalakad papunta sa dining area. Sa dining area daw kami papupuntahan kaagad eh.

Bigla akong kinabahan ng makita ko ang likod ng Hari at Reyna ng encantasia. Hindi ko maiwasang hindi maconcious sa hitsura ko ngayon.

Shit, bakit ba kasi hindi ako nag-ayos kanina?

Both of them looked at our direction. Then the Queen's eyes locked to mine. Napalunok ako.

Nakarating kami sa harapan nila at agad namang humalik si Aziel sa mga magulang niya. Yumuko ako sa harapan ng Hari at Reyna.

“Who are you young lady?” bigla akong nangilabot ng marinig ang boses ni King Crust. No wonder Aziel got anything from him except his eyes. Klarong-klaro naman na sa Reyna na talaga iyon namana.

Inangat ko ang tingin para salubungin ang malalamig na titig nito. “Katherine Denver your highness.” magalang kong saad.

His eyes sparked. “The Leader of Knights? I'm impressed that the Knights leader is a girl.” saad nito na may paghanga ang boses.

Hindi ko maiwasang hindi mahiya sa papuri nito. I have received lots of compliments regarding to that matter too, pero iba pala kapag galing sa bibig ng Hari ang puri.

“Let's eat.” nakangiting aya ng Reyna.

Agad na nagsiupo sila kaya umupo ako sa upuan na saan may nakalatag ng pinggan.

Nasa pagkain lang ang atensiyon ko habang sila naman ay nag-uusap.

“So the serpent did that to you?” rinig kong tanong ng Hari.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now