CHAPTER 1

3 1 0
                                    






"Saan tayo kakain sa break, guys?", pabulong na tanong ni Aden sa amin habang on-going pa ang lecture namin sa Mathematics with Ms. Giannette.







"Hoy, makinig ka muna kaya para hindi ka puro kopya sa'min tuwing may sasagutan. Tsaka first day of classes palang ah?", sagot ni Scarlet sa kanya.







"Haaay... whatever, dude", iritang sagot ni Aden.







"Nag-aaway na naman 'tong dalawang ito, first day na first day. Sana okay lang kayo", sambit ni Jenna.







"Hindi!", sigaw ng dalawa at napukaw ang atensyon ng buong klase.







Galit na tinitigan sila ni Ms. Giannette ngunit bago pa siya magsalita, nagring na ang bell at agarang nagsilabasan ang mga kaklase namin kung kaya't hindi na niya napagalitan si Aden at Scarlet.







Gaya ng nabanggit nila, first day of school namin ngayon and we just entered 10th grade.







Activity day rin ngayon kaya kaliwa't kanan ang mga nag-aabot ng flyers at invitations from clubs sa mga new students as well as sa mga lilipat ng club.







Oo nga pala, we have different clubs if you may ask. I am a part of the Library Club. Dance club naman ang sinalihan ni Scarlet. Habang si Aden naman, sa Basketball Club. Lastly, si Jenna, she joined the Journalism Club.







Naglalakad kami noon sa hallway patungong cafeteria and maraming tao since nag-iinquire sila sa mga club. Habang naglalakad, bigla na lamang akong binangga isang babae na nagmamadali patungo sa dinarayong club.






BEdRock.

Shortened term for Basic Education Rock.







It is one of the most famous clubs here in Apollo High. Sa dinami-rami ba naman ng projects at events na isinagiwa ng club na ito, hindi pa kaya sila makilala?






Another thing, this Music club is not like other music clubs sa ibang schools. They have the best of the best members and all of them could sing and play different instruments. Halos lahat ng instruments, kaya nilang gamitin.







Isa sa mga kina-iinlaban ng mga babae sa members nila is the guy named Keeno. Keeno Mendoza. Matangkad, maputi, magaling mag-express ng feelings through singing at higit sa lahat, gentleman.







Halos lahat yata ng babae dito, pati mga teachers, gusto siya (I was one of them hehe). Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa ganitong tipo ng lalaki? Nasa kaya na nga yata ang lahat.







Anyways, we went to the cafeteria. Konti lang ang tao since busy lahat sa pag-apply sa clubs.







Walang imik si Scarlet at Aden simula nung lumabad kami sa room.







"Ang tahimik naman. Hindi ako sanay na walang imik yung dalawang maiingay palagi", sambit ni Jenna na obvious namang nagpaparinig sa dalawa.









"Oo nga, new academic year, new you na ba guys? HAHAHAHA", pabiro kong sinabi.








Sa kalagitnaan ng patuloy na pananahimik ng dalawa, biglang tumayo si Aden at nagpaalam.






"Pupunta lang ako sa CR."







"Okay thanks for sharing", iritang sagot ni Scarlet with matching irap.







"I'm clearly not talking to you. I was talking to Sunny and Jenna. It's not even your business", sagot niya.







"Feelingera", dagdag pa nito sabay alis patungo sa comfort room.







"Whatever", sagot ni Scarlet sa papalayong naglalakad na Aden.







Nagsi-uwian na kaagad kami after class since wala sa mood ang dalawa.






After eating dinner, I watched a Korean Drama nalang dahil wala pa namang assignments since first day of classes and orientation palang.







In the middle of watching, Jenna called me and invited me in an event sa school happening next week.







Saying that it was a welcoming event for the new students and may special guests din.







Obviously, the event is organized by BEdRock and one of their guest is the band, The Juans.




Wait what? The Juans??



THE JUANS???







FYI pala, I am a fan of them. Simula nung narinig ko yung kanta nilang Hindi Tayo Pwede, na ang lakas ng impact sa'kin, I admired their works. And eventually, I became their number one fan.








"Ano, manonood tayo?", tanong ni Jenna.







"OO, syempre!", excited kong sinagot.







I was really excited and looking forward to the event.







"Sana payagan lang ako ng aking ina", dagdag ko.








"HAHAHAHA, sige sasabihan ko siya na kasama mo kami nila Aden para pumayag", sagot niya.







"Ay hala! Kasama sila?", tanong ko naman.







"Hindi pa. HAHAHA. Hindi ko pa sila nasabihan pero sure naman na sasama agad yung mga 'yon", agad niyang sinagot.








"Sana nga. Sana okay lang sila. HAHAHAHA LQ... CHAROT", sagot ko naman.








"HAHAHAHA. Oo nga. O sige na, see you sa school. Goodnight, mwaps", paalam niya.








"Okay, bye. See you!", sagot ko naman at tinapos ang call.







Pinagpatuloy ko ang panonood ng K Drama at unti-unti akong nahimbing at nakatulog.






Hindi ko na namalayan kung anong oras na nun. Nagising nalang ako na nasa tabi ko na sina Jenna, Aden at Scarlet na ayos na ngayon.

"O, bati na kayo? HAHAHAHA", sambit ko upang asarin sila.

"Oo, kaya dalian mo na dyan. Alam mo na bang malapit na tayong ma-late?", sagot niya at sabay tingin ako ng oras sa cellphone ko.

"WTF 7:13 na??? Hindi niyo man lang ako ginising? Ma-lelate na tayo!", galit na sinabi ko sa kanilang tatlo.

"Ang himbing kaya ng tulog mo. Kaya ayaw ka naming gisingin eh. Naka-nganga ka pa nga HAHAHAHA", pinakita ni Aden ang litrato ko habang naka-nganga at nagtawanan ang tatlong demonyo.

"HmP! Maliligo na nga ako. Dyan na kayo", inis na sagot ko at nagtungo na sa banyo para maligo at mag-ayos.

Dumating kami kaagad sa school at hindi kami na-late gaya ng inaabangan niyo (CHAROOOT!)

Last subject na namin ang Araling Panlipunan. Nung halos malapit nang matapos ang klase, nagtanong ulit si Aden.

"Sa'n tayo after class?".

"Sa imong heart. Yiiieee", pabirong sagot ni Scarlet na tinawanan naman namin ni Jenna.

"Sorry Scarlet pero... hanggang tropa lang talaga", sagot ni Aden na agad na ikinagulat naming tatlo.

"Hala, libre mangarap. Friends lang naman talaga kaya kong i-offer sa'yo totoy kaya 'wag kang mag-feeling dyan", sagot ni Scarlet at naging dahilan ng pagtataas ng kilay ni Aden.

"Nagsisimula na naman kayo. Sa Checo's nalang tayo", sambit ko nalang para matapos at hindi na maglaroon ulit ng pag-aaway 'tong dalawang ito.

Until I Found YouWhere stories live. Discover now