That's when I realized na nasa loob kami ng auditorium.

"Oh, Miss Sanchez. Masyado 'kang bida-bida. Gusto mo pa akong ilantad sa lahat?"

Nanlaki ang mata ko dahil nasa harap ko ang killer!

Naglakad siya papunta sa'akin habang tumataw,. "Yes, I am the killer." Tinaas niya ang hood niya, "Surprise!"

Pinilit 'kong pumiglas mula sa pagkakatali ko pero mas tumawa siya ng malakas.

"I should have been more careful. Buti na lang at hindi mo pa nasasabi ang nakita mo. You saw me right?" Nanlisik ang mata niya sa'akin.

"You saw me, diba?!" Hinampas niya ako bigla ng iron ball sa mukha.

Tama na! Ang sakit!

Pakiramdam ko ay nabasag na yung kanang part ng mukha ko dahil wala na akong makita sa kanan at parang namanhid na ito.

"Nakita mo ako na pinatay ko si Kenneth, right? And gusto mo magsalita. Kaya ngayon, patatahimikin na kita." Nakangisi siya sa'akin.

Umiling-iling pa siya, "Sayang! Favorite science teacher pa naman kita. But, I think this is goodbye."

Pumikit na lang ako dahil alam ko katapusan ko na pero nagulat ako nung may nagsalita sa may bandang kanan ko. Hindi ko na makita kung sino dahil nasa bandang dilim siya at nakasuot lang din ng black hood.

"Hurry up."

Narinig ko ang pagkadismaya sa boses ng nasa harap ko, "Wag mo akong utusan! Gusto ko pahirapan ang teacher na 'to. She's ruining our plan. Bago palang siya pero akala mo kung sino na." Natatawang sabi niya.

"That's why you have to kill her, now. We don't have much time."

Ngumiti pa siya ulit sa'akin, "Okay."

Chloe's POV

Nakailang rounds ako sa treadmill tapos nag leg at core workout din ako. Dati ay may gym instructor ako pero dahil kasama ko na si Josh at may alam naman siya sa paggy-gym kaya siya na ang nagtuturo sa'akin.

Napaupo ako sa may yoga mat nung natapos ang cooldown, "I'm so tired, Josh. Ngayon lang ulit ako nag gym. Gusto ko tuloy kumain." Reklamo ko kay Josh.

He seems much occupied. Hindi niya ako pinansin. He's just looking at his phone.

"Huy" Kinalabit ko siya. "Anong meron?"

"Ha? Ah," Napaiwas siya ng tingin sa akin. 'Tila parang nag-isip pa siya ng alibi niya.

"Nakakalimutan mo na ata na alam ko kung nagsi-sinungaling ka." Tinaasan ko siya ng kilay.

Napabuntong hininga muna siya bago magsalita, "Kasi kanina may nagtext sa'akin. Sabi niya may sasabihin siya sa aking importante."

"Iyun ba yung katext mo kanina bago ako dumating?"

Tumango siya, "Yes. And I think it's strange kasi alam niya yung whole name ko, sabi niya, Joshua Carl Reyes. Then, alam niya ang number ko. And yung pagkakatext niya is sort of formal. So, I am guessing..."

"One of our professors?"

"Yes." He agreed immediately. "And nabanggit niya na sa science lab kami magkikita."

"Science lab? Miss Gregorio? Mister Albano? Or yung bago si Miss Sanchez?"

Nagkibit balikat siya, "I don't know." Ilang beses pa niyang pinagmasdan ang cellphone niya.

Nagkayayaan na kaming umuwi. Palabas na sana kami ng gym ni Josh nang may tumawag bigla sa'akin.

"Cindy is calling." Sabi ko.

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن