EPILOGUE

27 2 0
                                    




EPILOGUE


Cindy's POV

Hinatulan si Kate ng reclusión perpetua o habang buhay na pagkakakulong.

Ngumiti pa siya sa amin habang pinoposasan siya at idinadala sa labas ng korte. She keeps on saying na, "I'm okay now." Kahit alam namin na hindi.

Mas kinalungkot namin ang balita matapos ang ilang araw na pagkaka-kulong ni Kate ay nagpakamatay rin siya sa loob ng kulungan. She even sends us a note.

To my friends, I am okay now. Thank you for all the best memories. The red star member, Katelyn Jaz Madriaga is now signing off.

Nagtagpo kami sa sementeryo nina Chloe, Jess, Bry at Lloyd matapos ang graduation ceremony. Nakaupo kami sa may damuhan kung saan nakalibing ang mga kaibigan namin.

Nagdala ng mga bulaklak si Josh. Pagkain naman ay dala ni Jess at Chloe. Si Bry naman ay ang mga supposed-to-be-toga nila at kami naman ni Lloyd ay ang mga litrato nila.

"I hope they are in heaven, now." Sabi ni Chloe habang nakatingin sa mga ulap.

"Parang hindi naman tatanggapin si Ken doon." Pabirong sabi ni Bry kaya nagtawanan kami.

Natahimik kaming muli habang pinagmamasdan ang mga puntod nila. Hindi madaling tanggapin pero dahan-dahan ay makaka-ahon ulit kami mula sa mga sakit at mga takot na naramdaman namin.

"You know what guys isa lang hiling ko sa graduation ko.," Tumingin kami kay Jess, "Sana okay na si Kate at sana napatawad na niya tayo. She's really a good friend."

Tumango kaming lahat. Tinignan ko si Lloyd at hinawakan ang kamay niya, "Are you okay?"

Alam ko kasi na nahihirapan din siya dahil hindi lang si Bella ang nawala, kung hindi pati si Kate at si Vin. I know he's going through a lot this time.

"To be honest, hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari lahat ng ito but I will be fine." Tinignan niya kaming lahat habang nakangiti, "All of us will be fine."

Tumayo na si Josh mula sa pagkakaupo, kaya sumunod na kami sa pagtayo. Nilahad niya ang kamay niya sa harapan namin, na para 'bang gusto niyang maglaro ng maiba-taya.

"Ano na naman 'iyan, Josh?" Natatawang sabi ni Chloe.

"Sige na, ipatong niyo na yung kamay niyo." Pamimilit niya sa amin, kaya ginawa nalang namin.

"This is a promise." Sabi niya. "Pangako na hindi na tayo magiging detectives. Pangako rin na hindi na tayo lalapit sa ganoong mga bagay. Ngunit isa lang ang maipapangako natin. 'Iyun ay babalik tayo dito kahit gaano tayo ka-busy sa trabaho o kahit magkapamilya tayo. Babalikan natin ang mga kaibigan natin dito. Pwede ba 'iyun?" Tinignan niya kami isa-isa.

Tumango ako at ngumiti, "Stamped and sealed." Sabi ko, sumunod rin naman silang lahat.

"I am Joshua Carl Reyes, signing off as a member of The Red Stars." Sabi niya at inalis niya ang kamay niya.

"I am Jessica or Katherine Gomes, signing off as a member of the The Red Stars." Ngumiti siya at tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakapatong nito sa amin.

"I am Chloe Kaye Astor, signing off as a member of The Red Stars." Sabi niya at dahan dahan ding inalis ang kamay sa gitna.

"Ako naman." Excited na sabi ni Bry, "I am Bryal Miguel Castro, the super poging com-sci, is now signing off as a member of The Red Stars." Binatukan ni Josh si Bry. Natawa naman kaming lahat.

Tinignan ako ni Lloyd at ngumiti, "Mauna ka na."

Huminga ako ng malalim at tinignan ko ang puntod ni Kate.

I will miss all of the memories and cases we've been through pero alam ko na mas magiging tahimik na ang lahat sa desisyon namin na ito.

Tumingin akong muli sa mga kamay namin at sinabing, "I am Cindy Hazel Hermosa, signing off as a member of The Red Stars." Inalis ko ang kamay ko mula sa ilalim ng kamay ni Lloyd.

Tinignan namin si Lloyd, "I am Lloyd Grae De Guzman, signing off as a member of The Red Stars."

Inakbayan ako ni Lloyd habang paalis kami ng sementeryo.

Muli pa kaming lumingon sa pundot ng mga kaibigan namin nung nakasakay na kami sa van ni Josh. At malawak ang ngiting binigay namin mula sa aming mga labi.








WAKAS

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Where stories live. Discover now