KABANATA LVII:PAGSULPOT NG MGA TAKSIL NA RAVENA

Start from the beginning
                                    

JIGS:Parang may sumusunod po sa atin.

AQUIL:Inaasahan na namin iyan Kuya Jigs ituloy mo lang ang pagmamaneho .

YBRAHIM:Sigurado ako na kapag dadaan tayo sa lugar na walang masyadong tao ay haharangan nila ang dadaanan natin.

Tama nga si Ybrahim dumaan kami sa highway na wala masyadong tao ay may isa pang itim na van na bigla nalang sumusulpot na hindi namin alam kung saan ito nanggagaling saka may mga armadong kalalakihan ang na bumaba at kinatok ang bintana ng aming kotse at dahan dahan ko naman ibinaba ang bintana ng aming limousine sabay tanong na.

AQUIL:Anong kailangan niyo bakit niyo kami hinarangan?

GUY1:Gusto lang namin na bumaba kayo sa kotse niyo at sumama sa amin marami kaming candy at laruan.

MEMFES:Hindi kami intersado diyan Kuya Jigs ituloy mo na ang pagmamaneho.

Sabay sara ng bintana ngunit nakaharang pa rin ang mga lalaki kaya napilitan naming bumaba nila Azulan,Ybrahim,at Memfes

AZULAN:Kung ayaw niyong magsisi sa huli ay padaanin niyo na kami! (Buong tapang niyang sabi)

GUY2:Bakit bata ano ba ang gagawin mo?

YBRAHIM:Huwag niyo ng tanungin kung ayaw niyong madala sa ospital pagkatapos!

GUY3:Nakakatakot naman iyang sinabi mo,bata lang kayo kaya sumama na kayo kung ayaw niyong masaktan!

AQUIL:Masaktan?baka kayo ang masasaktan diyan!

GUY4:Aba pre ang yabang nitong mga batang ito ah, mabuti pang dalhin na natin ang mga ito!

GUY1:Mabuti pa nga!

GENERAL'S PROVERBS

Napansin ng magkakapatid na Sangre na may tensyon ng nangyayari sa labas kaya naisipan na nilang bumaba sa kotse saka bumaba na rin si Jigs

PIRENA:Ano bang nangyari diyan?! Hoy kayo!

GUY2:Kami?!

PIRENA:Hindi,iyong mga punong nasa paligid..kung anuman ang binabalak niyo sa amin ay huwag niyo ng ituloy baka pagsisihan ninyo sa huli!

AMIHAN:Mabuti pang umalis na kayo sa daraanan namin dahil hindi namin gusto na saktan namin kayo!

ALENA:Wala naman kayong mahihita sa amin kung kunin niyo kami kaya pakiusap kunin niyo na ang sasakyan niyong nakaharang.

JIGS:Boss sige na padaanin niyo na kami maawan naman kayo sa mga bata.

GUY5:Hay naku ang dami niyong sinabi mabuti pang sumama na kayo sa amin! (Saka hinila nila ang mga Hara at Rama)

DANAYA:Sabing hindi kami sasama sa inyo!

GUY6:Huwag na kayong magpumiglas!

AZULAN:Di talaga kayo titigil ah..

Sinapak ni Azulan ang lalaking naka hawak sa kanya at ganon din ang ginawa ng ibang Hara at Rama nilabanan nila ang mga ito gamit ang kanilang mga kamao naging bata man sila ay hindi pa rin nagbabago ang kanilang galing at lakas sa pakikipaglaban.

Napatumba nga nila ang mga kalaban ngunit nagawa pang bumangon ang mga ito saka tinutukan sila ng baril.

GUY7:Ano kayo ngayon tameme!,gusto niyo talagang mamatay ng maaga ano?!

DANAYA:Hindi na kami natatakot sa kamatayan sapagkat ang karamihan sa amin ay naranasan ng mamatay at bumalik ulit!

GUY8:Baliw yata itong batang ito, mabuti pang pasabungin na natin ang mga bungo ng mga pasaway na ito!

Kinalabit na ng mga armadong lalaki ang gatilyo ng kanilang mga baril upang paputukan ang mga Hara at Rama mabuti nalang na nakagawa agad ng pananggalang si Amihan gamit ang kanyang brilyante at ginamit naman ni Alena ang kanyang mahiwagang tinig upang malabanan ang mga lalaking nagpaputok sa kanila.

ALENA:HASNA MASNA LASNA
HASNA MASNA LASNA
AHOOO!!

Dahil sa mahiwagang tinig ni Alena ay nabitawan ng mga lalaki ang kanilang mga baril at ginawang putik ni Danaya ang kinatatayuan ng mga lalaki saka pinatigas ito upang hindi makalayo ang mga lalaki saka tinunaw naman ni Pirena ang mga sandata ng mga ito nang saganon ay wala ng magamit na sandata ang mga ito.

GUY8:Mga Enkanto kayo ano?!paano kayo napadpad dito?!

AZULAN:Hindi niyo na kailangan malaman kung ano kami o kung ano kami ngayon sabihin niyo sa amin kung sino ang nag-utos sa inyo?!

GUY1:Hahaha..bakit naman namin sabihin ano kayo sinuswerte?

YBRAHIM:Bibigyan namin kayo ng isa pang pagkakataon,hindi niyo naman nais mawalan ng hininga di ba sino ang nag-utos sa inyo?

GUY2:Anong bang mahihita namin kung sasabihin namin kung sino?!kahit pa saktan niyo pa kami wala kayong makukuhang impormasyon mula sa amin!

AQUIL:Hindi namin ugaling manakit ng mga tao,sapagkat isa sa aming tungkulin na protektahan ang bawat nilalang kaya habang may pagkakataon pa kayo ay sabihin niyo na.

GUY3:Manigas kayo diyan kaya pakawalan niyo na kami dito!

MEMFES:Edi manigas din kayo diyan hanggat wala kayong ibinigay na impormasyon ay hindi namin kayo papakawalan.

Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may dumating ang mga taksil na Ravena at biglang sinugod ang mga Hara at Rama saka agad rin nagpalit ng gayak pangdigma ang apat na Hara at apat na Rama gamit ang kanilang mga kapangyarihan upang malabanan ang mga Ravena.

Habang nakipaglaban ang mga diwata sa mga Ravena ay nanatili pa rin ang mga lalaki sa kanilang kinalalagyan habang abala ang mga Hara at Rama sa pakikipaglaban ay hindi nila namalayan na nakuha na pala si Jigs ng mga Ravena,ilang sandali lang ay bigla nalang lumipad ang mga ito papalayo.

AMIHAN:Si Ninong Jigs?,nasa likod ng kotse lang siya kanina?!

DANAYA:Tanakreshna baka kinuha ng mga Ashtading Ravena!

PIRENA:Mabuti pang sundan na natin bago pa huli ang lahat!

AQUIL:Sasamahan na namin kayo

DANAYA:Kami na ang magtungo doon Aquil mabuti pang mauna na kayo sa bahay. (Saka tumango naman si Aquil)

ALENA:Bago ang lahat ay tanggalin ko muna ang memorya nila.

Pagkatapos tanggalin ang memorya ng mga lalaking nakalaban nila ay agad nag-ivictus ang mga magkakapatid na Sangre habang ang mga Rama naman ay sumakay na sa kotse saka si Azulan na ang nagmamaneho ng sasakyan.

ITUTULOY.....

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now