DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events are purely coincidental.
This is unedited. It may have typographical or grammatical errors. Please bear with me.
All right reserved 2020
________
Tahimik siyang umiinom habang nakatitig sa mga larawan na unti unting nilalamon ng apoy. She can't help but to cry silently.
Tinungga niya ang huling patak ng alak habang nakapikit. Naramdaman niya ang pait nito pero walang wala sa pait na kanyang nararamdaman.
Napangiti siya ng wala sa oras habang nasusunog ang larawan ng kanyang lalaking minamahal.
"Someday I will forget about you. Kung magkita man tayo ay sisiguraduhin kong burado ka na sa isip at puso ko."
Pinunasan niya ang luha sa pisngi. Tumayo na siya at naisipang matulog. Napangiti siya ng mapait ng bumungad ang tahimik na kabahayan. How can she live in this place if memories of him keep playing on her mind? Umiling siya saka tumungo sa kwarto at pinilit na matulog.
Kinabukasan ay maaga siyang nag-empake. She needs to leave this place. Baka maaga siyang mamatay kung araw-araw niyang naaalala ang nangyari. May offer na trabaho sa kanya ang pinsan. Ang sabi niya hiring daw ang company na pinapasukan niya.
Nagmadali siyang nag-ayos para pumunta ng Maynila. Tinignan muna niya ang kabuuan ng bahay bago umalis bitbit ang maleta.
"Insan!" Matinis na boses na sigaw ng pinsan niyang si Khira. Niyakap niya ito.
"Teka nasasakal ako!" Kumawala ang pinsan saka inalalayan ang pinsan papasok ng apartment.
Naku tayo lang dalawa dito. Gaya ng usapan hati tayo sa bayad. For the meantime it's all on me habang wala kapang sweldo. Saka alam ko naman matatanggap ka matalino ka eh." Nilibot niya ang buong apartment. May isang kwarto lang okay naman na magshare sila. Atleast may banyo. May kusina din kaya pwede na.
"Nga pala insan, wala pa bang balita sa lumubog mong pagmamahal?" Kumunot ang noo niya. Sa lahat ng sasabihin ay iyon pa? Pwede naman itanong kung kumusta siya. O kaya itanong kung nakatirik na siya ng kandila para sa namatay niyang puso?
Umiling siya. "Don't mention about it."
"Wala pa rin?"
"Wala. At wala na siyang babalikan. Siya ang nang-iwan kaya bakit ko hahanapin?" Hindi na nagsalita ang kanyang pinsan.
Yeah right, she'll start a new life. Someday, she'll forget about the pain and sadness. She believe in that.
Kung nasaan man siya wag na sanang magkrus ang kanilang landas. Alam niyang mahirap pero kailangan na niyang kalimutan kung anong meron sila. Life must go on. Nakakasigurado siyang makakarma rin ang lalaking nanakit sa kanya.
Kung nasaan man siya sana wag ng magtagpo ang kanilang landas. Panalangin niya na sana ay matupad.
"Ano ba ang nangyari at nawala ang fiancé mo? " Wala pa siyang alam sa buong kwento ng buhay niya.
Pumikit ito at inalala ang nangyari. Kailangan bang ulit ulitin ang nakaraan? Hindi ba pwedeng forward na kaagad?
Huminga siya ng malalim saka nagsimulang magkwento. Sana nga matapos niya ang kwento ng hindi na umiiyak.
YOU ARE READING
Memories of You
RomanceSabi nila when you love someone fight for it. Wag mong pakakawalan. Pero paano kung ang pinanghahawakan mong LOVE sa taong iyon ay biglang mawala? Will you fight or will you give up? Si Michael Xander Montecilo, a bachelor, hearthrob, gwapo, mayaman...
