Kabanata 4

0 5 0
                                    

°°°°°

Simula ng nangyari iyon ay naging komportable na naman ako sa kanya. Sa tuwing nagkikita o nakakasalubong ko siya ay nagngingitian na kami. Kinakausap ko na din siya at hindi na naman siya nahihiya sa akin.

Biglang umulan ng May 10, at dahil unang ulan ito ng Mayo ay kailangan daw maligo. Lagi kaming naliligo sa unang ulan ng Mayo dahil mapapalayo ka daw sa anumang mga sakit sa taong iyon.

"Tara na Diyetisse, gala tayo sa Greenwood Village habang naulan. Tsaka tag-mangga ngayon diba? Siguradong marami na namang mangga sa sliding." sabi ni Tine

Naligo na nga ako. Ngayon lang naman ulit eh. Tsaka gusto ko din makapunta sa sliding dahil madami ngang mangga doon. Libre naman na kunin ang mga mangga doon eh.

"Sige, tara!" sabi ko at pumunta na nga kami sa Greenwood Village.

Nagulat ako kasi nandoon din si Dither. Naliligo din siya sa ulan kasama si Kuya Knos. Nagtatawanan pa ang dalawa.

"Kailan pa sila naging close?" bulong kong tanong ng palapit na kami sa kanila

"Hindi ko din alam eh. Basta lagi silang nag-uusap. Hindi ko alam kung tungkol saan pero isang araw nahuli ko na pinag-uusapan ka nila." paliwanag niya habang ngiting-ngiti na dahil kasama na naman ang aking pinsan.

Happy love life huh?

"Ako? Ako talaga? Bakit naman nila ako pag-uusapan?" bulong ko ulit

"Baka dahil inlove si kuya sayo." mabilis niyang bulong sabay tinakbo ang distansiya nila ni Kuya Knos

Huh? Trip niya ba ako? Nagpapatawa ba siya?

Lumapit si Dither sakin at ngumiti.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang sliding.

"Anong pinagbubulungan niyo ni Tine?" tanong niya na sumasabay sa paglalakad ko

"Ah. Wala lang yon. May tinanong lang ako. Yun lang naman."

"Ganoon ba?" tatango-tango niyang sagot at yumuko upang sipain ang tubig na galing sa baha.

Naalala ko tuloy si Ate Ashienna, ang aking pinsan. Magde-debut na iyon sa June 1, samantalang ako naman ay 17 sa June 8. Lumipat kasi sila sa purok tres ng Turbina kaya hindi ko na siya nakakasama. Konting lakad lang naman ang distansya naming dalawa. Kaso hindi na siya madalas pumunta sa amin ni Lola. Naging busy na ata siya sa school. Tsaka nagkaroon kasi ng isyu sa pamilya kaya mas pinili nalang nilang lumayo.

Miss ko na ang paggagala naming tatlo ni Kuya Knos. Lagi din kami napunta ng sliding dati. Pero ng lumipat sila ay hindi na naulit pa.

"Malayo ba yung sinasabi niyong sliding?" tanong niya, siguro para may mapag-usapan naman.

"Ah, hindi naman. Maya-maya nandoon na din tayo." sabi ko na nasa harap ang tingin. Nasa harap kasi namin sina Tine at Kuya Knos. Tinitingnan ko kung ano ang ginagawa nila.

At yon, magkahawak-kamay pa talaga. Mga hindi nahihiya itong mga ito.

"Nga pala, dito na ko papasok ng Grade 12. Sa Makiling National Highschool daw ako kasi doon gumraduate si Ate. Ikaw? Saan ka papasok ng Grade 11?" tanong niya

Aba! Paano nito nalaman na Grade 11 ako sa pasukan?
Well, baka halata lang talaga? O kaya naman napag-usapan lang nila.

"Ah, sa Calamba Institute ako." sagot ko nalang

Ang alam ko, kaya sa public lang siya papasok ay hindi kasi kakayanin ng budget nila. Okay lang naman yon? Ang mahalaga naman ay makapagtapos eh. Ramdam ko naman ang kasipagan niya sa pag-aaral.

The Amaranth Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt