Kabanata 7

0 2 0
                                    

°°°°°

Dalawang araw na ang lumipas simula nang may dinaluhan kaming anniversary. Simula din ng araw na iyon ay hindi rin ako halos lumabas.

Wala naman akong pupuntahan o makakausap dahil hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Tine. Wala na naman ang lagnat niya pero hindi pa siya pinapalabas dahil baka mabinat.

"Ano? Aalis na ba tayo?" tanong ko kay Xienne. Isa sa kababata ko na lagi ko ding classmate dahil hindi nagkakalayo ang average naming dalawa.

Ngayon na kasi kami mag-eenroll para sa pasukan. Magkakasabay kami ng mga kasabayan ko ng year. Ang tatagal ngang dumating.

"Ahm. Maya-maya lang daw. May hinihintay pa daw kasi sila." sagot niya naman.

"Sino naman daw?" kuryoso kong tanong. E! Tuwing enrollment naman ay apat lang kaming magkakasama.

Nandito kami sa may canteen sa tabi ng kalsada at hinihintay ang iba naming kasama.

"Bakit nila hinihintay iyon? Hindi naman natin ka school mate iyon diba?" nakakunot-noo kong tanong.

"Pinapasabay ni Tita Marge eh. Samahan na daw natin sa school niya para makapag-enroll din." sagot ni Xienne.

'Tss. Bakit hindi nalang siya mag-isa ang nag-enroll?'

"Oh! Nandiyan na pala sila e!" biglang sabi ni Xienne. Tumayo na ako at lumabas sa canteen ng nakita ang mga kasama.

"Tara na!" sabi ko kay Xienne at naglakad na papuntang sakayan. Nakita ko naman na nakasunod sila sa amin.

Lima tuloy kaming magkakasama ngayon. Si Xienne, Yuta at Wave ay mga kaklase ko noong nakaraang taon kaya sila ang kasabay ko ngayon. Si Dither naman ang isa na napasama lang.

"Are you okay?" tanong ni Xienne na nakatingin sa akin.

"Okay lang ako." sagot ko naman.

"Ayaw mo ba na isabay natin siya?" tanong niya na naman.

"Okay lang din naman na sumabay siya." agad kong sabi.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay naririnig ko na nag-uusap ang tatlong lalaki sa likod namin.

May sasakyan naman talaga kaming pag-aari, talagang ayaw ko lang din na gamitin iyon kapag papunta ng school. Masyadong sosyalin tingnan at ayaw ko ng ganoon. Hindi ako ang taong makikipagsabayan sa mga mayayaman kong batchmate. I am born to be simple, hindi maarte. Tsaka mas masaya na may kasama na katulad ng mga ito.

Ang baliw kasi ni Tine. Ayaw niya na daw mag-aral kaya hindi ko tuloy siya nakakasabay.

"Talented pala itong si Dither kung ganoon." komento bigla ni Wave.

"Oo nga. Swimmer na, Athletic pa at Dancer ba naman." dugtong naman ni Yuta.

"Patingin naman ng grade mo. Baka honor student ka din niyan?" nakisabat na din si Xienne. Nagtatawanan sila samantalang ako ay hindi natutuwa.

"Ah. Hindi ako honor student. Mabababa nga lang ang mga ito." sagot ni Dither sabay abot ng Student Card niya kay Xienne.

Binuklat ito ni Xienne at nakita ko ang mga grado niya. Hindi siya kataasan pero hindi din mababa. Tama lang para pumasa.

'Siguro mahirap sa part niya ang pagsabayin ang sports at academic.' isip-isip ko.

Sabi din kasi ni Tine ay trainor na daw si Dither ng mga pang-division level. Gold medalist nga daw ito sa ganoong larangan.

"Hindi na masama." komento ni Xienne sabay balik ng card kay Dither.

"Alam mo ba? Itong si Diyetisse at Xienne ay consistent honor student. Ang galing nila no!" pagmamalaki ni Wave.

The Amaranth Where stories live. Discover now