Daniela's Escort: Thirteen

Start from the beginning
                                    

Nagulat ako ng makita kung sino ang babaeng yun.

Gilid lang ng mukha nya ang nakikita ko pero alam kong sya yun.

"Daniela..." bigla nalang lumabas sa bibig ko.

Napatingin naman sya sakin at kita din sa mukha nya ang bakas ng pagkagulat.

"Hi." nakangiting sabi ko sa kanya.

Pero sa totoo lang ay gusto kong magpalamon sa lupa. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya sa ganitong pagkakataon. Sobrang tagal na.

"Hi." bakit ganon? Bakit parang sarkastik yung pagtugon nya.

"Kamusta?" Ken, talagang tinanong mo sya kung kamusta sya? Balak mo pa talagang kamustahin sya ah.

"Ayos naman." halatang ayaw nyang makipag usap man lang. Ramdam ko ang pag iwas nya sa mga tingin ko.

Awkward ba sa kanya na makausap ako? Bakit? dahil ba escort lang nya ko noon?

Magtatanong na sana ko ulit ng may lumapit sa kanyang lalaki.

Hinawakan sya sa bewang at tinanong kung tapos na syang mamile.

Asawa nya ba to? O nobyo?

Magugulat pa ba ko? Hindi naman imposibleng may magmahal sa kanyang ibang lalaki bukod sakin.

"Yes, tapos na." sabi nya dun sa lalaki..

"Sige, una na kami ha." saka sila tumalikod na sakin.

Bakit ganto? Bakit nararamdaman ko na naman yung sakit na katulad nung naramdaman ko nung huling punta ko sa kanya.

Tumalikod na lang ako at pinigilang bumagsak ang mga luha ko.

Masaya na siguro sya sa buhay nya. Kasama ang lalaking kaparehas nya ng estado sa buhay.

Lalaking pwede nyang ipagmalaki sa lahat.
Lalaking kapantay nya.

Nag ikot ikot pa ko kahit wala naman na kong kukunin, ayoko kasing makita pa sila sa counter.

Makalipas ang labing limang minuto ay dun palang ako pumunta sa counter.

Pagkatapos kong magbayad ay dumiretso na ko sa parking lot ng mall. Pagpasok ko ng kotse ko ay yumuko na muna ko sa manibela ko.

Doon ko inilabas yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Eto yung sinasabi kong kulang sa buhay ko eh.

Hindi ko pa pala totoong natanggap na hindi nya ko kayang mahalin.

Pinilit kong tanggapin pero hindi pa rin pala ko lumalaya sa sakit ng pagtanggap na yon.

Na iniisip ko pa din, paano kaya kung naging mayaman ako katulad nya? Siguro ay mamahalin nya din ako.

Lintek naman kasi eh, bakit kasi pinanganak syang mayaman at ako mahirap? Hindi ko tuloy magawang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya, dahil kung tutuusin ay di hamak na sobrang taas nya at sobrang baba ko.

Hinayaan ko lang tumulo ang mga luha ko.

Wala na Ken, wala na.

Daniela's POV

"Daniela, ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Ivan habang pinapasok sa kotse ko ang mga pinamili ko.

"Yes. Sige na, maraming salamat sa pagsama sakin ha."

"Sus, ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh."

"Nako ikaw ha, mag move on kana hahaha."

"Kailanman ay hindi ako makakamove on sayo. Ikaw lang tong layo ng layo sakin eh."

"Alam mong wala akong oras sa mga ganyan."

"You should've award me. Pinaka masugid mong manliligaw, hahaha. Apat na taon na Daniela, baka naman."

"Hindi ako nagpapaligaw. Ikaw tong ayaw tumigil. How many times do I have to tell you na wala akong balak mag asawa."

"Sinasabi mo lang yan. Marerealize mo din na mahal mo ko. Hahaha Sige na. Mauuna na ko. Malayo pa dito parking ko."

"Bye, salamat ulit."

Pumasok na ko sa kotse ko. Napahawak ako sa lalamunan ko. Nananakit na kasi ito dahil kanina pa ko nagpipigil ng pag iyak.

Hindi ako makapaniwalang nagkita kami ngayon. Sobrang daming bagay ang pumapasok sa utak ko.

Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko ay pinaandar ko na ang sasakyan ko.

Hindi ako pwedeng umiyak. Lalo na kung para sa kanya lang din naman.

---

Pagkababa ko ng mga pinamili ko ay agad agad akong kumuha ng tubig sa kusina.

Hindi ko inakalang makikita ko sya ngayon. Sa loob ng apat na taon ay hindi naman nag krus ang landas namin.

Aaminin ko kinabahan ako nung nakita ko sya. May kung anong kirot sa puso ko ang nagising.

Muli ako uminom ng tubig at napahawak sa sentido ko.

Bakit kailangan ko pa syang makita?

Napatingin naman ako sa pintuan ng kusina ko ng makarinig ng may papalapit.

"Mommy..." rinig kong sabi nya. Nilapitan ko naman sya. Nakita ko syang nagkukusot ng mata nya. Nagising lang ata sya.

"Why baby? Nagising ba kita?" umiling lang sya.

Niyakap nya lang ako sa leeg. Siguro hindi sya makatulog dahil umalis pa ko.

"Common, Kendy. Let's go upstairs na. Tulog na tayo." binuhat ko na sya tsaka kami umakyat sa kwarto.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now