"Umalis ka nga "aniya sabay tulak kay Austin nang mahina .

"Para ka naman kasing bakla eh baka nalilimutan mo lalaki na ako ngayon ha BABY?!" Aniya habang pigil ang tawa .

"Ayyy oo nga pala haha nalimutan ko eh sorry naman akala ko ikaw pa rin si red eh ikaw na pala si fafa Rckey !!" Anito habang tonong bakla ang ginawa sa huli nitong sinabi ...napairap na lang sya sa sobrang kabaliwan ni Austin.

"Oh dito na ako kana mga gamit ko"aniya sabay kuha nang mga maleta nya sa kamay ni Austin.

"Waaaahhh baby mamimis talaga kita !!!...aalis ka na talaga !!! Sama na lang ako!!!"_ anito habang parang tangang nakayapos sa kanya.

"Ayy ang sweet naman nung magjowa sana all may lovelife "

"Ang pogi pa naman pareho sayang nabawasan na naman ang gwapo sa mundo."

"Ang sweet nung guy sa boyfriend nya "

Ilan lang yan sa mga narinig kong komento tungkol samin ni Austin nang mga taong nakapaligid samin

"Ui Austin bitaw na nga... Napapagkamalan na tayong bakla dito " pabulong ngunit may diin nyang sabi kay Austin na kasalukuyan pa ring nakayakap sa kanya ..pinagtitinginan na sila nang mga tao .

"Hayaan mo sila basta ang alam ko babae ka hehe" anito kaya hinampas na nya ito upang kumalas sa pagkakayakap .

"Basta ha yung mga itinuro ko" anito matapos kumalas sa pagkakayap konting paalamanan pa ang nangyari bago sya nakapasok sa loob papuntang eroplano.

Natapos ang byahe at nakarating naman sya nang matiwasay sa Pilipinas...kasalukuyan sya ngayong nasa taxi na magdadala sa kanya papuntang bahay ni Agent Pink nakalagay na sa phone nya ang address nito kaya alam nya ... Halos ilang taon din syang hindi nakatuntong sa pilipinas ...sampung taon pa lang sya nuon nung mapunta sya sa puder ni Com. Ito na kasi ang nagalaga sa kanya mula nung nangyari ang aksidente ...mahabang kwento kaya ayaw na nyang maisip muli.

Ilang minuto lang at narating na nya ang bahay ni Agent Pink.

"Reeeeedd!!" Masayang salubong nito sa kanya sabay yakap.

"Call me Rckey from now on ..by the way how are you ?!"aniya sabay beso .

"Im ok .... But you!!.. Grabe muntik na kitang di makikilala ang gwapo mo grabe!!!"_ anito sabay yakap ulit sa kanya.

"Nga pala nakwento na sakin ni Commander ang nangyari at yun nga nagaalala ako pero at the same time na excite din ako dahil makakasama kita nang matagal tagal ngayon ...as Rckey nga lang haha" anito habang hind pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi .

"Pasok ka dali para makapagpahinga ka na alam kong mahaba ang binyahe mo " anito sabay buhat nang ilang gamit nya upang tulungan sya sumunod naman sya rito papasok nang gate ... may kalakihan din ang bahay nitong up and down ...ngayon nya nga lang nalaman na may bahay pala ito dito.

"Nga pala pasensya na hindi kita nasundo sa airport kakarating ko lang din kasi galing sa paghahanap sa kapatid ko ...alam mo na" anito sa isang malungkot na tono...

"Ano ka ba ok lang talaga " aniya sabay tingin sa buong kabahayan pagpasok mo malaking sala agad ang bubungad sayo sa bandang kaliwa samantalang sa kanan naman ayy ang kusina sa tingin nya malaki ang kusina dahil andun na rin ang banyo, lamesa, at lutuan. Sa gitna naman ang hagdan papuntang second floor. May mga kwarto pa syang nakikita sa baba .

"Tara sa taas para makita mo na magiging kwarto mo pero kung gusto mo minsan siping tayo para mag movie marathon " masaya ulit nitong sabi habang naglakad patungong taas ..agad naman syang sumunod ..lumiko ito pakanan.

"Dito ang office ko " turo nito sa unang kwarto sa kanan Hindi na sya magtataka kung may office ito dahil halos lahat naman silang mga agent ayy meron nito dahil kailangan nila nang lugar para pagaralan ang bawat mission na ibibigay sa kanila.

"Dito naman ang magiging kwarto mo "anito sabay bukas nang katabing kwarto nang office nito .

"Eto naman ang kwarto ko " sabay turo sa katapat na kwarto

"Sa kaliwa naman is yung dalawang guess room then training room na pede ka rin mag exercise dun kung gusto mo" turo naman nito sa kabilang daan.

"Ah sige ok na ako dito Sam salamat ..nga pala namiss kita " aniya bago pumasok sa loob para ayusin ang mga gamit nya .Samantha Soriano ang totoong name ni Agent Red Sam for short ...mukang kailangan na nyang sanayin ang sarili sa pagtawag dito nang Sam .

" yieehh bakit parang feeling ko lalaki ka na talaga hahaha ang lagong pa rin nang boses mo ...haha sige sa baba lang ako magluluto lang ako nang hapunan natin ." anito sabay paalam upang bumaba. Sya naman ay pinagmasdan muna ang buong kwarto ..may sariling CR na to tapos may terrace pa ... Malaki din ang kama  na nasa kaliwa ang pwesto  ...inumpisahan na nya ang pagaayos nang gamit mula sa maleta .

Maya maya ayy bumaba na sya upang tingnan kung anong ginagawa ni  Sam ..naabutan nya ito sa kusina habang nagaayos nang mga plato.

"Oh tatawagin na sana kita eh ...tara kain na muna tayo "alok naman nito sa kanya habang inilalagay ang ulam sa tasa .

"Salamat ...nga pala Sam kamusta ang paghahanap?" Tanong nya tungkol sa kapatid nito ...simula bata kasi nagkahiwalay na ang dalawang to bago pa man sila maging trainee para maging agent ...simula pa lang naging malapit na silang tatlo nila Austin sa isat isa .

"Ayun wala pa ring lead kung saan lugar sya naririto sa pilipinas" anito habang pinagsasandok sya nang kanin.

"Parang baliktad ata .. Dapat ako ang masandok sayo ako lalake eh hahah" biro naman nya dahil mukang nalungkot ito nang maalala ang kapatid .

"Haha oo nga naman RCKEY be genteleman naman aba !" Balik biro naman nito . nagumpisa na silang kumain nang niluto nitong adobong manok

"Hmm...ang sarap mo pa ring magluto , dabest ka Sam"aniya habang nanguya pa.

"Bolera..ayy bolero pala haha masarap ka rin naman magluto ah" anito matapos uminom nang tubig ...totoo naman kasing masarap itong magluto ..marunong din syang magluto pero hindi kasing sarap nang kay Sam ...ito kasi ang nagturo sa kanya .

"Ikaw kaya ang cooking master ko " aniya .

Pagtapos kumain pinagpahinga na sya ni Sam bukas na lang daw ulit sila mag kwentuhan . At dahil na rin sa pagod eh mabilis syang nakatulog.

He's a SheWhere stories live. Discover now