Chapter 1

365 9 1
                                        

Keziah's Pov

Andito na ako ngayon sa tapat ng gate ng bahay na dapat kong puntahan, pumasok ako para maging kasambahay ng pamilyang to. Marunong naman ako sa gawaing bahay eh kaya kering keri yan!laban lang charot!

"Anong saten ma'am"ani ng kuyang guard nang nasa tapat na ako ng gate, nakakagulat naman tong si manong bigla bigla nalang nagsasalita.

"Ahmm ako po yong nag apply bilang kasambahay po" magalang na ani ko sabay ngiti

"Ahh ikaw pala inaantay kana ni ma'am Lucy"

Pinatuloy agad ako ni kuyang guard kala ko kase patatambayin niya pako sa labas eh HAHAHA charing! "grabe yayamanin din pala tong mga magiging amo ko napakalaki ng bahay, mansion ata to e, well di naman sa ngayon lang ako nakakita ng gantong bahay pero alam niyo yon iba iba kasi talaga ang mga itsura ng mga to.

Para akong tangang nakangiti habang nakatingin sa labas ng bahay ng papasukan ko nang biglang may tumama sa may bandang mata ko "araayy ko!" Sigaw ko habang hawak hawak ang mata ko letche! Sino ba kase yon.

"Ayy miss sorry, sorry talaga"ani nitong nakatama siguro sakin nakaupo pa din kase ako habang nakayoko nahilo ako don ah "ayos kalang ba?"hinawak ako nito sa baba

"Ayos lang ba ako?!ano sa tingin mo?!"ani ko sabay tingin sa lalaking kaharap ko ngayon. Hala siya ang gwapo ni kuya mo kaya ito ako nakatitig sa muka nitong kaharap ko

"Sorry talaga ha btw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya naman  habang inaalalayaan ako nitong tumayo "miss?oy bakit tulala ka?"

"H-ha? Ah-wala nahihilo lang" pagsisinungaling ko. Sino ba kasing di matutulala sa kagwapuhan nito

"So ano ngang sadya mo dito?

"Ahh mamasukan bilang yaya"

"Talaga?!"gulat na aniya. Ang oa naman nito gulat na gulat? "Halika na pasok tayo sa loob"anito tapos nauna na siyang pumasok sa loob. Natawa pako kasi habang naglalakad siya parang nagtataka pa

Sumunod na din ako sa kanya sa loob ng bahay grabe ang laki pala talaga ng bahay na to ang ganda pa modern na modern. Palingon lingon ako hanggang sa napadpad ang paningin ko sa tatlong lalaking nakaupo sa sofa habang nakatingin sakin, kasama yong lalaking nakatama ng bola sakin kanina

Teka magkakapatid kaya sila?pero di naman sila magkakamuka ah.

"Who are you?"ani ng isang lalaking nakapoker face, hmm pogi din ang isang to kaso parang ang sungit naman yata ng awra. Ang pupungay pa ng mga mata.

"Ohh andito ka na pala" naagaw ng isang magandang babae ang atensyon naming lahat kaya diko na nasagot yong tanong ni masungit oo masungit nga unang tingin palang sungit na ng first impression ko sa kanya ."halika maupo ka muna ija"aniya ng mama ata nilang tatlo

Umupo naman agad ako sa tapat ng tatlong lalaki "yaya corin? Magdala ka naman dito ng juice at meryenda"utos ni ma'am Lucy sa yaya nila.

Agad din namang sinunod ito nong yaya. Grabe nakakahiya naman to pano ba naman nasakin lahat ng atensyon nila. "so nag-aaral kapa ba?" nagulat ako nang biglang nagsalita si ma'am Lucy. Di ba alam ni ma'am na bakasyon ngayon?

"A-ah Opo ma'am balak ko po sanang ipagpatuloy pag aaral ko habang nagttrabaho sa inyo kung papayag po kayo, wag po kayong mag alala di kopo papabayaan trabaho ko" sana naman pumayag siya muka naman siyang mabait e.

Nagulat ako nang biglang ngumiti yong ma'am "oo naman ano kaba papayagaan kita" bigla akong napangiti ng napakalaki

"Nakoo salamat po ma'am sabi ko na nga ba mabait kayo e hehe,salamat po talaga pangako po gagalingan kopo lilinisin kopo ng sobra sobra tong bahay niyo at sisipagan ko po talaga pangako" ani ko sabay lingon sa lalaking naka poker face pa din ngayon, ewan ko ba parang kakaiba tong lalaking to e, at napapalingon ako rito.

The Missing Young BrideWhere stories live. Discover now