Isang 5-minute tricycle ride lang naman ang academy mula sa boarding house kaya nakarating kami agad. 


Namangha ako upon seeing how big the academy is. This isn't like our typical universities and colleges. The cadets along the way led us to the academy's grandstand dahil doon daw magaganap ang silent drill performance.


Nagtabi tabi kami nila Nicole dahil may text si Gin kanina na mamaya nalang daw namin s'ya hanapin. Malaki ang grandstand at maraming tao kaya mahirap magkakitaan. 



From: Gin

Behhh, i'm currently with Kevs' family. Kitakits nalang daw sa 1st Battalion mamaya. 



The program started with an invocation followed by an opening remarks mula sa isang mataas na opisyal ng academy. Afterwards, the performers marched their way to the grounds, standing straight up, holding their rifles. 


Isa sa mga matitikas na nakapila ay si 3CL Ranz Miguel Serrano. Kahit sa malayo ay kilala ko s'ya. He is wearing a black uniform and he's one of the tallest among the group. He looked so fine, hindi mukhang manyakol o ano man.


Just to briefly explain, Silent Drill is usually performed by a platoon trained with different rifle and sword executions. Every move they make is in unison with the beat of a drum. This is some sort of entertainment for the people in the military. For further understanding, i-youtube n'yo nalang. Charet!


To be very honest, hindi ko inakalang may ganoong klaseng skill si Ranz. Just imagine holding that more than 6kg rifle for almost half an hour, pinaiikot ito, pinalilipad habang pinananatili ang synchronization ng buong platoon. Amazeballs. Hinaluan pa nila ito ng nakakaaliw na sayaw. 


"Impressed na impressed?" pang-aasar ni Nicole dahil hindi ko mapigilang kunan s'ya ng litrato at videos. 


After the performance, we did as we were told, dumiretso kaagad kami sa 1st Battalion at kinita sina Gin. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ring papalapit si Ranz na nakapagpalit na ng regular uniform n'yang white polo at black slacks na suot din ng lahat ng kadete. 


"Ginulat mo ako ah." pagbati ko noong lumapit s'ya. 


He smirked and winked at me. Kadiri.


"You did great." nginitian ko s'ya. 


"Tara sa quarters. I'll introduce you to them."aya n'ya.


"Them?" takang tanong ko.


"Ah, 'yung mga tao sa battalion. And to my parents."


Nagulat ako. I am not prepared! Ano namang sasabihin n'ya sa magulang n'ya? Sino ba ako? Ni hindi n'ya man lang ako inorient. 


Hindi ako nakapagsalita pero panay ang tingin ko sa mga salaming nadaraanan namin. Mabuti nalang at nakapag-ayos ako ng kaunti. Nagsuot ako ng high waisted jeans, puff sleeved blouse na flattering ang fit sa katawan ko at black stilettos na almost 4 inches. Naka-high ponytail din ako kaya hindi naman ako mukhang kahiya hiya pero 'di ko pa rin talaga alam kung paano ako magpapakilala. 

Sea BridgeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ