Tahimik na inabot sa akin ni Andrei ang isang Frappe at sinenyasan ako na uminom muna marahil para pakalmahin ako. Saglit akong natahimik pero ilang sandali lang ay napabuga sa hangin dahil sa inis nang makitang may isang couple na dumating at pumwesto sa kabilang table. Nakuha nung babae na may yakap yakap na Teddy bear ang pansin ko.

"Alam mo, Andrei, wala namang kami e. Simula't sapul palang ay isang kaibigan lang naman ang gusto ko pero siya itong pinaramdam sa akin na itinuturing niya ako nang mas higit pa dun."

Naalala ko tuloy yung araw na sinorpresa niya ako't kinuntsaba pa ang guard sa E.H.U para iabot sa akin yung regalo niyang Teddy bear. Nagpupumilit pa siya sa na pangalanan namin 'yon na akala mo ay anak namin. Hindi pa nakuntento't tinatawag-tawag pa akong babe. Napangiti nalang ako ng mapait sa alaala na yon.

Tanga, Mary Gil! Pinaasa ka lang niya!

"Hindi kita masisisi, Mary Gil," seryosong sabi ni Andrei. "He led you on. Binigyan ka niya ng dahilan para ma-attach sa kanya. Pero ang tanong ko, na-attach ka nga ba talaga o nahulog ka na?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Isa rin ito sa mga katanungan ko sa sarili na iniiwasan kong sagutin. I have been so confused with my feelings with him. Ni hindi ko nga alam kung nahulog na ba ako o na-attach lang sa kanya para maramdaman ko ito pero one thing's for sure, isa ito sa mga isinawalang bahala ko noon at piniling hindi i-acknowledge. Natakot kasi ako na baka may magbago sa aming dalawa kung sakaling may nararamdaman na nga akong kakaiba.

Sumimsim muna ako sa malamig na Frappe na hawak ko. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay sinaktan niya ako."

"Hindi ka naman masasaktan nang ganyan kung hindi ka nahulog sa kanya, Mary Gil."

"Pero hindi rin maiiwasang hindi masaktan kung na-attach lang ako sa kanya, Andrei."

Tuluyan nang dumilim ang paligid. Binuksan na rin ang mga ilaw sa balcony.

Tinignan ako ni Andrei nang mata sa mata. "Either way, ikaw lang naman ang makakasagot nyan, Mary Gil. Kung sakaling attachment lang yan, bigyan mo ng panahon ang sarili mo. You better start diverting your attention on different things. Try to do something new. Lumabas ka, mamasyal or just crack out of your shell. Libangin mo ang sarili mo. At kapag nalibang ka na at napansing hindi mo na siya maiisip, ibig sabihin ay na-attach ka lang talaga sa kanya," seryosong sabi niya. His voice is full of concern. "Kasi ang lumalabas sa mga sinabi mo sa akin ay nasanay ka na sa presence niya. Nagiging dependent ka na sa kanya."

Para akong sinapul sa mga sinabi ni Andrei. Hindi agad nag-sink in sa utak ko yung huli niyang sinabi. Naging dependent na ba talaga ako kay Jake?

"Andrei—"

"Attachment and falling in love are two different things, Mary Gil. Pwede kang ma-attach sa taong kaibigan lang ang turing mo pero ibang usapan na kapag nahulog ka na. Mas mahirap sagipin ang taong nahulog na kaysa sa nakakapit palang."

Nagpakawala na naman ako nang malalim na hiningabago tumingin nalang sa madilim na alapaap.

"Kahit naman na nahulog na ako sa kanya o attached lang, hindi na rin naman mababago yung katotohanang may iba na siya. Wala na, Andrei. Hindi pa man kami nagsisimula ay nagtapos na agad kami." Ang pait!ang pait ng bawat salitang binibitawan ko.

"Well, that's life, Mary Gil. Wala na tayong ibang magagawa kundi mag-move on nalang."

Natawa nalang ako ng mapait bago sumubo ng cake. Pero gaano pa ito katamis ay pait lang ang nararamdaman ng dibdib ko. "Move on? Hindi naging kami pero heto ako't magmomove on."

Napatawa na rin nang bahagya si Andrei sa sinabi ko. At ito ako, sinasabayan na rin siya pagtawa.

Plastic! Ang plastic ko masyado para makipagtawanan ngayong nasasaktan naman ako sa loob-loob ko.

Hey, You! (Short Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora