9. Paranoia

12.4K 714 332
                                    

Chapter 9

Me: I miss you, Jake.

One week.

One week na ang lumipas simula nang magka-chat kami ni Jake. One week na rin ang lumipas nang mag-online siya. Since then, hindi siya nagparamdam ulit. Baliw na ba ako kung sasabihin kong maya't-maya ko chinicheck kung nag-online na ba siya? Nakakalungkot kasi, e. Nasanay akong kausap siya araw-araw tapos bigla siyang nawala. I have been feeling so incomplete.

Sobrang distracted tuloy ako the whole week. I felt so alone. Paano ba naman kasi, one week na rin ang lumipas nang magkasagutan kami nina Mia at Lindy. Hindi na kami nag-usap simula no'n. I know, magkagrupo kami sa Marketing Plan pero tapos na rin naman kami du'n at naghihintay nalang ng araw ng defense. Medyo bothered din naman ako na hindi kami nag-uusap kahit tungkol man lang sa Marketing Plan namin pero kasi ang sama pa rin ng loob ko dahil sa kanila.

"Mary Gil?"

Kasalukuyan akong nasa Admin building, sa may Accounting to be exact para magbayad ng tuition fee nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito only to find out it was Andrei.

"Oh, Andrei. Nagbayad ka rin?"

Nginitian niya ako. "Nagpapirma ako ng permit," aniya. Medyo tumabi pa siya sa gilid dahil nakakaabala siya sa ibang mga nakapila sa cashier. How could I forget that he's rich? Hindi katulad niya ang magbabayad ng tuition fee buwan-buwan. Marahil ay fully paid na siya sa buong semester. "May klase ka pa ba after nito?"

"Wala na..."

"Ahh," he replied, nodding his head slowly. "Gusto mo magmiryenda?"

Hindi agad ako nakasagot. Naalala ko 'yong last time na kumain kami nang magkasama ay dahil sinet-up kami ng mga kaibigan namin. Hindi ko maiwasang hindi mag-alangan this time around.

"Andrei, ano kasi e—"

Natawa lang siya nang bahagya marahil sa pag-aalangan ko. "Don't worry, miryenda lang. Hindi ako nangliligaw or something," he said reassuringly.

Inaamin ko, nagdalawang isip akong kung sasama ba ako kay Andrei pero sa huli ay pumayag na rin naman ako. To be honest, sa nakalipas na linggo ay hindi lang ako nalulungkot kundi naiinip pa ako. Wala na kasi akong kaibigan na makakausap sa campus tapos pag-uwi ko pa e magmumukmok lang ako habang hinihintay kung mag-oonline ba si Jake. Hindi naman siguro masama na lumabas kasama si Andrei ngayon dahil gusto ko rin naman nang may makakausap.

Sa malapit na coffee shop kami nagpunta which is The 13th District pagkatapos ko magbayad ng tuition fee ko. Madalas ito ang go-to tambayan ng mga estudyante ng E.H.U dahil literally ay katapat lang nito ang campus. But this time, walang masyadong tao dahil marahil ay hamak na oras. Mukhang karamihan ng estudyante ay nasa kanya-kanyang klase.

"So, kamusta na, Mary Gil?" Tanong ni Andrei habang hinahain ang order kong Green tea latte. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya hinayaan na ilibre pa ako.

"Okay naman. Ikaw ba?"

"Okay lang din. Medyo stressed kasi malapit na mag-finals. Maraming tinatapos na plates," he answered and then looked to me seriously. "Mary Gil, can I ask you something?"

Tumango lang ako at sinimsim ang Green tea latte ko dahil na-conscious ako sa pagtitig niya.

"If you don't mind, I heard what happened sa inyo nina Mia at Lindy."

Du'n lang ako nag-angat ng tingin. My eyes met his and I could sense the concern in his voice. Hindi na ako nagtaka kung paano iyon nakarating sa kanya. With the friendship he's having with Mia, posibleng malaman nga niya na hindi kami okay.

Hey, You! (Short Story)Where stories live. Discover now