5. Depression

16.9K 993 420
                                    

Chapter 5

Me: Are you okay, Jake?

Iyon nalang ang naitanong ko. I know pretty well that he is depressed. Napagdaanan ko na kasi 'yan noon. Hirap akong makatulog dahil marami ang gumugulo sa isip ko noong bata pa ako. I got bullied when I was in elementary. Halos ayoko na ngang pumasok noon dahil majority ng klase ay pinagkakaisahan ako araw-araw. Naalala ko pa na umaabot na rin sa pisikalan ang pangbubully nila sa akin.

Yung tipong tinulak nila ako sa hagdanan at nang malaman ng guidance ang nangyari ay pinalabas lang ng mga kaklase ko na nadulas lang ako.

Yung field demo program namin na ako lang 'yong hindi in-inform na nag-iba na ng costume kaya ako lang 'yong bukod tanging naiiba kaya naman naging tampulan ako ng tukso.

Hindi ko rin makakalimutan 'yong naghihintay ako sa sundo ko nang biglang may nanghila pababa ng P.E. jogging pants ko sa harap ng maraming tao.

Miski yung mga panahong hindi ako nakakapagbayad ng tuition fee dahilan kung bakit wala akong permit to take examinations ay naging cause din ng pambubully nila sa akin. Minsan kasi ay nale-late ng pagpapadala si Papa sa amin ng pambayad ng mga gastusin sa bahay kaya naman puro promissory notes lang ako.

And you know what's worse? 'Yon ay nung pinalitan 'yong front page ng project ko ng kaklase ko kung saan nakalagay ang pangalan ko na pinaghirapan ko ng one week at inangkin iyon like his own. Hindi lang iyon dahil kahit sa mga exams ay pinagpapasa-pasahan nila ang papel ko para makakopya. When I tried to report what happened ay ako pa ang napasama. Dinisqualify ako para mapabilang sa Top 10 Honor roll.

Hindi ko sinumbong ang lahat ng iyon sa parents ko dahil ayokong mag-alala si Papa sa kalagayan ko't lalo na nagpapakahirap siyang magtrabaho sa Japan para lang mapag-aral kami ng kapatid ko sa private school. Pero dahil sa nangyari ay mas ginusto ko pang mag-aral nalang sa public dahil grabe ang hirap na dinanas ko sa pagkimkim ng lahat ng iyon sa sarili ko. Halos kahit sa pagtulog ko ay ang mga kaklase ko ang nasa isip ko. The last three years in elementary was so traumatic for me. Mabuti nalang ay nagbago ang lahat nang tumuntong ako sa highschool.

I dismissed that thought off my head. Tuwing naaalala ko iyon ay sumisikip lang ang dibdib ko't maging ang isip ko ay nagugulo rin. If there is one period in my life that I do not want to go over, that is definitely my elementary years.

Hindi ko namalayan na matagal pala akong natulala sa bintana kaya hindi ko napansin na nag-reply na pala si Jake.

Jake: I am lying if I say I'm fine because I'm not.

Jake: But don't worry about me. Sinusubukan kong maging okay.

Jake: I just want someone to talk to.

Jake: And thank you because you are there.

Jake: Kaya sorry kung naiinis ka na kasi parang ang needy ko.

Jake: Well, really, I need a friend.

Napabuntong-hininga nalang ako't niyakap nang mahigpit ang unan ko as I imagined that I'm giving Jake a warm hug. I know he badly needs a hug to comfort his lonely heart...

Me: Don't worry. Nandito lang ako.

Then he replied after a few seconds.

Jake: Para sa akin?

Me: Oo, para sa'yo.

Jake: Thank you. I'm always here for you too, Mary Gil. Always remember that.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong mainit ang humaplos sa puso ko. Surely, a smile crept across my lips as I fell into a deep sleep that night.

Hey, You! (Short Story)Where stories live. Discover now