At ito na nga, nangyari na. Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakagago. Hindi ko ito dinidibdib dahil kasalanan ko naman 'yon, e. Kasalanan kong hinayaan ko ang sarili ko na kumapit sa'yo. Napakatanga ko.

Nagpakatanga ako masyado sa'yo, Jake! Ang tanga-tanga ko!

"Mary Gil." Napakurap ako ng mga mata nang mapansing nakaupo na pala si Andrei sa kaliwa ko. "Are you— no, no.You're obviously not okay," he said, shaking his head no when I pulled out a deep sigh.

"Magiging okay din ako, Jake."

"Jake?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Napapikit nalang tuloy ako nang mariin at sinapo ang noo ko. Puro si Jake na ang nasa isip ko, puro siya rin ang bukambibig ko. "Siya ba 'yong dahilan?"

Tumango lang ako nang dahan-dahan.

"He's your special friend, isn't he?"

Napalabi nalang ako sa tanong niya. "Was, Andrei. He was my special friend," tugon ko habang si Andrei ay tila ba naghihintay ng susunod ko pang sasabihin. "Wala e. Sinaktan na niya ako."

"Sorry to hear that."

Tinapunan ko siya ng tingin. "Ganyan. Ganyang ganyan yung sinabi niya sa akin nung nag-open up ako sa kanya kanina. Sorry to hear that? Sorry to know that? Whatever!" I snorted in sarcasm. "Gusto ko lang naman mag-open up sa kanya kagaya ng dati, Andrei. Ang bigat na kasi ng dibdib ko."

Tahimik lang siyang pinakikinggan ang paghihimutok ko.

Dati, noong mga panahong depressed siya't hindi makatulog ay ako ang nandyan para samahan siya't damayan. Bakit ngayong mukhang okay na siya ay tinabig niya ako na parang basahan?

"Gusto ko lang naman ilabas yung sama ng loob ko dahil sa pinagdadaanan ko sa bahay. Sinabi ko lang naman sa kanya na baka tumigil na ako sa pag-aaral gaya ng sabi ni Mama sa akin pero alam mo yung sinagot niya? Ha! Sorry to know that!"

Alam kong kaya mo yan. Ikaw pa ba? How ironic na iyon ang sinabi niya sa akin. Parang kailan lang nung mga panahong problemado ako dahil sa mga kaklase kong nakaasa sa akin sa paggawa ng Financial Statement habang ako itong hindi makatanggi dahil ang lagi nilang sinasabi sa akin ay; Mary Gil, kaya mo yan. Ikaw pa ba?

Si Jake. Si Jake yung unang nag-comfort sa akin noong mga panahong iyon pero kita mo nga namang parehas lang din naman pala sila ng linyahan ng mga kaklase ko.

"Dati, siya yung naging takbuhan ko sa tuwing masama ang loob ko sa mundo. Ngayon, how ironic dahil siya naman itong pinapasama ang loob ko't tinakbuhan ako palayo. Ang gago niya."

"Mary Gil, give him the benefit of the doubt. Let him explain his side. Baka naman may dahilan—"

I cut him off abruptly. "May dini-date na siyang iba at ayaw niyang maging hadlang ako sa kanilang dalawa. Yun ang dahilan niya!"

Another sigh escaped from my lips. Hindi na ulit ako nakapagsalita. Buti nalang ay dumating na 'yong order namin na dala-dala ng isang lalaking nakasuot ng kaswal na ikinaiba niya sa mga crews. He must be the manager.

"Here's your order," nakangiting sabi niya habang siniserve ang mga in-order ni Andrei na Frappe at pastries. "Enjoy your food," sabi niya bago nagtungo sa katabi naming table at du'n ay nagserve din ng order.

Masyado na nga yata akong nawala sa sarili. Hindi ko napansin na hindi na namin solo ni Andrei ang balcony dahil meron na ring ibang customer sa kabilang table. Nahiya tuloy ako bigla. Napalakas ba ang boses ko? Gumagawa na ba ako ng eksena dahil sa ka-shit-an na drama ko sa buhay? But on a second thought, wala na akong pakielam! Sobrang sakit ng puso ko!

Hey, You! (Short Story)Where stories live. Discover now